Article

0

Posted on : Tuesday, June 30, 2009 | By : shapap | In :

( Abante Online ) 06.30.09

Kung awards din lang ang pag-uusapan, hindi naman pahuhuli riyan sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Katunayan, naka-strike 3 na sila bilang pinakamainit na love team ngayon.

Sila nga ang nagwagi bilang Most Popular Love Team for Movies and TV ng Box Office Entertainment awards na inorganisa ng the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Hindi lang sa award humahataw ngayon sina Kim at Gerald. Pati nga sa pagtangkilik ng mga manonood ay bonggang-bongga rin sila.

Aba, waging-wagi sa ratings ang Tayong Dalawa nila sa ABS CBN.

“Mas marami pa silang dapat abangan sa Tayong Dalawa, dahil mas maiinit pa ang mga ginawa naming mga eksena,” sabi ni Kim.

Article

0

Posted on : Monday, June 29, 2009 | By : shapap | In :

Vinia Vivar ( Journal Online ) 06.29.09

Hindi lang si Sarah ang nagniningning sa nakaraang GMMSF Box Office Entertainment Award kungdi maging si Kim Chiu. Kasama ang kanyang kaparehang si Gerald Anderson, tumanggap ang magka-loveteam ng Most Popular Love Team for Movies and TV na tatlong taon na rin nilang nasusungkit.

Tatlong taon na rin sa showbiz ang magkapareha. Matapos sumali sa PBB Teen Edition at magwagi si Kim, naging magka-loveteam na ang dalawa na tinangkilik agad ng mga tao.

Sa bawat taon ay mas nadadagdagan ang popularidad ng magkapareha kaya naman taon-taon ay sila ang nahihirang ng Guillermo para sa nasabing award.

Ngayon ay mas lalo pang naging mainit ang dalawa sa tambalan nila sa Tayong Dalawa dahil as we all know, kasalukuyan itong umaani ng napakataas na ratings.

Samantala, last week sa Tayong Dalawa ay nakatakas na nga si JR (Gerald) sa kulungan at sumama sa mga rebelde. Nagkaroon ng insidente na nagkita sila ni Ramon at dito nakumpirma ni JR na totoo palang nagbebenta ng baril ang kapatid.

Sa kabilang dako, wala pa ring tigil si Ingrid (Agot Isidro) sa pagplano ng masama. Gagawa ng paraan si Ingrid para magpakita at lumabas si JR. Idadawit ni Ingrid si Audrey (Kim Chiu) sa kanyang masamang plano .

Kung ano ang planong ’yun, abangan this week sa Tayong Dalawa.

Article

1

Posted on : Monday, June 29, 2009 | By : shapap | In :

Starstudio hinirang na A-List celebrity si Kim
( PhilStar ) 06.29.09
MANILA, Philippines - Handog ng Star Studio Magazine, the magazine that brings you closer to the stars, ang pinaka-unang party series kasama ang no less than the Primetime Princess at Top Multi-Media Endorser sa isang napaka-espesyal na VIP pass event, ang Kim Chiu Thanksgiving Party sa The Manor Superclub, Pasig City.

Maraming dapat ipagpasalamat ang in-demand at kilalang aktres na si Kim sa nagdaang mga taon, sa career niya at sa personal na buhay. Mabilis na umangat ang kanyang career at dumadami pa lalo ang kanyang fan base, dito at sa ibang bansa.

Pink at black ang disenyo ng venue at dress code ng party ni Kim. Isang wishing tree ang bumungad sa entrance ng party kung saan puwedeng magsulat ng mensahe para kay Kim. May photo booth din na kumpleto ng mga accessories na naglabas ng mga ngiti at iba’t ibang pose ng mga guest na game na game namang humarap sa kamera para sa guest book.

Sa second floor ng The Manor, nakakaindak ang party music ni DJ Mars Miranda habang enjoy sa cocktails ang mga guest. Iba’t ibang photos ni Kim ang nakapalibot sa venue na nagpapakita ng kanyang iba’t ibang mga ‘look.’ Lahat ay nakatitig nang dumating ang star of the night. Isang espesyal na audio visual presentation ang nagpakita ng buhay ni Kim, na may kasama pang mga greetings mula sa mga kaibigan at supporters ng dilag sa pangunguna ng head of ABS- CBN Publishing na si Ernie Lopez. Ang Star Studio Editor in Chief na si Biboy Arboleda ang nagsilbing host ng gabi at opisyal na naghirang kay Kim bilang bahagi na ng liga ng A-list celebrities.

Dumating sa event para magbigay suporta kay Kim ay ang kanyang long time loveteam partner, Gerald Anderson, Tayong Dalawa co-lead star Jake Cuenca, Melissa Ricks, Erich Gonzales, Beauty Gonzales, Joaqui Valdez, Fred Payawan at Ram Sagad at marami pang iba.

Marami man siyang nakamit bilang aktres, kuwento ng simpleng dalaga, “I am very thankful for everything that I have, lalo na sa suporta ng fans ko. But I hope na makakuha rin ako someday ng award kaya mas pinagbubuti ko pa yung trabaho ko ngayon.”

Para sa iba pang detalye ng upcoming events, bumili ng kopya ng July issue ng StarStudio kung saan featured ang pinaka-in demand na loveteam, Kim Chiu at Gerald Anderson bilang back-to-back celebrity cover ng magazine at iba pang exclusives na makikita lamang sa StarStudio. Available sa inyong paboritong mga bookstores at newsstands nationwide sa maliit na halaga na P85 per copy.

40th Box-Office Entertainment Awards

2

Posted on : Sunday, June 28, 2009 | By : shapap | In : ,

GMMSF '09: KIMERALD - Most Popolar LoveTeamc/o kristt
GMMSF '09: KIMERALD - Most Popolar LoveTeamc/o discoverer
GMMSF '09: KIMERALD - Most Popolar LoveTeam
Download this Video
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

The Buzz

1

Posted on : Sunday, June 28, 2009 | By : shapap | In : , ,

The Buzz: Star Magic World Concert Tourc/o kristt
The Buzz: Star Magic World Concert Tourc/o MultiLoverKG
The Buzz: Star Magic World Concert Tourc/o discoverer
The Buzz: Star Magic World Concert Tour
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

0

Posted on : Sunday, June 28, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu, hangad ang award!
( Abante Online ) 06.28.09

Isang thanksgivin­g party ang handog ng StarStudio Magazine kay Kim Chiu, na ginanap sa The Manor Superclub, Pasig City.

