Article

0

Posted on : Saturday, January 23, 2010 | By : shapap | In :

Kim at Gerald movie marami ang nag-aabang
by Leo Bukas ( Journal Online ) 01.23.10
Isa sa gauge namin na kikita ang isang pelikula ay kapag hindi pa man ito showing ay marami na agad ang humihingi sa amin ng pases. Katakut-takot na request ang natanggap namin na nanghihingi ng pases ng Panday ni Sen. Bong Revilla nu’ng December. Same with I Love You Goodbye ng Star Cinema.

Maging ang movie noon nina Sam Milby at Bea Alonzo na And I Love You So at John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo movie na You Changed My Life ay pinutakti rin kami ng text asking for pases.

Nang ipalabas na sa TV ang trailer at MTV ng Paano Na Kaya nina Kim Chiu at Gerald Anderson, ang dami na namang nangungulit sa amin. Pahingi raw ng pases. Gusto raw nilang panoorin ang movie.

“Ang ganda ng trailer. Parang ang daming makaka-relate sa movie lalo na ’yung mga magkakaibigan na in love sa isa’t isa,” sey ng isa naming kaibigan.Footloose

Nakakatuwa naman na ganito kaganda ang feedback sa Paano Na Kaya nina Kim and Gerald na idinirek ni Ruel Bayani, huh! Kapag nakalusot sila sa box-office when it opens on Jan. 27, ibang level na talaga ang kanilang tambalan.

Meanwhile, napapanood din sina Kim at Gerald sa Kung Tayo’y Magkakalayo series ng ABS-CBN kasama sina Gabby Concepcion, Albert Martinez, Kris Aquino at marami pang iba.

Comments (0)

Post a Comment