Article

2

Posted on : Wednesday, January 20, 2010 | By : shapap | In :

Kasal na lang ang kulang...
by Vinia Vivar ( Journal Online ) 01.20.10

Sa presscon ng Paano Na Kaya? ng Star Cinema starring Gerald Anderson and Kim Chiu last Tuesday night, halos lahat ng entertainment press ay iisa ang gustong malaman mula sa magka-loveteam: What’s the real score?

Matagal-tagal na rin kasing magka-loveteam ang dalawa and since day 1 ng kanilang team-up, ito na ang parating tinatanong sa kanila, pero iisa ang nakukuhang sagot ng press: “We’re friends.”

This time, talagang sinabihan na sila na ayaw na namin ng ganu’ng sagot dahil obvious din naman kasi sa mga kilos nila na talagang nag-level-up na ang kanilang relasyon into being more than just friends.

“Well, sa akin naman ho, siyempre 2010 na, so, pagod na rin po ako sa mga safe answer namin. Siyempre, sa tagal na magkasama kami ni Kim, four years na. Masasabi ko siguro, hindi kami nagku-confirm ng kung ano sa amin.

“Basta, ayaw ko rin sabihin na we’re really close friends dahil sa akin naman, sa point of view ko, tapos na kami sa friendship. Basta, ang sa amin, ayaw ko pong masaktan si Kim at siguro ayaw niya ring masaktan ako. So, ’yun na ’yon,” pahayag ni Gerald.

Medyo bitin naman ang sagot ni Kim.

“Masaya naman ako kapag nandiyan si Gerald. Parang lagi akong safe kapag nandiyan siya. Lagi niya akong pinapatawa. Parang isa siya sa mga taong nagpapasaya sa akin ngayon and masaya kami kapag magkasama kami,” pahayag ng young actress.

Pero nang tanungin kung may opisyal na silang relasyon, tahasan namang sinabi ni Gerald na “MU” (for mutual understanding) raw ang tawag sa kanila.

“Kung ‘MU,’ oo. Pero kumbaga, hindi ko sinasabing syota ko si Kim, hindi ko sinasabing boyfriend niya ako. Wala pong commitment,” sabi pa ng young actor.

Maging ang direktor ng pelikula na si Ruel Bayani, hindi rin nakaligtas na tanungin kung ano ba talaga ang real score sa dalawang bida.

“Sa totoo lang po, sobrang close ko sa kanila, I’m with them almost everyday, lalo na when we were doing Tayong Dalawa. Hindi ako isang taong puwedeng lokohin o isang taong kailangang magpanggap pa sila sa akin. Wala nang puwedeng itago sa akin kasi hindi lang kami magkakatrabaho, magkakaibigan kami, at close kami.

“Honestly, napaka-useless na i-label pa sila. I understand that you want to know more but the truth is, there’s so much love between them, there’s so much support. Gaya ng sinasabi nila, mga bata pa sila, pero laging puyat sila. ’Yun lang may tao sa tabi mo o lagi kang patatawanin o kukulitin ka o dadalhan ka ng pagkain.

“Kung hindi man sila lovers, eh, ano naman ba? Hindi ba mas importante ’yung relationship at kung anong love ang nakukuha nila sa isa’t isa?

“Everyone around them, gustung-gusto ng pamilya ni Gerald si Kim, gusto ng pamilya ni Kim si Gerald, pati drivers nila, mga yaya nila... ay, Diyos ko po, kasal na lang ang kulang,” pag-assess ni Direk sa relasyon nina Kim at Gerald.

“Sa akin, ha, sa point of view ko, hindi na kailangan ng confirmation, hindi ko kailangan ng labeling. Ang importante sa akin kasi, sa murang edad nila, they get to enjoy their work and they get to enjoy each other.

“They enjoy love, friendship, comforting each other, kumpleto sila roon, may someone na magreregalo sa ’yo ng special, ’yun na rin ’yon para sa akin,” say pa ni Direk Ruel.

Hindi na nakapiyok pa ang dalawa sa naging pahayag ng kanilang direktor, meaning to say, agree sila.

Anyway, showing na ang Paano na Kaya? on Jan. 27 at opening salvo ito ng Star Cinema for this year.

Kasama rin sa movie sina Melissa Ricks, Ricky Davao, Robi Domingo, Janus del Prado, Rica Peralejo, Rio Locsin, Zsa Zsa Padilla at marami pang iba.

Comments (2)

need we ask for more

Direk Ruel, you said it all. Thanks for always being there for them.

Post a Comment