Sabi ni Kim, marami siyang dapat na ipagpa­salamat sa kanyang mga fans dahil naging in-demand ang kanyang career. Pink at black ang disenyo ng venue at dress code ng party ni Kim. Isang wishing tree ang bumungad sa entrance ng party kung saan pwedeng magsulat ng mensahe para kay Kim. May photo booth din na kumpleto ng mga accessories na naglabas ng mga ngiti at iba’t ibang pose ng mga guest na game na game namang humarap sa kamera para sa guest book ni Kim.

Siyempre, dumalo sa party na `yon si Geral­d Anderson, at marami pang iba.

“I am very thankful for everything that I have, lalo na sa suporta ng fans ko. But I hope na makakuha rin ako someday ng award kaya mas pinagbubuti ko pa ang trabaho ko nga­yon,” sabi ni Kim.

Makikita ang iba pang detalye at kuwento ng buhay ni Kim sa July issue ng StarStudio magazine.

TV Patrol Sabado

6

Posted on : Saturday, June 27, 2009 | By : shapap | In : ,

TVP Sabado: Star Magic Concert Tour Rehearsalc/o kristt
TVP Sabado: Star Magic Concert Tour Rehearsalc/o discoverer
TVP Sabado: Star Magic Concert Tour Rehearsal
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Entertainment Live

3

Posted on : Saturday, June 27, 2009 | By : shapap | In : ,

Entertainment Live: Gerald, naghahanda na para sa 'Agimat'.c/o discoverer
Entertainment Live: Gerald, naghahanda na para sa 'Agimat'.
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Cinema News

4

Posted on : Saturday, June 27, 2009 | By : shapap | In : ,

Cinema News Alertc/o discoverer
Cinema News Alert
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

12

Posted on : Saturday, June 27, 2009 | By : shapap | In :

Kim, malungkot sa ‘paghihiwalay’ nila ni Gerald!
Rose Garcia ( Abante Online ) 06.27.09
Very happy na si Kim Chiu sa natanggap nilang award ni Gerald Anderson sa Guillermo bilang Most Popular Loveteam. Pangatlong taon na nila kung kaya’t very happy siya sa consistent support na nakukuha nila from Kimeralds.

“Masaya, magsisilbi siyang inspirasyon para sa mga ginagawa namin ni Gerald. Mas gagalingan pa namin. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa mga Kimeralds na sumusuporta sa amin,” sabi ni Kim.

Posible kayang Most Popular Loveteam pa rin sila next year o isang box-office award naman?

“Sana, sana!,” tila kinikilig pang sabi ni Kim.

“At saka, lahat naman yata ng artista, pinapangarap pa rin ‘yun.”

Kahit alam ni Kim na sigurado raw magiging masaya ang Kimeralds kapag nalamang sila na talaga ni Gerald at hindi lang M.U., still okey na raw sila ni Gerald sa set-up nila ngayon.

“Nag-usap na kami ni Gerald. Masaya na rin kami sa ganito na sweet-sweet lang, kilig-kilig, walang commitments. At saka, teenager pa naman kami. So, enjoy muna namin ang pagiging teenager. Walang pag-aari ang isa’t isa. Walang mga bawal. Walang mga kung anu-ano.”

Sa ngayon, hindi pa raw nila alam ni Gerald kung ano ang plano sa loveteam nila ng network dahil wala pa raw sinasabing next project nila together after ng Tayong Dalawa.

Si Gerald kasi ay may next series na, ang Agimat na mga movies noon ni Ramon Revilla Sr. Paano na siya?

“Wala pa po, eh,” sey niya.

Sa movies ay meron naman siyang ginagawa, ‘yung movie niya sa Star Cinema with Angelica Panganiban at Gabby Concepcion. Pero how true na hindi raw siya happy sa gina­gawa niyang movie?

“Hindi naman. Parang ano lang ako, parang kinakabahan lang ako kasi, kakaibang Kim ako ru’n. So, parang natatakot ako kung magagampanan ko ba siya ng tama.”

Sobrang matured na ba ang role niya roon?

“Yeah, super matured!” sey niya.

Ano ang feeling niya na pinaghiwalay sila ni Gerald sa movie?

“Malungkot din siyem­pre, kasi, first pro­ject ko ‘yun na hindi ko siya kasama.”

Bakit hindi niya ipag­laban sa Star Cinema na huwag silang paghiwalayin ni Gerald?

“Of course, gusto sana namin na kami pa rin, pero siyempre, desis­yon pa rin ‘yan ng ma­nagement. Sila naman ang nakakaalam kung ano ang makakabuti sa amin. Pero ‘yun nga, sana, magkasama pa rin kami.
“Sana, bigyan pa rin kami ng project together, kasi, para rin naman sa mga Kimeralds, para hindi sila malungkot,” say na lang ni Kim.

VIP Pass

4

Posted on : Saturday, June 27, 2009 | By : shapap | In : ,

VIP Pass: StarStudio Shootc/o kristt
VIP Pass: StarStudio Shootc/o discoverer
VIP Pass: StarStudio Shoot
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

15

Posted on : Saturday, June 27, 2009 | By : shapap | In :

Gerald’s intention to work with a new leading lady raises comments from Kimerald fans
Heidi Anicete ( ABS-CBN Interactive ) 06.27.09
Sa minsang naging panayam sa kanya, inamin minsan ni Gerald Anderson na gusto niyang makatambal sa isang proyekto ang kapwa Kapamilya star na si Erich Gonzales. Nang mabalitaan naman ito ng dalaga, di niya maiwasang maflatter sa pagpili sa kanya ng kasalukuyang lubos na hinahangaang aktor. Ayon sa kanya, it will in fact be a great honor to work with someone like Gerald na talaga naman raw nag-uumapaw sa talento. Sa kasamaang palad, tila hindi ata ito nagustuhan ng Kimerald fans dahil nang mabalitaan itong posibilidad ng pagkakaroon ng love triangle ay iba’t ibang violent reactions na ang unti-unting nagsulputan mula sa nasabing grupo. Maging sa naging poll kanina ng SNN na tumatalakay sa reaksyon ng bayan patungkol sa pagbubukas nina Kim at Gerald sa iba pang posibleng kapartner, umangat pa rin ang matinding pag-ayaw matapos nitong kunin ang majority ng votes na sumusumang 91.33 percent.

