Article

9

Posted on : Monday, January 25, 2010 | By : shapap | In :

Gerald Anderson admits he has stronger feelings for Kim Chiu
by Glen P. Sibonga ( PeP ) 01.25.10
Nag-guest ang Kapamilya young stars na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Melissa Ricks, at Robi Domingo sa The Buzz last Sunday, January 14, para sa promo ng tinatampukan nilang pelikula sa Star Cinema, Paano Na Kaya?. Si Kris Aquino ang nag-interview sa kanila.

KIM CHIU & GERALD ANDERSON. Kim and Gerald play the roles of Mae and Bogs, respectively, in Paano Na Kaya?. Mag-best friend sila dito na magiging mag-boyfriend. Lalabas na rebound girl o panakip-butas si Mae matapos hiwalayan si Bogs ng una nitong girlfriend na si Anna, played by Melissa.

Tinanong ni Kris si Kim kung totoo ba na pag nagmamahal ay nagpapakatanga talaga ang isang tao?

"Oo naman. Lahat ng mga gustong magmahal, gusto nilang magpakatanga sa taong minamahal nila," sagot ni Kim.

"Ako hindi!" natatawang pagkontra ni Kris sa sinabi ni Kim, na tila nakaka-relate siya dahil sa kinaharap nilang problema ng asawa niyang si James Yap. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil katrabaho ni Kris sina Kim at Gerald sa ABS-CBN primetime soap na Kung Tayo'y Magkakalayo kaya madalas din silang magkausap ni Kim. Mag-nanay sina Kris at Kim sa naturang soap.

Ayon nga kay Kris, "Alam ko nakakadagdag ako sa pressure. Pag nagte-taping tayo, sinasabi ko sa iyo [Kim] na napakahalaga nito [Paano Na Kaya] sa buhay mo. So, nakakatulog ka pa ba? O dahil talagang nandun na yung patung-patong na trabaho, nandun pa yung sobrang kaba? Dahil nakasalalay talaga sa balikat niyo ang success ng Paano Na Kaya?"

"Actually, this week, sobrang naging hectic yung schedule namin," pag-amin ni Kim. "Shooting, dubbing... At last, kagabi, kaninang madaling-araw, 6 a.m. [Jan. 24], natapos na namin lahat. So, bahala na yung editing. Sabi nga namin, 'At last, nakahinga na tayo. At last, tapos na yung lahat-lahat ng pagod. Yung mga tao na lang yung bahala talaga.' Siyempre, sobra kaming nagpe-pray ni Gerald na talagang mag-hit sana yung pelikula."

Si Gerald naman ang sunod na tinanong ni Kris kung kinakabahan ba ito?

"Oo naman," sambit ng young actor. "Yung pressure nandun. Nandun talaga. Pero me and Kim, si Direk Ruel [Bayani] at ang buong staff, we're very proud sa ginawa namin... sa istorya ng Paano Na Kaya?. We're very excited at the same time."

Sa pelikula ay mararamdaman na si Kim ang mas in love kay Gerald at talagang naghintay para ibigin siya. Sa totoong buhay, sino sa kanilang dalawa ang mas malakas ang feeling for the other?

"Ako, ako po!" madiing tugon ni Gerald. "Kasi, siyempre, hindi pa handa si Kim. So, ginagawa ko ang lahat. Ipinapakita ko sa kanya na I'm ready, handa ako. Maghihintay ako."

Bakit, hindi pa ba handa si Kim?

"Bakit ka nagagalit, Mommy?" biro ni Kim kay Kris. "Siyempre, marami pa namang bagay na dapat niya i-enjoy kasi bata pa naman siya. Siyempre, dapat meron din akong mga bagay na dapat enjoy-in. Pero siyempre, masaya naman kami sa isa't isa and masaya naman kami kung ano ang meron kami ngayon. Ano, masaya lang."

Pinilit namang paaminin ni Kris si Kim na aside from Gerald na nakahalikan na niya on screen, sa totoong buhay ba ay may iba pa siyang nahalikan o wala pa?

"Sa cheeks o labi?" tanong ni Kim.

Kagaya ng eksena niyo...

