Article

14

Posted on : Thursday, January 21, 2010 | By : shapap | In :

Kim, enjoy sa halik ni Gerald
by Allan Diones ( Abante-Tonite ) 01.21.10
May paliwanag si Gerald Anderson kung ano ang ‘real score’ sa pagitan nila ng ka-loveteam niyang si Kim Chiu.

“Sa ngayon po, siyempre 2010 na, so pagod na rin ako sa mga safe answer namin. Sa tagal naming magkasama ni Kim, mga four years na, masasabi ko po siguro na hindi kami nagku-confirm ng kung ano sa amin…

“Basta, ayaw ko ring sabihin na we’re really close friends dahil para sa akin, lampas na po kami sa friendship.

“Basta, ‘yung sa amin, ayaw ko pong masaktan si Kim at siguro, ayaw niya ring masaktan ako. So, ‘yon po ‘yon,” dayalog ni Gerald sa presscon ng movie nila ni Kim na Paano Na Kaya? kamakalawa nang gabi.

Sabi naman ni Kim, “Ako, masaya naman ako kapag kasama ko si Gerald. Parang lagi akong safe ‘pag nandiyan siya.

“Lagi niya akong pinapatawa. So, parang isa siya sa taong nagpapasaya sa akin ngayon and masaya kami ‘pag magkasama kami.”

So, anong maitatawag nila sa relasyon nila?

“’Yun nga, walang confirmation sa amin. Basta… siguro MU, ganu’n. Ang tawag namin, MU. Meron kaming mutual understanding. Doon pa lang kami.

“MU po, pero kumbaga, hindi ko sinasabing syota ko si Kim, hindi niya sinasabing boyfriend niya ako. Wala pong commitment,” sagot ni Gerald.

Dagdag ni Kim, “Siyempre, kailangan pa po naming mag-enjoy dahil bata pa kami.”

Puwede ba siyang magpaligaw sa ibang guys?

“Wala namang lumiligaw sa akin, eh! Ha! Ha! Ha! Bahala na po kayo kung anong gusto n’yong isipin. Basta, napag-usapan na po namin at maghihintay naman daw po siya,” naka­ngiting sey ni Kim.

* * * * * * * * *


Ayon kina Kim-Ge­rald at sa direktor ng Paano Na Kaya? na si Direk Ruel Bayani ay nag-mature na ang dalawa sa pelikula at hindi na sila puro pa-cute lang.

Sa teleserye nilang Tayong Dalawa ay nakapag-love scene na sila.

Tumodo ba sila ng halikan dito sa pelikula?

“Sa second movie po namin na I’ve Fallen for You, nag-kiss kami, isa lang, sa dulo ng movie. Dito po, every 3 minutes! He! He! He! Hindi, mga 3 po siguro ‘yung kissing scenes namin,” ani Gerald.

Sa tanong namin kung anong napi-feel niya kapag kini-kiss niya si Kim, ang sagot ni Gerald ay depende sa eksena at sa role nila.

Dagdag niya, “Siyempre, kinikilig din ako sa lahat ng kissing scenes namin ni Kim!”

Inusisa namin ang dalawa kung nag-mature na rin ba ang halikan nila kung ikukumpara nu’ng nag-uumpisa pa lang sila na pa-tweetums pa sila.

Si Direk Ruel ang sumagot at sinabi nitong kung dati ay sobrang nakasara ang mga bibig ng dalawa ‘pag nagki-kiss, ngayon ay binubuksan na nila.

Sabi pa ni direk, malalim na ang feelings ng dalawa sa isa’t isa onscreen at offscreen kaya nakikita niya ang pagkakaiba ng halikan ng mga ito ngayon.

Siya rin ang nagdirehe ng Tayong Dalawa kung saan mga 12 beses daw ang kissing scenes nina Kim-Gerald.

Sa Paano Na Kaya? ay nakita niya na nag-improve ang quality ng kiss ng magka-loveteam.

* * * * * * * * *


Tanong namin kay Gerald, after 4 years ba na magkapareha sila ni Kim ay napapansin niya na tila unti-unti nang nawawala ang ‘innocence’ ni Kim pagdating sa mga ganu’ng eksena?

“Of course not. Si­yempre hindi. Siya pa rin po si Kim. Ganu’n pa rin.”

Pero medyo bumibigay na ba ito dahil nagma-mature din siyempre ang kissing scenes nila, ‘di ba?

“Depende po sa eksena talaga. Kung kaila­ngang mas romantic at mas touching, siyempre gagawin po namin,” safe na sagot ng 20-anyos na young actor.

Si Kim kaya, napansin ba niyang after 4 years ay parang mas magaling nang humalik si Gerald?

“Eh kasi, dati sa mo­vie naming I’ve Fallen for You, biglaan ‘yun, eh. So, parang ‘yung kiss namin sa movie, parang may ilang. Parang, ‘Ay, ano ba ‘yon?!’ Parang gano’n.

