Article

0

Posted on : Thursday, January 07, 2010 | By : shapap | In :

Erich Gonzales talks about her ‘rivalry’ with Kim Chiu and her feelings for Enchong Dee
by Rachelle Siazon ( ABS-CBN.com ) 01.07.10

Magkasunod na ipapalabas ang mga teleserye ni Erich Gonzales (Tanging Yaman) at Kim Chiu (Kung Tayo’y Magkakalayo) sa ABS-CBN Primetime Bida kaya ngayon pa lang ay ikinukumpara na silang dalawa. Ngunit nilinaw ni Erich na walang rason para magbanggaan ang kani-kanilang proyekto dahil pareho naman silang Kapamilya star.

Tulad ni Kim ay nabansagan din si Erich bilang “Primetime Drama Princess” kaya’t marami ang nagtatanong kung may kompetisyon na sa pagitan nila. “Wala, pinagtatawan lang namin ‘yang mga ganyan. Hindi naman pumapasok sa ulo namin yung mga title na sinasabi ng iba. Ang importante makapagtrabaho kami ng maayos, mas pagbutihin pa at ‘di namin sasayangin ang trust na binigay sa amin ng ABS-CBN,” ani Erich ng makausap siya ng ABS-CBN.com kamakailan.

Dahil si Kim ang nangunguna sa lahat ng aktres sa kanilang henerasyon, humingi ba siya dito ng tips kung paano maging certified A-lister sa showbiz? “Bihira na kami magkita ni Kim dahil sa sobrang busy ng sched namin. Pero kapag nagkikita at nakakapag-usap kami, sabi lang namin [sa isa’t-isa,] ‘Good luck sa mga shows natin ngayon!’ Ayun. Ako namansobrang happy ako for her dahil napaka-dedicated niya sa trabaho. Kaya kung ano man yung mga na-achieve niya ngayon, talagang karapat-dapat yun for her. Napaka-hardworking niya kasi. And I’m very happy for her. Sobrang blessed niya,” masayang tugon nito.

Bukod sa pagiging primetime drama princess, pareho ding na-link sina Erich at Kim sa young heartthrob na si Enchong Dee. Minsan nang nagtangkang manligaw si Enchong kay Kim at ngayon naman ay si Erich umano ang nililigawan nito. Nang tanungin ng ABS-CBN.com ang dalaga kung pinayuhan din ba siya ni Kim tungkol kay Enchong, inamin niyang masaya ito para sa kanila dahil close naman talaga sila sa isa’t isa. “Iyang mga love life na ‘yan... siyempre girl thing, napag-uusapan din namin. Pero wala, masaya lang.” Natawa naman si Erich sa mga nagsasabing sinulot lang niya si Enchong kay Kim. “Hindi naman nasulot dahil hindi naman sila ni Enchong. Wala namang ganun.”

Tungkol naman sa tunay na relasyon sa pagitan ni Erich at Enchong, kakatwang nagkaaminan ang dalawa na namiss nila ang isa’t isa nitong nakaraang Pasko dahil nagbakasyon sa Hong Kong at Thailand si Enchong. Kwento ni Erich, niyaya daw siyang sumama ng binata pero tumanggi siya dahil akala niya ay makakauwi ang kanyang kapatid mula sa Japan. Bukod dito, tsinika din ni Erich na nagbigayan sila ng magka-ternong shirts na ang ibig sabihin ay sila ang King and Queen of Hearts. So ano na ba talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon? “Siya po talaga yung closest to my heart. We have a very solid friendship talaga.”

Dinepensahan din ni Erich si Enchong sa mga akusasyong bading daw ito. “Kung meron mang taong makakapagsabi ng totoo tungkol dun, kasali ako dun dahil nakakasama ko siya everyday. Si Enchong, napaka-gentleman niya. Wala akong nakikitang kahit na ano, so sa mga nagsasabi nun sana tigilan na dahil wala namang magandang idudulot yun and hindi po yun totoo at all,” giit niya. Pinabulaanan din niya ang kumakalat na balitang “bakla” ang tawag niya kay Enchong sa set ng Katorse na una nilang pinagsamahang teleserye. “Kami sa Katorse, ang tawagan namin dun, ‘O bakla, bakla makeup na!’ Kasi po yung mga makeup artist namin [bading]. So ganon. Pero never ko tinawag si Enchong na bakla.” Sa katunayan ay “Honey” ang tawagan nila ngayon sa isa’t-isa mula noong gamitin nila ito sa isang eksena sa Katorse.

Comments (0)

Post a Comment