Article

1

Posted on : Friday, January 15, 2010 | By : shapap | In :

by Vinia Vivar ( Journal Online ) 01.15.10

Thankful si Kim Chiu sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya, gayundin, sa magandang pasok ng 2010 para sa kanila ng ka-loveteam na si Gerald Anderson. Ngayong Enero pa lang, dalawang mabibigat na projects na agad ang mapapanood sa kanila, ang pelikulang Paano na Kaya under Star Cinema, showing sa 27th, at ang seryeng Kung Tayo’y Magkakalayo, na magsisimula naman on Monday.

“Masaya dahil pinagkatiwalaan ulit kami ng ABS-CBN saka ng Star Cinema. Thankful ako lalo sa Kimerald dahil sila talaga ’yung nag-i-email, nagre-request na kailangan may ganito, ganyan and nakakarating din naman ’yon sa management,” ani Kim.

Makakasama nila sa Kung Tayo’y Magkakalayo sina Kris Aquino, Gabby Concepcion, Albert Martinez, Coco Martin, Maricar Reyes, Gina PareƱo at marami pang iba mula sa direksyon nina Erick Salud, Trina Dayrit at Dondon Santos.

Ang wish ni Kim sa taong ito, sana ay matapos na ang bahay na ipinagagawa niya para du’n na sila tumira before the year ends.

“Zen-American style siya na three storey, parang kay Gerald, pero wala naman kaming usapan na dapat pareho kami. Hindi pa ako bumibili ng furniture kasi skeleton pa ’yung bahay,” say ni Kim.

Comments (1)

wow naman magkakaroon na ng new home si kimmy and without debts pa nice job kimmy more power to you and gerald

Post a Comment