Sa nasabing pagproprotesta naman ng mga fans ng love team nila ni Gerald, inamin naman ng kapareha ng binata na si Kim Chiu ang pagkagalak sa manifestation ng matinding pagsuporta sa kanila ng mga ito. Para sa kanya, ang pag-ani raw ng ganitong uri ng mga reaksyon sa karamihan ay nagpapakita lamang kung gaano kasolido ang mga fans nilang dalawa ni Gerald sa tagumpay ng tandem nila. Ngunit kahit ganito pa man, sinubukan pa rin niyang kunin ang pang-unawa nito sa mga pagkakataong tulad nito na kakailanganing magcareer move ang bawat isa sa kanila on their own—tulad na lamang ng pagpapahayag ng Star Magic ngayon na balak nilang ipagtambal sina Gerald at Sarah Geronimo sa isang upcoming project. Bilang maamong pagsuyo sa mga die-hard fans nila, ang tanging iniwan na lamang na mensahe ng dalaga’y “bigyan natin sila ng chance.”

Showbiz News Ngayon

34

Posted on : Friday, June 26, 2009 | By : shapap | In : ,

ABS-CBN Feedback web_feedback@abs-cbn.com
Showbiz News Ngayon : Triangulong Pangguloc/o kristt
Showbiz News Ngayon : Triangulong Pangguloc/o discoverer
Showbiz News Ngayon : Triangulong Panggulo 1 , 2
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

2

Posted on : Thursday, June 25, 2009 | By : shapap | In :

Kim ‘di totoong nagbababad sa bagong bahay ni Gerald
Chan-Chan Torres ( Journal Online ) 06.25.09

Iniintriga ngayon si Kim Chiu tungkol sa madalas umanong pagbababad niya sa bagong bahay ni Gerald Anderson.

Lagi raw kasing nakikita roon ang dalaga.

Siyempre, unfair naman ito kay Kim, na agad itinuwid ang malisyosong balita.

Ayon kay Kim totoong nagpupunta siya sa bahay ni Gerald pero dahil iniimbitahan daw siya ng pamilya ng ka-loveteam.

Pumupunta raw si Kim ‘pag may handaan, tulad ng ng house blessing at ’pag may gathering of friends sa bahay ng binata.

Wala naman kasing masama kung magpunta si Kim sa bahay ni Gerald, dahil magka-loveteam naman sila.

Kahit pa hindi niya aminin nang deretsahan, may espesyal ding namamagitan sa kanila ni Gerald.

Noong huli naming makausap si Kim, ayaw niyang lagyan ng label ang relasyon nila ni Gerald.

Para sa dalaga, masaya siya na kasama ang binata kahit hindi pa selyado ang kanilang relasyon, as in no commitment.

Sa tanong kung puwede pang manligaw si Gerald ng ibang girls kahit nakikita silang madalas na magkasama on and off screen?

“Nasa sa kanya naman po ‘yun, eh.”

No doubt na no. 1 ang tambalang Kim at Gerald, patunay nito ang mataas na rating ng kanilang teleserye.

Sa puso kaya ni Gerald, number one rin si Kim?

Juicy

5

Posted on : Thursday, June 25, 2009 | By : shapap | In : ,

Juicy: Kim and Gerald Interviewc/o discoverer
Juicy: Kim and Gerald Interview
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

5

Posted on : Thursday, June 25, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson and Kim Chiu, gumigimik nga lang ba?
Ivan Cruz ( ABS-CBN Interactive ) 06.25.09
Hindi na mapigilan ang pagsikat nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Sa ikatlong pagkakataon, ginawaran ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. ng parangal na Most Popular Loveteam of Movies and Television sina Kim at Gerald. Tuloy-tuloy din ang pagtaas ng ratings ng kanilang show sa Primetime Bida na Tayong Dalawa sa Metro Manila man o Nationwide.

Kasabay nito, hindi rin mapigilan ang mga detractors nila at sinasabing gimik lamang daw ang lahat ng ito. Nakausap ng ABS-CBN.com si Gerald sa pictorial ng kanyang bagong show na Agimat at nilinaw niya ang mga issues. Kamakailan kasi ay ni-reveal ni Willie Revillame sa noontime show niyang Wowowee na nasaksihan niya mismo ang pagbibigay ng flowers ng binata kay Kim sa Wowoweelympics na ginanap sa Araneta Coliseum. Nasulat na 'orchestrated' at 'rehearsed' daw ang pangyayaring ito. 'Nung nagpapraktis pa lang sila Kim, nagdala ako ng flowers. Galing kasi si Kim sa Bangkok at tatlong araw na kaming hindi nagkikita. Hindi ko alam na naduon pala si Willie. Tapos, nakiusap sa kin si Willie lumapit siya sa akin sabi niya can you do this sa Wowoweelympics? so ayun', paliwanag ni Gerald.

Ang mga Kimerald (tawag sa mga tagahanga nina Kim at Gerald) naman, na-aalarma na at patuloy ang mga tanong sa kanilang websites kung magsasama ba muli sila sa susunod na project ni Gerald na Agimat...Mga Alamat ni Ramon Revilla. Gaganap si Gerald bilang 'Tiyagong Akyat', isang siga na may angking liksi at tapang na papasahan ng agimat kaya't magiging 'bullet proof' at 'knife proof'. 'Gusto ko sana si Kim talaga ang leading lady ko dito.Siguro if hindi bagay yung role kay Kim or if its not for Kim, tatanggapin ko na lang and I'll still do my best,' hiling ni Gerald. Ngunit niliwanag ni Gerald na hanggang ngayon ay wala pang definite na gaganap na leading lady niya para sa serye. Handa na nga ba siyang maghiwalay sila ni Kim sa trabaho? 'Well see excited din ako pero in a way nakakalungkot kasi sa taping hindi ko makakasama si Kim. I am sure Kim's gonna do something na mag-isa lang siya o may ibang kasama' Gusto ko sana mas marami pa kaming projects na magkasama kami', sagot ni Gerald.

Sa isyu naman na hindi raw talaga sila mag-m.u. at gumigimik lang, eto na lang ang nasabi ni Gerald,'You guys believe it or not, it's up to you.'

Showbiz News Ngayon

19

Posted on : Wednesday, June 24, 2009 | By : shapap | In : ,

Showbiz News Ngayon: Gerald in 'Agimat'c/o kristt
Showbiz News Ngayon: Gerald in 'Agimat'c/o KGLaber
Showbiz News Ngayon: Gerald in 'Agimat'c/o MultiLoverKG
Showbiz News Ngayon: Gerald in 'Agimat'c/o discoverer
Showbiz News Ngayon: Gerald in 'Agimat'
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

9

Posted on : Wednesday, June 24, 2009 | By : shapap | In :

Vinia Vivar ( Journal Online ) 06.24.09

Sa presscon ng Agimat…Mga Alamat ni Ramon Revilla, tinanong ang tatlong bidang sina Jolo Revilla, Coco Martin at Gerald Anderson kung ano ang gusto nilang agimat sakaling mabibiyayaan sila nito.

