Article

2

Posted on : Wednesday, January 27, 2010 | By : shapap | In :

Kim Chiu and Gerald Anderson agree that they're still too young to enter a relationship
by Glen P. Sibonga ( PeP ) 01.27.10
Tuwang-tuwa sina Kim Chiu at Gerald Anderson dahil sa matagumpay na premiere ng kanilang second major movie under Star Cinema, ang Paano Na Kaya?, na ginanap kagabi, January 26, sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang press sina Kim at Gerald sa cast party ng Paano Na Kaya? sa H.K. Choi restaurant sa Megamall pagkatapos ng premiere night. Labis nga ang pasasalamat ng dalawa sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa premiere nila.

"Sobra kaming nagpapasalamat sa mga fans namin, sa mga kaibigan namin, sa mga family namin, sa lahat ng mga sumuporta dito sa premiere night. Sana ganito rin kainit ang pagtanggap ng mga manononood bukas [Jan. 27] sa showing ng Paano Na Kaya?," masayang bulalas ni Gerald.

Dagdag naman ni Kim, "Ang saya-saya po namin ni Gerald dahil ang dami-daming tao. Thank you sa Star Cinema at binigyan nila ulit kami ng another movie para sa mga fans namin."

Ano ang naramdaman nila habang pinapanood nila ang kabuuan ng pelikula?

"Sobra kaming kinakabahan dahil sabay-sabay tayo, e," sabi ni Gerald. "First time din naming mapanood nang buo. At saka iba, e... pag nakikita ko yung sarili ko sa screen, iba, e. Masaya naman kami dahil maganda naman yung outcome. Maganda yung ginawa ni Direk Ruel Bayani. Sobra kaming masaya at confident para bukas o maya-maya sa first day ng showing namin. We're very, very excited."

Ayon naman kay Kim, "Kinabahan kami siyempre dahil alam namin yung mga eksena na mahihirap. Talagang naka-cross fingers na ako. Pero nakakahinga kami nang maluwag dahil pinapalakpakan siya, tinitilian siya ng mga tao. So, parang ang gaan ng feeling, 'Ay, gusto pala nila.' Buti na lang."

IMPROVED ACTORS. Ano ang reaksiyon nila kapag sinasabing aktres na aktres at aktor na aktor na sila sa pelikulang ito?

"Maganda, good feedback, siyempre masaya," sagot ni Gerald. "Kasi pinaghirapan namin itong movie na ito. Sobrang kaming natutuwa na natutuwa rin yung mga tao."

Bakit sa tingin nila click na click ang loveteam nila?

"Well, sa amin ha, hindi sa acting ha... kung kami lang dalawa kumbaga, very natural kami pag magkasama kami. Totoo yung mga ipinapakita namin sa isa't isa. Hindi lang kami basta loveteam na ipinapares. Talagang mula PBB (Pinoy Big Brother Teen Edition) magkasama na kami. So, yun," sabi ni Gerald.

SUPPORT FROM KAPAMILYA STARS. Nanood ng premiere ang co-star nila sa ABS-CBN primetime soap na Kung Tayo'y Magkakalayo na si Kris Aquino, kasama ang asawa nitong si James Yap at anak na si Baby James. Ano ang feeling nila na todo-suporta si Kris sa loveteam nila?

"Oo nga, e, tinupad niya yung pangako niya sa amin," sabi ni Kim. "Pumunta talaga siya. Siyempre, masayang-masaya kami at nakapanood siya. Lagi siyang nakasuporta sa loveteam namin. Kaya thank you talaga, Ate Kris."

Bukod kay Kris namataan din ng PEP sa premiere night ang mga Kapamilya stars na sina Jericho Rosales, Karylle, Jake Cuenca, Angelica Panganiban, Coco Martin, Maricar Reyes, Carmen Soo, Jason Abalos, Kitkat, Arron Villaflor, Aldred Gatchalian, Beauty Gonzales, Fred Payawan, at ang mga direktor na sina Rory Quintos, Trina Dayrit at Erick Salud. Nandun din ang mga ABS-CBN at Star Cinema executives na sina Malou Santos, Cory Vidanes, at Deo Endrinal.

Bukod kina Kim at Gerald, in full force din ang cast ng Paano Na Kaya? na sina Zsa Zsa Padilla, Ricky Davao, Melissa Ricks, Robi Domingo, Bernard Palanca, Jon Avila, Janus del Prado, Guji Lorenzana, IC Mendoza, Cai Cortez, at siyempre ang direktor na si Ruel Bayani.

Bago magsimula ang screening ay live namang kinanta ni Bugoy Drilon ang kanyang hit song na "Paano Na Kaya?" na ginawa ring title ng movie na ito.

EMOTIONAL GERALD. Naging emosyonal naman si Gerald pagkatapos ng screening at niyakap niya nang mahigpit ang mga magulang niya na present sa premiere night.

"Siyempre, sobrang masaya ako kanina dahil napakaganda ng moment, palakpakan yung mga tao. Tapos nakita ko yung pamilya ko, yung mga magulang ko at niyakap ko sila. Sobrang saya!" wika ni Gerald.

Bakit parang maluha-luha siya?

