Article

15

Posted on : Thursday, January 21, 2010 | By : shapap | In :

Kim at Gerald, kasal na lang ang kulang!
by Jun Nardo ( Abante Online ) 01.21.10
Hindi tinantanan sina Gerald Anderson at Kim Chiu ng entertainment press sa presscon ng movie nilang Paano Na Kaya?, sa tunay nilang relasyon, lalo na at nabisto sila ng beteranang manunulat na si Aster Amoyo na super lambingan nu’ng magkasamang nag-shopping sa isang supermarket before Christmas sa Global City.

“Nag-grocery kami noon dahil tapos na ang syuting namin,” sey ni Kim.

“Malapit lang kasi ‘yung location ng shooting namin doon.

Bumili kami ng Christmas tree, Christmas lights para sa bahay ko at kasama ko si Kim,” salo naman ni Gerald.

What’s the real score ba talaga sa kanila?

“The real score? Si­yempre, 2010 na kaya pagod na rin ako sa mga safe answers namin. Ahhh, four years na kaming magkasama. Ang masasabi ko lang, hindi kami nagku-confirm ng kung ano kami. Basta ayaw ko ring sabihing we’re really close friends. Sa akin naman, sa point of view ko, tapos na kami sa friendship. Basta ang sa amin, ayoko pong masaktan si Kim. Siguro, ayaw rin niyang masaktan ako. ‘Yun na ‘yon!” paliwanag ni Gerald.

Eh, si Kim?

“Ako, masaya naman po ako kapag kasama ko si Gerald.

Parang lagi akong safe ‘pag nandiyan siya. Lagi niya akong pinapatawa. So isa siya sa taong nagpapasaya sa akin ngayon. Masaya akong magkasama kami!” tugon naman ni Kim.

Subalit hindi nakuntento ang press sa sagot ng dalawa, kaya inulit ang tanong kung sila ba o hindi?

“Hindi pa!” bulalas ni Kim.

Bakit hindi pa?

“Sa amin na lang ‘yon. Napag-usapan na namin ‘yon,” sagot ni Kim.

“Basta walang confirmation sa amin. MU (mutual understanding)! Me­ron kaming MU!” diin ni Gerald.

Hindi na ba nila puwedeng sabihin na mahal nila ang isa’t isa?

“Sinasabi ko na na mahal ko si Kim!” sabad ni Gerald.

Kapag MU, ‘yun na rin ‘yon?

“Pag MU, MU na ‘yon. Hindi ko sinasabing syota ko si Kim at hindi niya sinasabing boyfriend niya ako. Wala pa po kaming commitment,” deklara pa ng young actor.

“Siyempre, kailanga­n niyang mag-enjoy pa rin,” sagot naman ni Kim.

So, pwede pa siyang ligawan ng iba dahil wala pa siyang commitment kay Gerald?

“Wala naman pong nanliligaw sa akin! Basta napag-usapan na namin po ‘yon at mag-aantay naman daw po siya!” tugon naman Kim.

Hindi man direktang umamin sina Ge­rald at Kim, iba naman ang napapansin sa kanila sa shooting ni Direk Ruel Ba­yani lalo na at tatlong matitinding kissing scenes pa ang ipinagawa niya sa magka-loveteam.

“Nakikita ko ang halikan nila on screen. Sa Tayong Dalawa, 12 ang kissing scene nila at dito, tatlo. Nakikita ko ang improvement sa halikan nila! Open mouth na!

“Kulang na lang sa kanilang dalawa ay kasal!” deklara ni Direk Ruel.

Comments (15)

Ano pa nga ba??? No other comment. God bless Kimerald.

THAT WILL BE THE DAY!!!!!I WILL HAVE TO MAKE A SPECIAL TRIP TO THE
PHILIPPINES OR ANY WHERE IN THE WORLD FOR THE WEDDING....HOPE THERE WILL BE AN OPEN INVITATION TO ALL KIMERALDS!!! HA! HA! HA!

Tama ka diyan 4:27, if ever mangyari iyan, uuwi rin ako para umatend.

ang hina naman ng cameraman sa pnk presscon, sana finocus ang kg while direk was talking about the kasal na lang ang kulang, para nakita ng fans ang reaction ng dalawa, lalo na si kim.