’Katuwa ang sagot ni Gerald dahil agimat sa pag-ibig ang type niya para lumambot at bumigay na ang babaing gusto niya.

“Bumigay ka na, bumigay ka na,” tila pagdarasal ni Gerald.

Siyempre, hindi na kailangang itanong kung sino ang babaing gusto niyang gamitan ng agimat, kundi si Kim Chiu.

Sa ngayon ay pinagkakalihim-lihim ng management kung si Kim ang magiging leading lady ni Gerald sa Agimat remake, pero siyempre, highly considered ang young actress.

Hindi pa lang daw talaga puwedeng ipaalam dahil ayaw nilang mabulabog na naman ang mga Kimerald.

Article

5

Posted on : Wednesday, June 24, 2009 | By : shapap | In :

Bonggang-bongga na si Kim Chiu!
Jeric Peña (http://www.brinknotes.net) ( Pinoy Parazzi ) 06.24.09
Inaamin ko noong una, hindi ko masyadong nagustuhan si Kim Chiu lalo na noong siya’y nasa loob pa ng Bahay ni Kuya. Feeling ko kasi isa lang siyang normal na teenager na chinita, maganda, maputi at hanggang doon na lang. Malay ko bang sisikat siya. Tinatanong ko pa nga ang sarili ko kung bakit sobrang daming fans ni Kim?

Hindi man isang talent search ang pinanggalingang programa ni Kim, eh, unti-unti niyang pinatutunayan na hindi lang siya maganda kundi talented din—sa pagkanta, pagsayaw, at siyempre sa pag-arte. Grabe nga ang mga blessings na tinatanggap ni Kim! Tingnan mo, hindi siya nawawalan ng mga projects—mapa-TV shows man ‘yan, commercials o endorsements, pictorials sa mga magazines, at mall shows. Bihira na ang mga artistang may stable na career kaya Kim, ang bongga mo!

Naku, sobrang payat na nga ni Kim Chiu! Siguro oras na para alagaan niya ang sarili niya at magpahinga. Mahirap na, kaya Kim hinay-hinay lang!

Dahil sa Tayong Dalawa, talaga namang naipakita ni Kim ang kanyang kagalingan sa pag-arte. Multi-awarded ang mga artistang kasama niya sa show, so siyempre, hindi siya patatalo sa pag-arte.

Aba, hindi lang puro pa-cute si Kim, ha?! Sino ba ang mabubuhay ngayon sa showbiz na puro pa-cute lang? Kahit papaano, kailangan mo rin ng konting talent kahit pilit lang. Ngayon nga eh, lume-level na ang Kim sa mga primetime queen ng ABS-CBN. Panalo naman kasi talaga ang Tayong Dalawa pagdating sa istorya, ratings at magaling na cast. Pero siyempre, pa-humble lang ang Kim sa dami ng papuring natatanggap niya. Okay lang, mahirap din naman kasing “malunod sa kalahating basong tubig” ang sabi nga ni Cristy Fermin. May ganu’n talaga? Baka naman kasi kainisan siya ng fans kung magmamaganda siya. Infairness naman kay Kim, hindi niya nakalilimutang magpasalamat sa mga fans na bumubuhay sa kanyang panalong showbiz career!

Huwag din naman natin isantabi si Gerald Anderson, ang one and only partner ni Kim Chiu. Bagay naman kasi talaga sila at patok ang tambalan nila sa fans. Pagdating sa acting at pagsayaw eh, may ibubuga rin naman si Gerald. Obvious naman na sina Kim at Gerald na ang pinakasikat na naging teen housemates ni Kuya. Iba rin naman kasi ang suporta na ibinibigay ng mga fans sa tambalang Kimerald. Mega-tanggol nga talaga sila sa kanilang iniidolo. ‘Di ba nga, hindi natuloy ang binabalak na Sarah-Gerald movie? Takot lang ng mga producers sa Kimerald fans, ‘noh! Sabagay, hindi ko rin naman maisip kung sino pa ang puwedeng i-partner kay Kim maliban kay Gerald. Pero, naisip ko rin na hindi naman puwedeng panghabang buhay, eh, Kimerald lagi.

Oh well, hindi natin maaalis ang katotohanang talaga namang nag-mature na si Kim at Gerald bilang mga artista. Hindi na sila ‘yung mga teenager na pinapanood natin sa loob ng bahay ni Kuya na parang wala pang alam sa mundo. Kaya naman Kim at Gerald, go go go lang!

TV Patrol World

4

Posted on : Tuesday, June 23, 2009 | By : shapap | In : ,

TVP: YES!' 100 Most Beautiful Stars 2009 , 'Mano Po' c/o MultiLoverKG
TVP: YES!' 100 Most Beautiful Stars 2009 + 'Mano Po'c/o discoverer
TVP: YES!' 100 Most Beautiful Stars 2009 + 'Mano Po'
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

1

Posted on : Tuesday, June 23, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu is the Real Next Superstar!
Edgar O. Cruz (Stir) 06.23.09
Angel Locsin’s rally with 9,289 votes in the “Who is the Real Next Superstar? POLL in the last two days failed to dislodge Kim Chiu’s own rally at 9,950 votes. This is a 7% difference of 665 votes in favor of Kim as of 11:35am yesterday, June 22.

Angel toppled early leaders Bea Alonzo at 906 votes and Sarah Geronimo at 139 votes but Kim managed to take over and ruled until the end. Kim is therefore declared as the Real Next Superstar!

For your ready reference, here is the tabulation:

Votes as of 11:35 AM yesterday

Who is the real next Superstar

% Votes
Bea Alonzo 4.46 906
Kim Chiu 49 9,950
KC Concepcion 0.01 3
Sarah Geronimo 0.68 139
Angel Locsin 45.75 9,289
Marian Rivera 0.09 19



Total numbers of votes: 20,306


Congrats Kim! You have such an active FANS (friends and supporters)!

The Real Next Superstars are Angel, Kim, Bea and Sarah but it’s Kim who topped the much-sought after list. Marian Rivera at 19 votes and KC Concepcion at 3 voteskim chiu willkim chiu have to remain as Network Superstars while Kim, the real superstar got more votes until the end no matter how Angel's FANS try to put their idol ahead of Kim.

