Article

1

Posted on : Sunday, January 24, 2010 | By : shapap | In :

Gerald, super-tiyaga sa pagbabantay kay Kim!
Kung ang mga taong saksi sa ginagawa nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang tatanungin, hindi na sila naniniwala sa sinasabi ng dalawa na wala pa silang relasyon.

Base sa mga taong nakakasama nina Kim at Gerald sa shooting o ta*ping nila, hindi na raw talaga maitago ang pagiging sweet ng dalawa sa isa’t isa. Hindi raw tala*ga puwedeng sabihin na friends lang sila, kung ang treatment nila ang pagbabasehan.

Kuwento ni IC Mendoza na kasama nina Kim at Gerald sa Paano Na Kaya? ng Star Cinema, gandang-ganda raw siyang pagmasdan sina Kim at Gerald sa syuting nila, dahil palaging masaya ang dalawa sa syu*ting.

At kuwento rin ng isa pang nakasama sa syuting nina Kim at Gerald, hindi raw umuuwi ang isa kina Kim at Gerald na hindi kasama ang isa.

Minsan nga raw ay sobrang aga na natapos si Gerald sa shooting. At si Kim ay marami pang eksenang dapat kunan.
Ang akala raw ng mga kasamahan nila ay umuwi na agad si Ge*rald, pero mali sila, dahil matiyaga raw na naghintay si Gerald na matapos si Kim sa trabaho.

Imagine, 10 p.m. pa lang daw ay tapos na si Gerald sa shooting niya, pero super-tiyaga raw itong naghintay/nagbantay kay Kim sa loob lang ng sasakyan niya na inabot ng 4 a.m.

At ganun din naman daw si Kim kay Gerald, na kapag nauunang matapos sa trabaho ay naghihintay rin kay Gerald.

Pero, bakit nga ba ayaw pang umamin nina Kim at Gerald sa relasyon nila? Ang sabi ng isang taong malapit kay Kim, natatakot daw ang dalaga na maki*pag-commit kay Gerald, dahil baka mauwi rin sa hiwalayan ang lahat.

Mas maganda na raw ‘yung ganito lang sila, na walang commitment, na may mutual understanding lang sila, dahil masaya naman daw sila. Baka raw ‘pag naging official na ang relasyon nila ay mapadalas pa ang away nila. Doon na raw kasi papasok ang kung anu-anong selos sa pagitan ng dalawa.

Anyway, sa pelikulang Paano Na Kaya? malalaman kung hanggang sa sinehan ay madadala nina Kim at Gerald ang lakas ng tambalan nila

Comments (1)

I love Kimerald ! Gerald we love you for taking care of KIMMY, knowing GE super love niya ang baby niya, What's the secret of KIM ? Since she always malambing at very caring,the guy will always find the best and he found it in his girl. Me, I had experience it when I'm in my teenage years, halos ayaw niyo maghiwalay, & you cannot see other person except the one you love. That's how thw two felt right now. We expect na kayo na talaga magkatuluyan. KIMERALD Forever!!!!!!

Post a Comment