KAILANGAN NG KIMERALD TO VOTES KUNG ALING STAR CINEMA MOVIE 2010 ANG PINAKA INAABANGAN MO ANG TOP VOTES WAS JOHN AND BEA AND SECOND WAS ANNA AND SAM MABABA NA ANG RATING NG KIMERALD KAHAPON PA MAY 100 VOTES NA SILA PAGKATAPOS 12 VOTES NA LANG ANG NATITIRA PLEASE KIMERALD NEED HELP! GO TO ACCESS PINOY TO VOTES THANK YOU

It's okey,to see is to believe...kaya patunayan nalang natin sa PNK
movie na KImerald is number one!!!Mind you i still voted.

I AGREE WITH YOU ANONY4:57. KAHIT AKO UUWI ORAS NA MAGPAKASAL SILA KASI LAHAT NAMAN TAYO ITO ANG HINIHINTAY DI BA? HAY KIM AND GE THANK YOU SO MUCH FOR ALL THE JOY AND HAPPINESS YOU BRING INTO MY LIFE AT SIMPRE SA LAHAT NANG FANS SA BUONG MUNDO.YOU BOTH ARE SUCH A BLESSING NA KAHIT ANONG PAGOD AT TINDING LUKOT LAHAT NAPAPAWI DAHIL SA INYO. I SO LOVE KTM AND CAN'T WAIT FOR PNK.KAKAINGGIT NGA ANG NASA PI KASI MAPAPANOOD NA NILA SA JAN.27 PERO KAMING DITO SA US WE HAVE TO WAIT(EXCEPT FOR AREAS NA MAY IS) FOR THE DVD. SANA NAPASAMA ANG NYC/NJ SA MAY INT. SCREENING NANG MOVIE NYO. GOD BLESS YOU BOTH AND LOVE YOU BOTH SO MUCH.

ATE A.-NYC

TO ALL THE FANS : We will all watch on the first day, until it will be blockbuster. They work hard for these, let's support them para hindi sila paghiwalayin until the time they are more mature to face the crazy world of showbiz. If KIM is already 21, okey na at least at that time stable na ang relationship nilang dalawa.GE, take care of KIMMY, Of course, we love them both, we will feel sad if we don't see them together. May magic kasi silang dalawa, kaya more fans admired them around the world. Kimerald Forever !!!!!!!!!!!!!!!!

hay mamamatay ako sa inyong dalawa, feeling ko para akong tinedyer... lola nz

Parang INCOMPLETE when they are not together, for me I never get tired of watching them together, Kimerald forever....

I like the part when ge asked Kim if she missed him during his holiday last Christmas, she asked Ge was it two weeks??? And Ge told her, 6 days lang (ang katumbas pala ng 6 days ay 2 weks na kay Kim). And then Ge asked him again, namiss mo nga ako? as he looked at her na parang nakakatunaw, and Kim answered very faintly OO!!!! then they smiled at each other very sweetly, O. M. G. nakakawindang....

nakaka inlove sumagot si gerald, it really shows how much he loves kim sana sila talaga ang magkatuluyan.. i'll always prays ke bro

hay nako kim and gerald..my day is not complete pag di ko nawatch teleserye nyo..as in over talaga kayong dalawa..i agree to all, who wrote the comments that the're flying back to philippines to see ur wedding..i'll do it din for u both..God bless

WOW SA MILLIONS OF DIE HARD KIMERALD FANS NA UUWI SA WEDDING NG KIMERALD DAPAT ANG VENUE NILA YUNG MALAWAK NA MALAWAK PARA MAGKASYA TAYONG LAHAT...IT WILL THE WEDDING OF THE CENTURY PARANG PRINCE CHARLES AND PRINCESS DAINA...HA HA HA....DAPAT WORLD WIDE ANG COVERAGE KASI DI BA WORLDWIDE ANG KIMERALD...I WILL GO BACK TO PI ALSO FOR THEIR WEDDING GUSTO KO NGA MAG NINANG AKO HA HA HA...SANA...I ALSO HAVE 2 BEAUTIFUL GIRLS NA PUEDENG PUEDE MAGING FLOWER GIRLS... THEY ARE SOO PRETTY ALSO LIKE KIMMY ..LOVE YOU KIMERALD...

Guys, book your flights early, baka hindi kayo umabot sa kasalan!!!!
Kailan nga ba????Hopefully soon...God bless Kimerald.

Post a Comment