Article

3

Posted on : Monday, January 18, 2010 | By : shapap | In :

by Veronica R. Samio ( PhilStar ) 01.18.10

May bed scene sina Kim Chiu at Gerald An­derson sa Kung Tayo’y Magkakalayo na ginawa ng maganda ni Direk Ruel Bayani kaya sa halip na magmukha itong sexy at bold ay naging cute at ma­ganda. Walang pang-itaas si Gerald habang naglalaro sila ni Kim.

“Hindi na nailang si Kim kasi sanay na siyang ma­kita akong nakahubad, simula pa nung ma-feature ako sa isang magasin. Sa halip nga na magalit ay sinu­suportahan pa niya ako. Ewan ko ba pero she’s supportive of me. At ganundin naman ako sa kanya. Hindi lang naman ako ang nagpapa-sexy sa tele­serye, si Kim din. Napakaiikli ng mga damit niya at super sexy talaga,” bungad ni Gerald.

“Okay naman kami ni Kim ng ganito. Mas interesting yung sitwasyon namin. Nagiging challenge sa amin yung pagmi-maintain ng relationship namin. Ang nakatutuwa, hindi namin pinagbabawalan ang isa’t isa na magkaka-crush sa iba, natural lang ’yun, hindi maiiwasan, kahit sa mag-asawa. Ang importante, hindi nawawala ang loyalty n’yo sa isa’t isa.”

Medyo na-miss nila ang isa’t isa nung Christmas holidays. Pumunta kasi si Gerald sa States nung Dec. 22 at bumalik lamang nung New Year.

Comments (3)

GERALD BE ALWAYS LOYAL TO KIM.DONT EVER HURT HER.WE LOVE HER.JUST MAKE HER SMILE AND HAPPY ALWAYS.KEEP UR LOVE BURNING. WE ARE PRAYING THE SUCCESS OF PNK MOVIE AND KTM SERYE TOO.WE ARE HERE TO SUPPORT YOU BOTH.WE LOVE YOU.

ate LinD of japan

gerald, nasa iyo ang lahat nang desisyon,,, lola nz

Gerald bat ka pa kasi pumunta sa States. Sana Nakasama mo c Kim nung Pasko By the way kasama mo naman xa nong New Year. Sana cnama mo nalang si Kim. I'm very proud of you both. D ko ma explain pero talgang iba kayo sa laht eh. Alm nyo ung sa tingin mo kaw lang ang may taglay na ganun mag-isa sa isang certain aspect. Sana walang magbago talaga mamimiss namin ung dati. 1st kayo na nagpakilig ng mabuti at maganda ngayong century na ito sa pinas. Well solid talaga kami sa inyo dito sa Baggao walang masasayang sa halip ay nawwala pa ang pagod namin pag napapanood kayo. Ganda ng lahat ng movies and teleserye nyo. Masyadong madami na akong nasasabi pero sa totoo lang maraming masasabi sa inyong dalawa. gaya ng sabi ko walang kayong katulad.

Post a Comment