Article

6

Posted on : Monday, January 25, 2010 | By : shapap | In :

Kim Chiu at Gerald Anderson, sobra-sobra ang halikan!
by Chit Ramos ( PinoyParazzi ) 01.25.10
Hindi lamang body language ang nagre-reveal sa real score ng relasyon nina Kim Chui at Gerald Anderson, kundi ang direktang pag-amin ng binata na tapos na ang friendship stage nila ng dalaga.

“Oh, sige. Mag-M.U. na kami. Super duper duper M.U.!” Aniya. Ibig sabihin, may mutual understanding na sila. Hindi na talaga nila kailangan pang paaminin kung ano talaga ang totoo. Apat na taon na nating pinipilit ang couple tungkol sa pinupuntahan ng kanilang pag-iibigan. Talaga naman kasing may relasyon. Ang pinupunto lang naman ng mga nagtatanong ay kung gaano na kaseryoso ito. Dumating na ba sa puntong nagbabalak na silang magpakasal?

Siyempre naman hindi. HINDI PA! Unang-una, batang-bata pa nga naman sila. Pangalawa, ‘pagka’t galing sa hirap ang pamilya ni Kim, natural lamang na gusto pa niyang magtuluy-tuloy ang kanyang tagumpay. Nakaaapekto nga naman sa popularidad ng isang artista ang status ng pakikipagrelasyon. Ano na nga naman ang mangyayari? Kapag friends pa lang kayo, gusto ng mga tao na mag-ibigan kayo. Kapag naman nag-ibigan, hinihintay na mag-break kayo. Kapag nag-reconcile, gusto nang magpakasal sila.

At kapag kasal na, magpa-pamilya na. Mawawalan o mababawasan ang ningning ng pagkabituin nila.

Nakahanda na ba si Gerald, lalo na si Kim?

Siyempre, hindi. Kaya, magsaya na tayo sa pahayag ni Gerald na mag-M.U. na sila.

Ganu’n din sa nakakikiliting pag-amin ni Kim na “Sige, sumasarap na nga ang mga halik ni Gerald!” sa pelikulang Paano Na Kaya? kung ikukumpara sa halik nilang ginawa sa I’ve Fallen For You movie nila noon. Siyempre, ang sarap ng halik na iyon ay mas masarap kapag hindi sila nakaharap sa camera. Nagpapakatotoo lang silang aminin na ang mga halik na iyon ay sini-share nila kahit nasa likod na sila ng camera. Hindi na sila mga bata at may lisensiya na silang namnamin ang sarap na dulot ng pag-ibig.

Knowing Kim, hanggang doon lang ang sine-share nilang ito. Ganu’n din ang halos araw-araw na pagkikita at pagsasama nila. Sa shooting, tapings, mall shows, personal appearances at iba pang activities sa showbiz. Nagkahiwalay lang yata sila noong Pasko at Bagong Taon. For the first time ay dinalaw kasi ni Gerald ang iba pa niyang relatives sa U.S of A. Pero, pagdating naman niya (after only a week) ay sila na naman ni Kim ang laging magkasama. Sobra nga ang pagka-miss nila sa isa’t isa.

Idagdag pa natin ang mga pahayag ng director nilang si Ruel Bayani. Hay, naku, hindi ito nagpapigil na ikuwento ang nangyayari sa harap at likod ng camera.

“Sobra-sobra ang kanilang halikan,” elaborate niya. “Tatlong eksena lang itong mapapanood sa buong pelikula. Pero, in between takes, siyempre ipapaulit-ulit iyon sa kanila. Na ginagawa naman nila, with feelings, ha?!”

Inamin din ni Direk na kahit sa likod ng camera ay may mga katulad ng eksena rin ang kanyang mga bida.”Kailangan pa bang pakiligin ko kayo, eh, kilig nga pati co-stars nilang sina Melissa Ricks, Robi Domingo at maging si Rio Locsin.”

Comments (6)

KIM CHUI AND GERALD ANDERSON SOBRANG SOBRANG HALIKAN ! OMG GRABE NA ITO SA DALAWA ! NA KAHIT NA ANG MGA STAFF NA PAANO NA KAYA NAKIKITA NILA ANG NANGYAYARI SA DALAWA HOW THEY MISS TO EACH OTHER NOON HINDI SILA NAGKITA NG ILANG ARAW AT SI DIRECT RUEL ABAYANI NA WAITNESS NIYA KUNG ANO ANG NAYAYARI SA TAPING OR OUT CAM KINIKILIG SILANG LAHAT HOW SWEET TALAGA KINIKILIG AKO SOBRANG SOBRA I LOVE KIMERALD AND I PRAYED NA SANA MAGING BLOCKBUSTER ANG MOVIE NILA FOR 2010 UNDER STAR CINEMA GOODLUCK

love you kg!!! :))

I JUST LOVE THE WAY THESE TWO YOUNG COUPLE HANDLES THE PRESS FROM EVERYONE TUNGKOL SA KANILANG REALSYON NGAYONWEEN. THEY DON'T CONFIRM NOR DENY . I SO ADMIRE THEM NA PAGDATING SA KANILANG DALAWA (PERSONAL) IT'S JUST BETWEEN THE TWO OF THEM PARA BANG ISANG SAGRADONG BAGAY NA SILA LANG DALAWA TALAGA ANG DAPAT INVOLVE PERIOD. ITO ANG ISANG BAGAY NA HINDI NILA PWUDENG I-SHARE SA PUBLIC KAYA NAMAN WE HAVE TO RESPECT IT. FOR US FANS SEEING THEM HAPPY TOGETHER AND THE SWEET LITTLE THING THEY FOR EACH OTHER ON/OFF SCREEN AY SAPAT NA . GE AND KIM GOD BLESS YOU BOTH AND I LOVE YOU BOTH.

kakilig talaga SILA.....haiz sana marami pang ganito kagandang movie ang kimerald...I LOVE YOU KIMERALD...good job panalo talaga sa takilaya.....

GOOD JOB KIMERALD ITS A NICE MOVIE TALAGA KAYA DI NA KATAKATAKA NA PUMALO ITO SA TAKILYA.....KAHIT AKO AY KINILIG AT THE SAME TIME AY NAIYAK DIN DAHIL SA TINDI NG EMOTION NA PINADAMA NILA DITO SA PAANO NA KAYA.....GOOD JOB KIMERALD...GOD BLESS YOU ALL...AT PATI SA CAST AND CREW GOOD JOB GUYS....PANG BLOCKBUSTER ITONG MOVIE NA ITO....

Wow Kim grabe au ka.....go go go girl....

Post a Comment