Article

0

Posted on : Friday, January 15, 2010 | By : shapap | In :

by Veronica R. Samio ( PhilStar ) 01.15.10
Kasama si Kris sa bagong serye ng Dos na nag­sisi­mulang mapanood sa Lunes, January 18, ang Kung Tayo’y Magkakalayo. Gagampanan niya ang role ni Celine Crisanto, isang perfectionist mother na palaging gustong perfect din ang anak niyang si Gwen (Kim Chiu).

“May scene kami na kailangang itulak-tulak niya ako kasi bratinela ang role niya. Pero kulang yung tulak niya kaya inakting ko na lang. Sabi ko if you need to push me, just push me hard eh ang payat payat niya, wala pa atang 90 lbs.

“Si Baby James obsessed sa damit. Gusto niya naka-leather jacket siya, at naka-hat palagi. Si Kim at ako we can spend five hours talking about clothes. Nahihiya nga ako kasi ang dami niyang outfit na meron ako. Sabi ko my God! I’m not dressing my age. Masyado yatang pabagets ang outfits ko so kailangan baguhin ko, ha ha ha,” sabi niya.

* * *

All praise naman si Kim Chiu kay Kris Aquino. “Siya ang nagsa-suggest ng mga outfits ko. Like kung anong brand ng bags ang dapat gagamitin ko sa scene para may trademark outfit ang character na ginagampanan na mayaman so bonggang outfit lagi kahit nasa bahay. Sa isang pool scene kunwari mahuhulog ako eh, naka-tube lang ako. Sabi niya hindi puwede yun, mahuhulog ang tube ko, lalabas ang boobs ko. Kaya nagpakuha siya ng tape, tineyp niya ang damit ko para hindi malaglag.

“Nung una, na-intimidate ako kay Ate Kris.”

Wish ni Kim na matapos na ang ipinagagawa niyang bahay ngayong 2010. Gusto na niyang tirhan ito. Three storey din ito kaparis ng bahay ni Gerald.

Comments (0)

Post a Comment