Total number of votes reached 20,306!

STIR visitors decided who's the Real Next Superstar and it believes that the previous poll reflects reality.

When Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, even Judy Ann Santos were Superstars, there were still no Network Superstars. STIR defined Network Superstars as those entertainment figures who are popular because they are well-supported by their networks even with the absence of a real fan base.

The concept of "Superstar" has evolved. During the time of the Superstars, they must have a viable career in television, movies and stage to be a superstar. Now it’s possible to be a Superstar on the basis of the television alone. Thus, the term Network Superstar.

I’d like to think Marian and KC are more than Network Superstars. I thought Angel Locsin is a Network Superstar until her FANS started casting their votes for two straight days and overturned earlier results. I hope the same for Marian and KC but it never came. For the time being, STIR has to consider them as Network Superstars.

Gerald Anderson's House Blessing

1

Posted on : Tuesday, June 23, 2009 | By : shapap | In :

(click on the image to view all the pictures)

Photos c/o teamkapamilya.multiply.com

Article

9

Posted on : Tuesday, June 23, 2009 | By : shapap | In :

Ayaw sa agimat: Gerald gayuma sa babae ang gusto!
Veronica R. Samio ( PhilStar ) 06.23.09
Dalawang taong pinag-usapan ng ABS-CBN at ng pamilya Bautista (o Revilla) na kinatawan ng magkapatid na Rowena at Andrea, ang pina­kabagong proyekto na magsasalin sa telebisyon ng apat sa mga pelikulang tinampukan, prinodyus at dinirek ni Ramon Revilla, Sr.

Ito ang mga istorya ng Elias Paniki, Tonyong Bayawak, Tiagong Akyat at Pepeng Agimat, mga adventure series na nagbigay ng ’di mapa­pantayang kasi­ka­­tan sa sinasabing talagang nag­tataglay ng anting-anting, ang dating senador na ama ni Bong Revilla.

Apat na hinahangaan at pinakasikat na aktor ng kanilang henerasyon ang gaganap sa mga istorya: Gerald Anderson (Tiagong Akyat), Jake Cuenca (Elias Paniki), Coco Martin (Tonyong Bayawak), at Jolo Revilla (Pepeng Agimat). Sila ang apat na kabataang lalaki na mag-iiba ang buhay sa oras na mabigyan ng isang diwata ng kapangyarihan sa pamamagitan ng mga kwentong ihahatid ng Agimat.

Sa apat, pinaka-pressured si Jolo dahil sinabihan siya ng kanyang amang si Sen. Bong na dapat galingan niya para hindi mapahiya ang lahi nila. Nasa Kapa­milya network ngayon si Jolo kahit kasalukuyan pang ipinalalabas ang seryeng Totoy Bato sa GMA 7 na kasama siya sa cast.

Katwiran niya, hindi siya nakatali sa isang kontrata sa Kapuso network kaya malaya siyang tumanggap ng proyekto sa alin mang istasyon ng TV sa bansa. Isa pa, ipinakiusap siya ng tiyahin niyang si Andrea na makasama sa serye para makumpleto ang tatlong henerasyon ng Revilla na mabibigyan ng Agimat.

Bukod kay Jolo, isa pa ring Revilla (Bautista), ang kasali sa Agimat, ang tiyuhin niya at isa ring mahusay na direktor ng pelikula na si Marlon Bautista bilang creative consultant.

Bagama’t isa ring popular na karakter at pelikula ang Nardong Putik, na binigyang buhay ni Ramon Revilla, Jr. sa kanyang peli­ku­la, hindi na ito isinali sa pilian dahil totoo ang istorya niya at baka tumutol ang pamilya niya na gawing serye ang buhay niya sa TV.

Pare-parehong naniniwala sa agimat ang apat na aktor na gaganap sa serye. Si Jake, may tatlong agimat sa kwarto niya na dinadasalan niya. Parehong ang Diyos naman ang tinuturing na mga agimat nina Coco at Jolo.

Wala namang agimat si Gerald pero gusto niya ng love potion (gayuma) dahil may kaunting problema siya sa kanyang lovelife.

May sari-sarili rin silang gustong makapareha. Si Jolo, sina Lovi Poe, Shaina Magdayao at Maja Salvador; si Coco, sina Ales­sandra de Rossi at Maja Salvador; si Gerald sina Kim Chiu, Bea Alonzo at Erich Gon­zales; at si Jake, sina Roxanne Guinoo, Melissa Ricks at Bea Alonzo.

Showbiz News Ngayon

3

Posted on : Monday, June 22, 2009 | By : shapap | In : , ,

SNN: Mga Kapamilya Stars, wagi sa Guillermo Awardsc/o kristt
SNN: Mga Kapamilya Stars, wagi sa Guillermo Awardsc/o discoverer
SNN: Mga Kapamilya Stars, wagi sa Guillermo Awards
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

TV Patrol World

3

Posted on : Monday, June 22, 2009 | By : shapap | In : , ,

TVP: 40th Guillermo Mendoza Foundation Awardsc/o kristt
TVP: 40th Guillermo Mendoza Foundation Awardsc/o MultiLoverKG
TVP: 40th Guillermo Mendoza Foundation Awardsc/o discoverer
TVP: 40th Guillermo Mendoza Foundation Awards
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

ASAP 09

2

Posted on : Sunday, June 21, 2009 | By : shapap | In : , ,

ASAP 09 1 , 2 , 3 , 4 c/o kristt
ASAP 09 1 , 2 , 3 , 4 , 5 , 6 , 7 c/o MultiLoverKG
ASAP 09 1 , 2 , 3 , 4 , 5 c/o discoverer
ASAP 09
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

1

Posted on : Sunday, June 21, 2009 | By : shapap | In :

ABS-CBN to remake Ramon Revilla classics in ‘Agimat’
Fiona Abaca ( ABS-CBN Interactive ) 06.21.09
ABS-CBN has announced a new series called Agimat: Ang mga Alamat ni Ramon Revilla which will remake the classics of the iconic actor. Several young actors have already been tapped for the series. Ramon Revilla’s own grandson Jolo Revilla will play Pepeng Agimat, Gerald Anderson as Tiagong Akyat, Jake Cuenca as Elias Paniki, and Coco Martin as Tonyong Bayawak.

