Article

8

Posted on : Wednesday, January 13, 2010 | By : shapap | In :

Kim, sanay makitang nakahubad si Gerald
by Leo Bukas ( Journal Online ) 01.13.10
Maganda ang pasok ng taong 2010 kay Gerald Anderson dahil bida na naman ang tambalan nila ni Kim Chiu sa panibagong soap opera ng ABS-CBN -- ang Kung Tayo’y Magkakalayo na magsisimula na sa Lunes (Jan. 18).

Naging mainit ang pagtanggap ng tao sa katatapos lang nilang serye na Tayong Dalawa kaya hindi maiwasang ma-pressure ang binata sa panibagong project nila ni Kim sa Dos.

“Kung nagustuhan nila ’yung Tayong Dalawa, alam kong magugustuhan din nila itong Kung Tayo’y Magkakalayo,” kampanteng pahayag ng binata.

“Sa lahat naman ng projects may pressure. Nadagdagan lang dito dahil sobrang laki nung proyekto, napakabigat ng cast. Pero masaya and confident kami dahil pinaghirapan naming lahat ito and we made sure that we give our best in each scene that we do,” dagdag pa niya.

Masaya rin si Gerald na nakatrabaho niya si Gabby Concepcion.

“Sobra akong blessed to be working with someone like him kasi he’s the ultimate matinee idol nu’ng araw. It’s very humbling, madami akong na-absorb sa kanya. Sobra akong blessed. Idol ko talaga siya.”

Humingi ba siya ng tips kay Gabby sa pag-arte? “Hindi naman kasi namin napag-uusapan ’yung work. Basta ‘pag may free time, nag-uusap kami tungkol sa kahit na ano,” paliwanag pa ni Gerald.

Isa pang nakadaragdag ng pressure ngayon kay Gerald ay ang bagong tawag sa kanya bilang “Action Drama Prince of Primetime Bida.”

“Hindi ko naman iniisip ’yon. Basta ako, ginagawa ko lang nang maayos ang trabaho ko,” mariin niyang tugon.

Ipinagmalaki rin ng binata na mas cute at nakakakilig daw ang tambalan nila ni Kim sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

“Mas matutuwa sila sa mapapanood nila at sigurado akong mas kiki-ligin sila dito,” hirit pa niya.

Bukod sa KTM series, bida rin ang magka-love-team sa bagong pelikula ng Star Cinema na Paano Na Kaya na ipalalabas sa Jan. 27.

“Sobra kaming overwhelmed dahil bukod sa soap namin, may movie pa kami. Thankful kami ni Kim sa laki ng tiwala na ibinibigay sa amin ng management kaya talagang hindi namin sila bibiguin lalo na ang mga Kimerald na talagang sumusuporta sa amin ni Kim.”

Sa MTV na napanood namin for the movie, kapansin-pansin ang pagpapakita ni Gerald ng kanyang magandang katawan. Handa na ba siyang magpaseksi?

“Actually ’yung eksena na ’yun napaka-cute, napakaganda ng execution. Magaling din si Direk Ruel (Bayani) and inalagaan niya kami.

“Hindi naman nailang si Kim kasi sanay naman siya kasi mula nu’ng Cosmo medyo naghuhubad na ako, hindi ko alam kung bakit (laughs). Pero she’s very supportive of me and ganu’n din ako para sa kanya.

“Kaya dapat panoorin nila ’yung movie namin para makita nila ’yung sinasabi ko. Ha-ha-ha!” sabi pa ulit ng aktor.

Comments (8)

Kinakailangan pa bang sabihin 'yan???? I'd say no comment.Keep smiling
and be happy Kimeralds!!!!!!

I like Gerald very much, as an actor, he continuously surprises us with how he takes care of his craft. He deserve all the accolade he's receiving. As a person, I can see that he's focus and determine to better himself. He's very young but already a role model to all ages.
Showbiz is not exactly a favorable environment to young and impressive age like his when he started. We all know that this is not so long ago, but look what he's done with his life. On and off cam he's very positive.
BRAVO Gerald! We will continue to support you and Kim.

Who would think that this young, good looking and sweet boy from PBB days will grow up to be such a responsible, thoughful, humble and caring young man of today's generation.

He just doesn't have good looks HE GOT EVERYTHING.That's why everyone have a crush on him. Too bad his taken.

KIM & GERALD, hindi na ako mapagkatulog kahihintay sa movie ninyo.
Parang napakatagal ng Jan 27. We're all getting excited.

tama ka diyan 4:36 am mabuti ka pa nasa pinas ka at mapanood mo na ang PAANO NA KAYA samantalang ako nandito sa SAN ANTONIO TX hindi man lang ako makakanood sa first showing nila.....well exciting ako para sa kanilang dalawa na sana maging box office ang PAANO NA KAYA AABANGAN KO NA LANG DITO ! ANYWAY SA LUNES NA ANG KUNG TAYONG MAGKAKALAYO HINDI NA RIN AKO MAKAPAGHINTAY SA TELESERYE NILA GOOD LUCK AND MORE BLESSING TO COME KIMERALD.

Haaaaay naku !!!! sanay na yan, 2006 pa. Seeing their PBBTE videos, I'm laughing alone, crazy na talaga sa dalawang ito. They really know each other the good and the bad side of each one. Kim is very observant of GERALD, siguro when BIG 4 are left, its only him that made her day happy not boring. She knows the action of Gerald, look at the reaction of GE, when he is caught by KIM "Red Handed" so funny, embarassed but later he said, "Anyway that's what I like in a girl". They compliment each other up to now. Taking care of each other needs.Your both lucky to have each other. Good Luck !!!!!

KIM AND GERALD LOVETEAM AY TALAGANG NAG-IISANG LOVETEAM NA 'SWAK NA SWAK" SA LAHAT NANG BAGAY. I SO ADMIRE THEM 9NOT BECAUSE I'M A FAN) BUT BECAUSE OF WHO THEY ARE AS A PERSON. THEY CAN TRULY BE A MODEL FOR OTHER NEW ASPIRING ACTORS DAHIL SA TINATAMASA NILANG TAGUMPAY SA KANILANG SINING. HINDI SILA MAYABANG BAGKUS VERY HUMBLE AND THANKFUL FOR ALL THEIR BLESSINGS. MARUNONG SILANG TUMANAW NANG UTANG NA LOOB AT MAGPASALAMAT SA MGA TAONG PATULOY NA TUMUTULONG AT SUMUSUPORTA SA KANILA KASAMA NA DIYAN ANG KANILANG MGA MATATAPAT NA TAGAHANGA BOTH LOCAL AND ABROAD. THIS YOUNG LOVETEAM I BELIEVE WILL CONTINUE TO ENJOY MORE AND MORE BLESSINGS BECAUSE OF THESE. TO GE AND KIM I LOVE YOU BOTH VERY MUCH.I CANNOT WAIT AND SO EXCITED SA BAGO NINYONG TELESERYE, FINALLY AT SANA NASA PI AKO NGAYON FOR YOU NEW MOVIE KASI IT'S ABOUT TIME SICE IFFY DAHIL I KNOW THIS WILL BE A BOX OFFICE HIT. GOD BLESS YOU BOTH ALWAYS .

ATE A.-NYC

sana kayo ang magkatuluyan, pls. god tulungan mo sila bilang mr. and mrs. gerald anderson... lola nz

Post a Comment