Article

3

Posted on : Friday, January 29, 2010 | By : shapap | In :

by Allan Diones ( Abante Tonite ) 01.29.10

Tumawag sa amin kahapon si Direk Ruel Ba­yani dahil gusto niyang magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa pelikula nina Kim Chiu at Gerald Anderson na Paano Na Kaya?

Tuwang-tuwa si Direk Ruel dahil nang mag-ikot siya sa mga sinehan nu’ng opening day ng movie nu’ng Miyerkules ay ang daming taong nanonood at ang ganda ng reaksyon ng audience sa pelikula.

Sobrang thrilled si direk na nag-hit ang latest movie nina Kim at Gerald na naging anak-anakan niya sa Tayong Dalawa na siya rin ang nagdirehe.

Thankful din siya sa all out support ng Kimerald fans lalo pa’t kaya naman daw ginawa ang pelikula ay para sa avid fans nina Kim-Gerald.

Tuwang-tuwa raw ang Star Cinema sa P10M opening day gross ng Paano Na Kaya? Paalis ngayon si Direk Ruel pa-Boracay kasama ang creative team ng ABS-CBN para pag-usapan ang mga gagawing soap ng network ngayong 2010.

Wish ni direk na after ng Kimerald movie ay makagawa siya ng family drama project for Star Cinema.

Comments (3)

congratulations kimerald for the big success of pnk and god bless you both

groups talaga ang nanunuod, whole family, classmates, coworkers, barkadas, CONGRATS!!!!your fans are just appreciative of the hard work you put into this film and also your tv series..

yes, big blockbuster ang pnk! congratz kg and direk ruel and sa fans and sa tumangkilik at sige pa ang tangkilik!

Post a Comment