During the presscon for the said project, Ramon Revilla Sr.'s daughters Rowena Revilla and Andrea Revilla-Henares represented their father and according to them, ABS-CBN Business Unit Head Deo Endrinal had proposed the project two years ago. “Nung tumawag po si Deo sa akin noon about this project, ipinaalam ko po ito sa dad ko, sa Kuya Bong ko at sa iba ko pong mga kapatid and they agreed naman po.” Andrea explained. “They are very happy and thankful to ABS-CBN kasi parang this is a tribute for my father, at proof po na timeless po talaga ang mga pinaghirapan ng tatay ko,” she added.

Andrea also revealed that her dad was happy to know that Tayong Dalawa’s Gerald, Jake, and Coco have been signed up for the project and that he is excited to meet them before they start taping. The Revillas believe in the talents of the three actors and they have the confidence that they will give justice to the roles. “I told my dad na presscon nga today and I asked him, 'Ano po ang gusto niyong sabihin ko?’ Sabi ng dad ko, 'Sabihin mo na lagi akong nanunod ng Tayong Dalawa.”

As for the three actors, they said that it's more than just an honor for them to be given a big project and they are very thankful about it. Coco expressed his high regard for Ramon Revilla Sr. and said that he had always dreamed about remaking one of his films. “Si Ramon Revilla Sr., institusyon yan eh, kung baga kung hindi ka FPJ, Ramon Revilla ka. Kaya nga may Sayo ang Tondo, Akin ang Cavite eh.”

When asked if they actually believe in agimat, Jake revealed that when he was just starting in showbiz, he actually had one which was given by a friend. “I have an agimat pero nasa kwarto ko lang, yun dinadasalan ko lagi. It's very spiritual, very religious.” Gerald hasn’t seen or used one yet, but according to him, maybe this project will help him become a believer. But when he was asked what kind of power he would want to have, all he could answer was a love potion. “Kung pwede lang gawin yung 'bumigay ka na... bumigay ka na...” Gerald laughed. (photo by: Allan F. Sancon)

Entertainment Live

3

Posted on : Saturday, June 20, 2009 | By : shapap | In : ,

Entertainment Live: Kim at Gerald, mag-boyfriend na?c/o kristt
Entertainment Live: Kim at Gerald, mag-boyfriend na?c/o MultiLoverKG
Entertainment Live: Kim at Gerald, mag-boyfriend na?c/o discoverer
Entertainment Live: Kim at Gerald, mag-boyfriend na?
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Cinema News

3

Posted on : Saturday, June 20, 2009 | By : shapap | In : ,

CinemaNews: Kim's Thanksgiving Party + StarStudio Magazinec/o MultiLoverKG
CinemaNews: Kim's Thanksgiving Party + StarStudio Magazinec/o discoverer
CinemaNews: Kim's Thanksgiving Party + StarStudio Magazine
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

1

Posted on : Saturday, June 20, 2009 | By : shapap | In :

Is Kim Chiu a constant guest in Gerald Anderson’s house?
Rachelle Siazon ( ABS-CBN Interactive ) 06.20.09
Kim Chiu couldn’t help but feel overwhelmed when StarStudio Magazine threw her a belated birthday cum thanksgiving party last Thursday night, June 18, at The Manor in Eastwood City. Her family and close friends from showbiz were there to celebrate her success as one of the country’s most prized primetime princess. “Una sa lahat, siyempre nagpapasalamat ako sa StarStudio sa pagbibigay nila sa akin ng ganito kalaking party. Sobrang nagpapasalamat ako sa tiwalang binigay nila sa akin. Tribute din daw ito para sa lahat ng naabot ko after three years sa showbiz. Sa StarStudio July issue kinuwento ko lahat lahat yun. Sana kumuha kayo ng copy kasi back-to-back kami ni Gerald (Anderson). Pinakita niya yung bahay niya at ako yung plans sa ipapagawa kong bahay plus mga childhood pictures naming dalawa,” she said in an interview with ABS-CBN reporters.

At 19, Kim has proven to be more adept in handling showbiz intrigues, like her health issues, competition with other female young stars, and even her relationship with onscreen partner Gerald Anderson. “Oo may revelations dito tungkol sa amin ni Gerald, tungkol sa health ko sinagot ko na rin dito (referring to reports that she has anorexia.) Siyempre hindi ko naman mapli-please lahat ng tao kaya meron din akong explanation para sa kanya.” When told that her fitness program seems to be working, Kim shared that she is really working hard on gaining weight. “Talaga o echos lang ‘yan? Siyempre kasi ayoko na ring [mapuna] ng mga tao, parang nakakarindi na.
Kumakain ako ng kumakain kahit hindi ako gustom. Kaya lang ang unang lumalaki yung mukha ko, huli na yung braso at saka legs ko.”

On the relationship front, Kim was still reluctant to commit despite Gerald’s claims that they are already past the “mutual understanding” stage. “Si Gerald talaga! Wala, wala pang umaabot sa punto na oo tayo na.
Kasi parang ang sarap din naman na ganito lang eh. Parang hindi nag-aaway ng kung anong meron kami. ’Di ba kapag kayo na lagi kayong nag-aaway, may selosan, kasi siyempre property kayo ng isa’t isa, parang may ganyan, so ayun. At saka hindi kami masyadong nagkakasama ni Gerald ngayon sa taping kasi sa kabilang unit siya. Umaabot nga ng one week na hindi kami nagkikita kasi iba yung schedule namin,” she explained.

But is it true that she often hangs out at Gerald’s new home every chance she can? “Ay naku! Asawa? May ganon ba?” she laughingly replied. “Napapadalas lang yung party ni Gerald. Parang yun kasi yung gusto niyang environment ng bahay niya. Ewan ko kung bakit lagi siyang nagpa-party. Kaka-house blessing lang niya kaya pumunta kami dun sa bahay niya. Tapos after nung Wowowee Olympics, kahit talo kami nagpa-party pa rin siya sa bahay niya. Ang dami namin doon. Basta laging may party sa bahay nila or salu-salo ng konti. At saka bakit naman ako tatambay dun? At saka wala ring kaming free day ngayong month na ito. Puro sagad sa trabaho kaya wala masyadong time na magsasama-sama,” she stressed.

