Article

11

Posted on : Saturday, January 16, 2010 | By : shapap | In :

Kim, dinatungan si Gerald
by Allan Diones ( Abante Tonite ) 01.15.10

May pagka-sexy ang role ni Kim Chiu sa bagong primetime teleserye ng ABS-CBN na Kung Tayo’y Magkakalayo.

Kadalasan ay iksi-iksian ang mga suot ni Kim sa KTM, kung saan gumaganap siya bilang si Gwen Crisanto, ang rebeldeng anak ni Celine (Kris Aquino) na kinamumuhian ang kanyang ina pero sobrang malapit sa kanyang amang si Frank (Albert Martinez).

“Sobrang iiksi ng mga damit ko rito. Ta­lagang super-short shorts. Mga pa-sexy na dress, gano’n.

“Kaya nga sabi ko, ‘Ay, hindi pwedeng magkapeklat!’ Pero nagkapeklat-pek­at na ako dahil sa mga production number sa ASAP!

“Tapos, si Ate Kris, nagsa-suggest siya ng mga outfit ko. Like kung anong brand ng bags ang dapat gamitin ko sa scenes para may trademark outfit si Gwen. Sobrang maasikaso nga si Ate Kris, eh.

“May swimming pool scene kami, kunwari hinulog ako sa pool. Eh, naka-tube lang ako. Sabi niya, ‘Hindi puwede ‘yan, mahuhulog ‘yung tube mo! Maghe-hello ‘yung boobey mo d’yan!’

“So, nagpakuha siya ng tape, tapos tineyp niya ‘yung damit ko para raw hindi malaglag. Ganu’n siya ka-supportive na co-star,” masayang bulalas ng 19-anyos na young actress.

First time nilang magkatrabaho ni Kris. Na-intimidate ba siya rito?

“May isang scene, first time ko ‘yung mag-ta­ping for KTM, tapos itutulak ko siya. Siyempre, Kris Aquino, itutulak mo kaagad?

“Eh, hindi pa kami masyadong close nu’n, so parang nakakahiya, ‘di ba?

“Pero sabi niya, ‘Ano ka ba? Itulak mo ako!’ Sabi ko naman, ‘Ayoko po, nahihiya po ako!’

“Siya rin, ayaw sana niya akong sampalin nu’ng una. Nu’ng first day namin, sabi niya talaga, ‘Ayokong manampal. Ayoko, ayoko!’” kuwento pa ni Kim.

***

Big hit ang huling teleserye nila ni Gerald Anderson na Tayong Dalawa kaya aminado si Kim na kinakabahan siya sa bago nilang soap opera.

Sobrang saya nila ni Gerald na back-to-back ang projects nila sa Kapamilya network dahil feeling nila ay nagagawa nila nang tama ang trabaho nila.

Naiiba ang Kung Tayo’y Magkakalayo pero pampamilya rin ito tulad ng Tayong Dalawa.

Nahihiya pala si Kim sa taguri sa kanilang da­lawa ni Gerald na Prince and Princess of Primetime Bida. Marami raw sila sa cast ng KTM at pawang malalaking artista ang kasama nila kaya hindi lang sila ang magdadala nito.

Doble ang saya ng magka-loveteam dahil bukod sa teleserye ay binigyan ulit sila ng movie project ng Star Cinema, ang Paano na Kaya? na dinirehe ng direktor nila sa Tayong Dalawa na si Ruel Bayani.

***


Isang pink bike ang Christmas gift ni Gerald kay Kim. Siya naman ay binig­yan niya ang binata ng Louis Vuitton wallet dahil gutay-gutay na ang wallet nito.

“Sabi ko sa kanya, ‘Palitan mo naman ‘yan ng mas matibay.’ Sabi niya, ‘Ayoko, okey na ‘to!’ Sabi ko, ‘Ano ka ba? Nakikita ka ng ibang tao, tapos ‘yung wallet mo, ganyan?’

“Sabi niya, ‘Hindi, okey lang.’ So, binigyan ko siya ng LV, kasi matibay ‘yun, ‘di ba? Nilagyan ko ng pera ‘yung wallet para suwerte,” sey ni Kim.

Kaya pink bike ang binigay sa kanya ni Gerald ay dahil mahilig itong mag-bike sa kanilang village.

Binati niya lang daw minsan na maganda ang bike nito, tapos ay bigla siyang ginulat at ibinili na pala siya ng sarili niyang bike na kulay pink.

Na-try na itong gamitin ni Kim sa village nina Gerald, pero bawal daw angkasan ang kanyang pink bike dahil baka mawarak.

Ang special wish ni Kim ngayong 2010 ay matapos na ang bahay na pinapagawa niya at ma­tirhan na niya ito bago matapos ang taon.

“Zen-American style siya na three-storey din, parang house ni Gerald. Wala naman kaming usapan na dapat pareho kami. Hindi pa ako bumibili ng furniture, kasi skeleton pa lang ’yung bahay.

“Oo, dati niregaluhan ko siya ng refrigerator nu’ng bagong gawa ‘yung bahay niya. Sa akin, kahit anong ibigay niya, okey lang! Ha! Ha! Ha! Once na magawa na ‘yung bahay, balak kong patirahin na ‘yung family ko rito sa Manila. ‘Yung lovelife, hindi na wini-wish ‘yun. Kusang darating lang ‘yun! Ha! Ha! Ha!” tawa pa ng tsinitang young star.

Comments (11)

congratulations kim chiu and gerald anderson for all the blessings na nakukuha nyo the best talaga kayong dalawa god bless and more power kimerald!

you two very well deserve IT because of the hard work (practically no rest) and dedication you put in all your work..and at such a short time, you have invested your hard earned earnings in attaining your goal of having your own abode..truly a fete worth emulating by your peers in the industry..congrats!!!!kggchitqc

correction to ate oc, june 16 was the wowoweelympics, td grand fans day was on the sunday before the td finale week..kgg

well done, kimerald god bless you... lola nz

oo nga naman hindi wini-wish yung love dahil may lovey na si kim eh

If you have watched SANA MAULIT MULI, they were really destined for
each other. you don't have to wish for it,cause it just comes. God bless
KImerald.

hahaha... dumating na yung lovelife mo Kim!

I believe in what KIM said that hindi na winiwish ang lovelife kasi nasa tabi lang niya and abotkamay. Congrats to both of you that you invested your hardearned money to have your own place and you deserved all your blessings coz you are also generous to your family, friends and those who need help. God bless you both.

yea.tma ka kim ang luvlyf d winiwish yan kusa lang tlgang darating yan..kya nga c gerald kusang dumating sau wag mu na pkwlan ha?

congratulations to both of you! you deserve everything that is happening in your life right now because the two of you are among the most humble people i've known. despite the fame, you both have kept yourselves grounded.

just a reminder, though. yes, we don't wish for love because it comes when it's really destined for us. but once it's given, it also needs to be nurtured and cherished, otherwise, it will die a natural death.

kimmy, if you get to read this, i hope you will always remember that most of the time, guys go astray because something's amiss with the way we girls handle the relationship. yes, you read it right, no matter how "macho" the boys are, it's always us girls who steer the relationship to its highest level.

Goodluck with your upcoming movie and teleserye. God bless.

12:06 AM, I soooooooooo agree with you. Don't ever take that love for granted,baka makawala pa at makahanap ka ng hindi naman talaga para
sa 'yo...Keep that love burning........God bless.

Post a Comment