“Tapos, itong sa Paano Na Kaya?, gaya nga ng sabi ni Gerald, depende sa eksena. ‘Yung unang kiss namin dito, daldal ako nang daldal, tapos biglang hinalikan niya ako. Tapos sa pangalawang eksena, parang medyo passionate naman ‘yon.

“So, binrief kami ni direk kung paano hahalik, ganyan. Tapos, pinaulit niya pa sa amin.

“Maraming-maraming ulit ‘yon. Kasi nakakahiya, ang daming nanonood! Doon kami sa building, tapos ang daming tao sa baba, nanonood. Tapos, may talents pa, so nakakahiya!” bulalas ni Kim.

Pero napansin niya bang mas masarap at mas magaling nang humalik ngayon si Gerald?

Biglang sumingit si Gerald at humirit ito kay Kim ng, “Ang tanong, saan ako mas magaling (humalik), dito sa Paano Na Kaya? o sa I’ve Fallen for You?

Buwelta sa kanya ni Kim, ‘Bakit, press ka ba?! Ha! Ha! Ha!”

“Hindi, tinatanong ko lang,” natatawang sagot ni Gerald.

Natawa na parang kinikilig si Kim nang kulitin namin kung gumaling bang humalik si Gerald.

Sumasarap bang mag-kiss ni Gerald habang tumatagal?

“Hindi… ano siyempre, itong kiss namin sa movie na last Saturday kinunan, ‘yun ‘yung first time naming nag-kiss na sobrang tagal, sobrang passionate. Tapos, maraming ulit. Paulit-ulit. Parang nagulat ako,” sambit ni Kim.

Pero masarap naman?

“Wala namang lasa, eh! Ha! Ha! Ha!”

Nag-e-enjoy ba siya ‘pag kini-kiss siya ni Gerald?

“Ha! Ha! Ha! Sino ba naman ang hindi ‘pag hinahalikan ka (ni Gerald), ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa ng tsinitang dalaga.

Comments (14)

HOW SWEETTTTTTTTTTTTTTTTTTT. KILIG TALAGA! I LOVE YOU KIMERALD. KEEP
THAT LOVE AND HAPPINESSSSSSSSSSSS BURNING!!!

Hay naku basta kilig to d highest level, ang KIMERALD.

Haha!!! Cute talaga nilang dalawa!!! What a cute couple!!!

Very cheeky talaga itong dalawa na ito, they are very naturallay sweet.Walang kaeffort effort. Ha ha ha.....

What a team, a loveteam... so real not only for reel.
Love you KIM & GERALD, love you dearly!!!

The questions were stupid, but I admire Kim & Ge because of their graciousness in answering the questions. Remain humble and goodhearted. We're here to love & support you always in all your projects.

KIM & GERALD, keep the love burning, we will support you all the way! We love you...... go...go.. KIMERALD!!!!!!!!

Sana ganyan palaging kilig sumagot ng questions si KIM..lalong nai-in love at nanggigigil si Gerald. I can see his eyes glowing with joy...
nakakabaliw talaga sila...Happinesss is ....My endless love ....

Siyempre mahal mo, tinatanong pa ba yon ? Gerald you've been a consistent gentleman to her, don't mind intrigues they are all envy with you, BIG WINNER ba naman ang makuha mo, di ba? Kahit sino ma-in love kay KIM kaya bakoran mo na yan ng husto, many are waiting especially kung magka-wrong move ka. Our prayers for both of you. When we are abroad, they are all asking if KIM has a Boyfriend, sabi ko wala pa, pero may serious M.U. siya at mahal na mahal siya. They want to see KIM in person, I told them,gwapo nga kayo at chinese, pero puede friend lang, they like KIM,told them, ayaw ni Bisoy ng ganyan. Gusto namin silang dalawa ang makatuluyan. They are all laughing at me,sabi ko, ma-diskarte si Ge, kaya..no way....he...he..heeee..

Kim & Gerald looked tired & sleepy during the press con but they were still so cordial to the press people. They just went with the flow but they couldn't squeeze them no matter what bec what you see is what you get. Direk Ruel said it all. They are full of love between the two of them and it's useless to put a label and no further confirmation is needed.

WHEN IT COMES TO KIMERALD, THE ONE AND ONLY LOVETEAM WHO BRINGS NOTHING BUT PURE HAPPINESS, MAGIC, LOVE, INNOCENCE AND SUPER DUPER KILIGNESS. LOVE YOU BOTH.

KIMERALD FOREVER!!!!!!!!!!!!!!!!!!

grbe !! kakakilig clng dalawa !!! sobra !!
uala talgang tatalo sa kimerald !!!
love it !!

KIMERALD RULES !!!

AYLABET!!!

PRESS: Nag-e-enjoy ba siya ‘pag kini-kiss siya ni Gerald?

KIM: “Ha! Ha! Ha! Sino ba naman ang hindi ‘pag hinahalikan ka (ni Gerald), ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa ng tsinitang dalaga.

KALURKEY!

Post a Comment