"Siyempre, noong bata pa ako... tapos nung nag-showbiz ako, hindi ko na sila nakakasama lagi. So, nung makita ko sila, sobrang saya. Siyempre, na-miss ko sila. Tapos nakita ko yung tatay ko naka-suit. E, buong buhay nun hindi ko pa siya nakitang naka-suit. Laging naka-U.S. Navy uniform yun. So, nung nag-suit siya iba yung nakita ko," lahad niya.

GERALD'S MOM APPROVES OF KIM. Boto raw ang mommy ni Gerald kay Kim, ano ang reaksiyon nila rito?

"Oo, hindi na ako nagugulat dahil napakabait ni Kim. Magkasundo silang dalawa," sambit ni Gerald.

Ano naman ang masasabi ni Kim tungkol dito?

"Nakakahiya... ano, thank you, thank you. Mabait naman si Tita, pinagluluto niya kami minsan pag nandiyan siya. Pinapapunta niya kami sa bahay nila tapos kumakain kami ng dinner doon," sabi ng young actress.

Sabi ng mommy ni Gerald, bata pa raw sila kaya sana huwag muna nilang madaliin ang pagkakaroon ng relasyon. Si Gerald ay 20 samantalang si Kim naman ay 19.

Ano ang comment nila rito?

"Oo siyempre," sagot ng young actor. "Tama naman yung sinabi ng nanay ko. Bata pa kami, bata pa si Kim. Marami pa kaming gustong gawin."

Sumang-ayon din naman si Kim. Aniya, "Oo, tama naman yun. Siyempre, bata pa kami. Dapat mag-enjoy lang kami sa kung anuman meron kami ngayon."

HARD TO SEPARATE. Paano na kaya... kung paghihiwalayin na sila at ipapareha sa iba sa mga susunod nilang projects ?

"Paano na kaya kung maghihiwalay na kami?" balik-tanong ni Gerald. "Mahirap, siyempre mahirap. Kasi sanay na ako kay Kim, sanay na rin siya sa akin. And sobrang kumportable yung trabaho ko pag siya ang kaeksena ko, pag siya ang kasama ko. Mahirap, mahirap talaga."

Sumang-ayon din si Kim dito. "Tama yun, mahirap," sabi niya. "Kasi bagong adjustment, bagong friendship ang bubuuin para magkaroon ng kilig moments. Para magkaroon ng spark yung pagsasama. And another start pag ganun. Nagsisimula ka ulit sa simula."

Ano ang pakiramdam ni Gerald na maraming artistang babae ngayon ang gusto siyang makapareha?

"Wow, flattering, overwhelming!" sagot niya. "Pero sa ngayon, nagpo-focus ako sa trabaho ko ngayon. At kung sino man ang magiging katrabaho ko or ka-loveteam ko in the future, okay lang yun. Pero sa ngayon, I'm very, very happy with Kim."

Hindi ba nate-threaten si Kim sa mga babaeng gustong makapareha si Gerald?

"Ganun naman po talaga yung trabaho, e. Hindi mo alam kung kanino ka ipa-partner ulit, kung hanggang kailan yung loveteam niyo. Wala, kailangan niyo na lang tanggapin. Ganun talaga ang trabaho, e," wika ng dalaga.

Sa ngayon, tila mahirap buwagin ang loveteam nila, lalo na't ang lakas-lakas nito at patuloy na dumarami ang kanilang mga fans.

Showing na sa mga sinehan ang Paano Na Kaya? under Star Cinema simula ngayong araw, January 27. Magkakaroon din ito ng international screenings sa susunod na mga araw.

Comments (2)

Yes!
As years go by, patibay ng patibay ang partnership nina Kim and Gerald, palakas at parami na parami rin ang kanilang fans.
Mabuti naman at inaalagaan sila ng mabuti ng ABS,kung patuloy ang pag alaga ng ABS sa kanila,maraming taon pa na mamulaklak ang career nila at marami pa silang mapasayang tao. Yung fans nila hindi lang sa Pinas,may sa ibang lugar pa.
For me, nakilala ko na si Kim Chiu mulang pbb pero hindi ako avid fan noon. I started seeing her TV show in My Girl,then Tayong Dalawa. The more I see her with Gerald, the more I am convinced, sabi ko nga napakamagnetic ang personality ng batang yan lalo na kung kasama si Gerald. And the more I know Gerald, the more I admire him na napakabait na bata. Now I am so much updated of the two, sinusundan ko na ang mga shows nila, Teleserye and wherever they could be seen, on tv, on movie, mall show, magazines. Nakaka addict, lalo na yung loveteam nila, nakakakilig. Maganda ang samahan ng dalawa, ang teamwork. Sabi ko nga katulad ng couple, most successful couples are those who have the teamwork in living their marital life.Parang ganoon sila, sabi nga ni direk ruel kulang na lang ang kasal.Parang iisa ang buhay nila at hininga.

Feel ko lahat na yatang buhay na generations ay may fans sila. Noong nanuod kami kahapon ng movie nilang PNK, mostly mga kaedad nila ranging from 14 yrs to young professionals. Pero may mga older generations,mga lolo atlola nandoon at mga married couples on their forties and fifties. Sabi ko pagganito ang fans nila,tatagal sila kasi majority mga kaedad nila- High School, in college and young professionals.
Palagay ko kung sila talaga in the end, pati mga anak nila may mga fans na.Showbiz na talaga ang buhay nila, palagay ko.

Post a Comment