Nevertheless, Kim admitted that she was thrilled when her dashing Tayong Dalawa co-star surprised her with a bouquet of flowers while she was playing volleyball with her teammates at the recently concluded Wowowee Olympics. “Actually ginawa niya yun nung rehearsal tapos inulit niya lang. Ewan ko kung anong essence nun,” Kim revealed, laughing. “Pero siyempre nakaka-touch din kasi ang daming tao na nakakita. Nahiya nga ako eh. Parang, ‘Uy ‘wag, ‘wag dito,” she happily recalled. When asked what that sweet gesture was for, Kim insisted that it doesn’t necessarily mean that they are more than friends already. “Matagal kasi kaming hindi nagkita. Mga two weeks yata yun kasi nag-shoot ako ng isang something sa Bangkok, tapos nung nagtaping ng Tayong Dalawa, hindi pa rin kami nagkita. Parang sabi niya ‘O para sa ’yo.’ Parang na-miss niya nga daw ako. Alam naman ni Gerald kung anong meron [kami].
Tsaka mabait din si Gerald kasi hindi niya ako pinipilit na sumagot. Sabi niya mag-aantay daw siya chever chever. Tsaka ’di naman namin masyondong pinag-uusapan yung totoong kayo na. So parang cool lang kami,” she beamed.

Article

3

Posted on : Saturday, June 20, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson says he is very loyal to Kim Chiu
Rachelle Siazon ( ABS-CBN Interactive ) 06.20.09
Before the rumor mill could think of far-fetched possibilities why Gerald Anderson had to give Kim Chiu a bouquet of flowers in front of their fellow Kapamilya stars twice last week, he explained that it was just to bring her luck during the Wowowee Olympics. “For good luck sa volleyball game nila kaya lang malas pala kasi natalo din sila, pero kami natalo din naman.” ABS-CBN.com caught up with the actor during the Star Studio Magazine thanksgiving party for Kim Chiu last June 18. Gerald was late for the event and even had to rife his motorcycle to make it to the party. When prodded that the flowers were meant to keep Kim from developing feelings for Jake Cuenca whom she’s spending more time with at the Tayong Dalawa set, the young heartthrob simply shook his head. “Hindi kasi nung nagpra-practice sila [during the week] binigyan ko siya ng flowers. Eh [nagkataong] nandun si Willie (Revillame). Nagustuhan ni Willie [yung gesture ko na yun] so sabi niya, ‘Gawin mo ‘yan sa Sabado’. Pero nung una hindi ko talaga alam na nandun yung mga tao. Akala ko si Kim lang,” he stressed, hoping that their avid fans wouldn’t take it the wrong way.

As for Kim being a frequent visitor to his new home, Gerald did not deny such reports, explaining that it was only when she was helping him pick out furniture and other stuff for his house. “Ha-ha! Wish ko lang [gabi-gabi nga na nandun si Kim]. Hindi naman sa lagi siya dung nakatambay. Ano lang, kapag may time pumupunta siya sa bahay. Dati yun eh. Nung hindi pa kumpleto yung mga gamit ko. Tinutulungan niya ako sa bahay.” He further shared that he is actually looking forward to the day when he could return the favor. “Oo, sasamahan ko siya sa pagbili kasi yun ang ginawa niya para sa akin. Pero hindi ako ang mamimili kasi nga tulad ng sinabi niya panlalaki yung taste ko (laughs). For sure I will buy her something nice pero pag-iisipan ko muna,” he added.

Since they have been known for exchanging extravagant gifts with each other just like what other couples do, why can’t just take their very special friendship to the next level? “Hindi ko alam eh. Ako handa na ako. I’ve been ready for a long time now. Handang-handa na ako na [i-formalize yung relationship namin]. ‘Yun nga lang ayaw ko siyang i-pressure. Masaya kami sa kung anong mayroon kami ngayon. Masaya kami na lagi kaming magkasama. And si Kim 19 pa lang, bata pa siya. So I am giving her time to think kung gusto niya ba talaga. But I’ll be here waiting. Time will tell kung kailan siya magiging ready,” he replied in earnest.

There may be a lot of other pretty girls out there but Gerald further claimed that he only has eyes for Kim. “Oo naman, loyal ako sa kanya. Para naman akong tanga kung hindi kasi ang dami ko nang sinasabi sa kanya. Kung may gagawin naman ako [like yung tumingin sa iba] parang sinira ko lahat yun. And not just because of that. Iniingatan ko rin yung love team namin dahil marami pa kaming gustong gawin na magkasama kami. So I take good care of our love team and of Kim. Kung may hindi man kami pagkasunduan, konting tampuhan lang. Minsan nagseselos din si Kim. Siyempre ako din. Kumbaga 50-50. Pero kung nag-aaway kami? Hindi, walang ganon,” he revealed.

Meantime, Gerald is enjoying his offbeat role in Tayong Dalawa and has actually grown accustomed with his new look. “Maiksi naman ngayon ang hair ko. Marami talagang nanibago, siyempre sanay yung mga tao sa My Girl, sa My Only Hope, ito naman para maiba-iba. At saka hinihingi ng role eh, wala tayong magagawa, kailangan.” How was his experience shooting inside a penitentiary and being locked up in a severe confinement whenever his character JR gets into trouble with the other prisoners? “It’s very hard. Pero nakasama ko yung mga totoong preso dun, talagang they watch Tayong Dalawa, nakakatuwa nga eh. That's also my motivation to work harder,” he finally stated.

Showbiz News Ngayon

1

Posted on : Friday, June 19, 2009 | By : shapap | In : ,

SNN: Gerald Anderson in "Hulihin si... Tiagong Akyat"c/o MultiLoverKG
SNN: Gerald Anderson in "Hulihin si... Tiagong Akyat"c/o discoverer
SNN: Gerald Anderson in "Hulihin si... Tiagong Akyat"
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

TV Patrol World

6

Posted on : Friday, June 19, 2009 | By : shapap | In : ,

TVP: Kim Chiu, bagong prinsesa ng Primetime TVc/o kristt
TVP: Kim Chiu, bagong prinsesa ng Primetime TVc/o MultiLoverKG
TVP: Kim Chiu, bagong prinsesa ng Primetime TVc/o TheMG15
TVP: Kim Chiu, bagong prinsesa ng Primetime TVc/o discoverer
TVP: Kim Chiu, bagong prinsesa ng Primetime TV
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

0

Posted on : Friday, June 19, 2009 | By : shapap | In :

Kimerald fever in Star Studio
( Sunstar Manila ) 06.19.09

YOUTH is the most exciting season in anyone’s life. Thus, StarStudio’s July 2009 issue brings you the hottest young love team today: Kim Chiu and Gerald Anderson.

Packed within 43 glorious pages of a special back-to-back issue, Gerald and Kim embark on a sweet journey down the path before they hit it big via PBB Teen Edition Season 1.

