Article

1

Posted on : Tuesday, January 26, 2010 | By : shapap | In :

by Chan-Chan Torres ( Journal Online ) 01.26.10

Kahit hindi aminin, halatang may talagang namama-gitan kina Kim Chui at Gerald Anderson, huh. Aminado si Gerald na si Kim ang pinakamalapit na babae sa puso niya ngayon at dedma siya kahit may mga babaing type siya. Napag-alaman naming sobra raw kung alagaan ni Gerald si Kim at kahit pati kapamilya ng ba-wat isa ay boto sa kanilang realsyon.

Ultimo driver at mga yaya nila, hindi raw kontra sa relasyon ng hottest love-team. Ang saya, ’di ba? Walang bigat factor.

Habang binabasa niyo ang kolum na ito ay tiyak na pinipilahan na sa sinehan ang Paano Na Kaya na pinagbibidahan ng dalawa.

Proud si Direk Ruel Bayani sa pagsasabing hindi pa-tweetums ang role nila Kim at Gerald dito. Kuwento naman ni Gerald sa presscon ng Paano Na Kaya, tiyak daw na marami ang makaka-relate sa story nina Bogs at Mae, ang mag-best friend na malalim ang pinagsamahan hanggang na-in love ang babae sa lalaki.

Sounds familiar, ’di ba?

Comments (1)

bagay sa kanila yong papel nila, at kahit di ko pa napanood kilig na ako... lola nz

Post a Comment