Article

2

Posted on : Monday, January 18, 2010 | By : shapap | In :

Gerald Anderson, ninakawan ng fan!
by Rey Pumaloy ( Abante Online ) 01.18.10
Sa simula ay natuwa pa si Gerald Anderson na may fan siya na gumawa ng Facebook account niya. Pero, naisip ni Gerald, na pati ang mga kaibigan niya ay niloloko na nito, naalarma na si Gerald.

Sabi ni Gerald, pati ang mga pictures niya ay ninanakaw na ng poser niya sa Facebook.

“Ninanakaw niya ang mga pictures ko at ginagamit niya at sinasabi niya na ako ‘yun. Nakaka-bad trip! If that’s the person way of showing his/her support, then I am very thankful.

Pero sana itigil na niya. Hindi ko alam kung paano niya na-access ‘yung pictures ko, e hindi ko siya friend sa Facebook. Gerald Anderson talaga ‘yung account name na ginamit niya,” bungad na sabi ni Gerald.

Ang mga kaibigan niya ang mismong nagsabi sa kanya na may poser siya sa Facebook.

“Ang daming nagti-text sa akin kung in-add ko sila. Eh, hindi naman. Pati ang mga friends ko sa ASAP nagulat nu’ng malaman nila ‘yun, and they were also wondering kung sino ‘yung poser. Nag-worry lang talaga ako dahil may mga taong china-chat niya na kunwari ako siya, ‘yun ang medyo na-off ako.

“After that na-realize ko na mahalagang pag-ingatan ‘yung privacy mo talaga,” sabi pa ni Gerald, na bida na naman sa Kung Tayo’y Magkakalayo, ang bagong teleserye ng ABS-CBN.

Anyway, bida rin sa pelikulang Paano Na kaya? sina Gerald at Kim Chiu. Napangiti si Gerald nu’ng tanungin tungkol sa bed scene nila ni Kim sa naturang movie. Shirtless daw si Gerald sa eksenang `yon.

“Medyo may ganun. Actually, ‘yung eksena na ‘yun napaka-cute, napakaganda ng execution. Magaling si Direk Ruel (Bayani) and inalagaan niya kami. Hndi naman nailang si Kim kasi sanay naman siya. Kasi mula nu’ng Cosmo fashion show, medyo naghuhubad na ako, hindi ko alam kung bakit, siguro parang nasanay na rin and naging confident na rin ako sa mga positive feedbacks na naririnig ko about my physique.

“Si Kim naman she’s very supportive of me and ganun din ako sa kanya.”
Kahit patuloy na iginigiit ni Gerald na friends lang sila ni Kim, marami pa rin ang hindi naniniwala rito.

“Ang gusto ko lang naman ngayon is to be very close to her. Ayoko siyang ma-pressure o pilitin. Ang nasa isip ko lang ngayon, I just want to be close to her.

“Sa question ng iba kung tumitingin pa rin ako sa ibang girls, hindi ko iniisip ‘yung ibang girls, unless katrabaho ko. Siyempre, ‘pag katrabaho I’ll do my best na maging close sa kanila. Pero iba talaga ‘yung sa amin ni Kim. Although hindi naman namin pinagbabawalan ang isa’t isa na magka-crush sa iba, natural lang naman ‘yun. Hindi naman natin maiwasan. Kahit sabihin natin sa mga-asawa hindi maiiwasan ‘yun. Pero siyempre loyal ka pa rin dapat.”

Tungkol naman sa sitwasyon ngayon nina James Yap at Kris Aquino (na kasama niya sa Kung Tayo’y Magkakalayo), walang mai-comment si Gerald.

“Ang alam ko lang, she’s very nice, nag-uusap kami bago mag-action. Nagkukuwentuhan kaming lahat. Lahat kami nagdya-jive sa set kaya maganda lahat ang samahan namin sa set.

“Hindi ko alam kung bakit sobra ang support ni Kris sa amin ni Kim kaya nga sobrang thankful ako sa kanya. Kung gaano katindi ang ibinibigay niyang support sa amin, ganundin ang ibibigay naming support sa kanya,” paiwas na sabi na lang ni Gerald.

Comments (2)

Now we know what Kris is going through with her love life. Reason why
she is so protective and defensive of Kim with her relationship with
Gerald being tagged as babaero in the past.But ever since her tough ten interview with Kimerald a year ago,she admitted to Gerald how her
impression on him has changed to the highest level when Gerald was so
sincere and vocal about his feelings for KIm. You're right Gerald, you have to give back whatever support she needs as she has been very
supportive with you and KIm. i haven't seen her give as much support
to other love teams. Just like what she did with that woman...she told
her right off about her DISPLEASURE..--same for those who wants to be a third party between you and Kim...Hats off Kris..God bless.

thank you kris, sana manalo si brother , anyway taga tarlac ako at the moment resideng here in new zealand... lola nz

Post a Comment