The two stars of TV’s primetime hit series “Tayong Dalawa” also share personal photos from their growing-up years and answer all the questions that their numerous followers have always wanted to ask.

StarStudio also scored another exclusive – this time from Gerald. After months of ligawan, Gerald kept his word. For this issue, Gerald finally agreed to give SSM the first look at his brand new house, a place where – as the feature on it goes - his heart is.

Speaking of new houses, we also have exclusive photos of boxing champ Manny Pacquiao’s P94-million property in - hold your breath - Beverly Hills, California. Truly, Pacman has come a long way from his humble beginnings in GenSan.

Go grab a copy of StarStudio July 2009, available at your favorite bookstores and newsstands nationwide for P85 a copy. (JRDB/Press release/Sunnex)

Showbiz News Ngayon

7

Posted on : Thursday, June 18, 2009 | By : shapap | In : ,

SNN: Kim, laging nakatambay sa bahay ni Gerald?!c/o kristt
SNN: Kim, laging nakatambay sa bahay ni Gerald?!c/o MultiLoverKG
SNN: Kim, laging nakatambay sa bahay ni Gerald?!c/o discoverer
SNN: Kim, laging nakatambay sa bahay ni Gerald?!
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

KIMERALD's Meet and Greet Photos

1

Posted on : Thursday, June 18, 2009 | By : shapap | In : ,

(click on the image to view all the pictures)

Photos c/o teamkapamilya.multiply.com

Showbiz News Ngayon

0

Posted on : Wednesday, June 17, 2009 | By : shapap | In : ,

SNN: Wowowee All-Starsc/o MultiLoverKG
SNN: Wowowee All-Starsc/o discoverer
SNN: Wowowee All-Stars
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk

Article

8

Posted on : Wednesday, June 17, 2009 | By : shapap | In :

See Kim Chiu and Gerald Anderson in person
Rachelle Siazon ( ABS-CBN Interactive ) 06.17.09
Fans of Kim Chiu and Gerald Anderson get a special treat as StarStudio Magazine (SSM) offers 43 pages of the popular team-up in its July issue. Featuring a special double cover, the issue features personal anecdotes of their growing-up years way before they entered show business. Be the first to know some surprising revelations about their much-speculated friendship behind the camera and see the exclusive photos of Gerald’s brand new three-storey house in a posh residential area in Quezon City.

The first 150 SSM readers to buy a copy of this issue can get the chance to be up close and personal with Kim and Gerald during their autograph-signing tomorrow, June 18, at Eastwood Central Plaza (one magazine per person). Anyone who will purchase StarStudio magazine at the venue may win an autographed portrait of Kim and other surprise prizes.

Grab a copy of StarStudio July issue to also check out boxing champ Manny Pacquiao’s 94-million peso mansion in Beverly Hills, California. Available at bookstores and newsstands nationwide.

Article

8

Posted on : Tuesday, June 16, 2009 | By : shapap | In :

Love Compatibility: Kim Chiu and Gerald Anderson
– Sila na ba talagang dalawa?

Jerome Caraballa ( Pinoy Parazzi ) 06.16.09

Real Name: Kimberly Sue Yap Chiu

Screen Name: Kim Chiu

Birthday: April 19, 1990

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Strengths: Adventurous, Energetic, Courageous, Confident

Weaknesses: Self-centered, Short-tempered, Impulsive, Impatient


Real Name: Gerald Randolph Anderson, Jr.

Screen Name: Gerald Anderson

Birthday: March 7, 1989

Zodiac Sign: Pisces

Symbol: The Fish

Ruling Planet: Neptune

Quality: Mutable

Element: Water

Strengths: Intuitive, Empathetic, Not interested in material things, Has a sharp memory

Weaknesses: Emotional and sensitive, Prone to wistfulness, Has mood swings, Inflexible

Hindi natin maipagkakaila na solid na solid ang tambalang Kim Chiu at Gerlad Anderson. Unang-una, hindi sila tatawaging Kimerald kung hindi naniniwala ang mga fans nila na mahina ang kanilang loveteam. Pangalawa, patunay na malakas nga ang kanilang impact sa mga tao dahil simula noong lumabas ang dalawa sa Pinoy Big Brother Teen Edition, sila na ang laging magkapareha mula sa pelikula, hanggang sa mga TV series.

Pero hanggang saan ang kanilang on-screen lovelife? Porke’t inamin ba nila na mutual (as in mutual understanding!) ang nararamdaman nila sa isa’t isa ay panghabambuhay na sila? Wala naman sigurong masama kung itatanong natin sa mga stars ang tunay na mangyayari sa pagsasama nila at kung totoo ngang forever na ang Kimerald tandem!

Ayon sa kanilang mga zodiac, si Kim ay isang Aries at si Gerald ay isang Pisces. Base sa kanilang love compatibility, hindi daw masyadong maganda ang kanilang tambalan at may posibilidad pang maghiwalay sila. Ito ay sa dahilan na ang mga Pisces daw ay masyadong sensitibo sa kanilang nararamdaman. Hindi katulad ng Aries na prangka sa kanilang saloobin, magkakaroon ng kaunting pagsasalungat ng kanilang ugali. At isa pa, matagal mag-isip ang mga Pisces dahil tinitimbang muna nila ang lahat ng mga bagay bago gumawa ng bagay. Samantalang ang mga Aries, kung may kailangang gawin, mas mabilis pa sa alas-kuwatro, instant ang kanilang mga desisyon.

Ngunit kahit na magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali, hindi ibig sabihin na hindi magkakasundo ang mga Aries at Pisces. Ang pinakamainan na dapat nilang gawin ay pag-usapan ang kanilang pagkakaiba at ayusin ang dapat nilang ayusin. Sa totoo lang, romantiko at mapagmahal ang dalawang ito. Lalo na kapag sila ay nasa kama na, walang makakapigil sa pagiging agresibo ni Aries at tiyak naman na magugustuhan ito ng Pisces. Hindi malayong magiging mahusay ang kanilang buhay mag-asawa lalo na kung malalagpasan nila ang mga pagsubok.

ASAP 09

19

Posted on : Sunday, June 14, 2009 | By : shapap | In : ,

ASAP 09 The Wedding , Hostingc/o kristt
ASAP 09 1 , 2 , 3 c/o discoverer
ASAP 09
Download this Episode
© K.I.M.E.R.A.L.D www.kimerald.tk
[ click on the image for bigger resolution ][ SCs c/o kristt ]