"Meron, pero dati pa yun, testing lang. Fourteen years old pa lang ako noon. Pero sandali lang yun, ha. Nakakahiya tuloy!" natatawang sabi ni Kim.

Nag-react naman si Kris at sinabing, "Kinabog mo ang nanay mo! My gosh!"

Comments (9)

HAY AS ALWAYS, GERALD IS ALWAYS THERE READY TO SAVE HIS LOVE/SPECIAL GIRL(KIM) PAG NAIIPIT NA. WHAT A KNIGHT AND A GENTLEMAN TALAGA.

gerald is so smart sa pag answer talaga.. i like him walang paliguy-ligoy. i always praying na sana kayo magkatuluyan ni kim super bagay kayo at lam ko mahal nyo isa't isa

I REALLY LOVE THIS LOVETEAM I PRAY FOR THE SUCCESS OF YOUR MOVIE
PAANO NA KAYO, AND ITS NOT ONLY BOX OFFICE BUT SUPER MEGA BOX OFFICE HIT.I HOPE KAYO NA TALAGA ANG MAGKATULUYAN KAYO ANG VITAMINS AT
PAIN & STRESS RELIEVER KO.GOD BLESS BOTH OF YOU AND MORE POWER TO YOUR LOVETEAM.I ALSO PRAY FOR KTM AS NUMBER 1 SA RATINGS .

sana mag katuluyan kayo para masaya ang mga kimerald fans, sali na ako don... lola nz

GE, ALAM NAMIN KAYO NAMAN TALAGA, AS KIM SAID : ITS BETWEEN YOU AND HER NA LANG, SHE DOESN'T WANT IT TO BE PUBLIC. I KNOW KUNG WALA KANG MAASAHAN, MAGHINTAY KA BA? AS OF NOW 4 YEARS NA. SEEING HOW SHE CARED FOR YOU, MAHAL NA MAHAL KA RIN NIYA. BOTH OF YOU HAVE PRIORITIES IN LIFE & ANYWAY NO NEED TO BE IN A HURRY, YOUR STILL YOUNG. TAMA SI KIM, YOU HAVE TO ENJOY YOUR SINGLE LIFE FIRST BEFORE GOING TO A MARRIED LIFE, PARA SURE NA TALAGA ANG FEELINGS NIYO FOR EACH OTHER. KUNG KAYO, KAYO TALAGA, KUNG HINDI MAGBAGO ANG FEELINGS NIYO AFTER SO MANY YEARS OF BEING TOGETHER, LET ME SAY 5 YEARS FROM NOW. SANA KAYO NA, PARA EVERYBODY HAPPY.

Yes Gerald, we know you have the strong feelings and Kim has the stronger control over her feelings. Hindi ba yun ang sinasabi mong meron siya na walang ibang babae? She uses her mind and her heart and is very reasonable. She has her priorities and is very focused in achieving them. And she wants to achieve them with you, Gerald. Sabi nga niya, we want to enjoy what we have now. What a girl?

Kung ibang babae lang yan, baka ngayon buntis na... Gerald seems to be very agressive.

Gerald's Mom Vangie is always reminding KIM & GERALD to just enjoy and not to enter into a serious relationship. Same with Kim's Papa.
They both love their parents and very obedient. They are very responsible on their own kasi nga wala ang mga magulang nila sa tabi nila. But, as Gerald said in one interview, tinutulungan ko siya at tinutulungan din niya ako. Nandoon kami para sa isa't isa. At their age, I salute and admire them.

I hope gerald feelings will not change sana he'll remain truth to' his words khit n malink sya sa iba ,though tama din si kim they're to young to' commit focus first work habang meron trabaho so i hope ge should be' aware sa temptation , manweaknesses is woman.....sana kayo ang magkatuluyan in the near future...congrats sa PNK u did make it guys, sana after the success if this movie ganun ka pA rin k kim the waty u show ur feelings, di sna gimik n laging sinasabi ng mga detractors ninyo love ur career remain kind to' ur fans,stay humble inspite the success you have both, be' thankful of wat u have for God is so good....God bless kimerald...continue supporting each other and value ur friendship....

Post a Comment