Article

9

Posted on : Tuesday, June 23, 2009 | By : shapap | In :

Ayaw sa agimat: Gerald gayuma sa babae ang gusto!
Veronica R. Samio ( PhilStar ) 06.23.09
Dalawang taong pinag-usapan ng ABS-CBN at ng pamilya Bautista (o Revilla) na kinatawan ng magkapatid na Rowena at Andrea, ang pina­kabagong proyekto na magsasalin sa telebisyon ng apat sa mga pelikulang tinampukan, prinodyus at dinirek ni Ramon Revilla, Sr.

Ito ang mga istorya ng Elias Paniki, Tonyong Bayawak, Tiagong Akyat at Pepeng Agimat, mga adventure series na nagbigay ng ’di mapa­pantayang kasi­ka­­tan sa sinasabing talagang nag­tataglay ng anting-anting, ang dating senador na ama ni Bong Revilla.

Apat na hinahangaan at pinakasikat na aktor ng kanilang henerasyon ang gaganap sa mga istorya: Gerald Anderson (Tiagong Akyat), Jake Cuenca (Elias Paniki), Coco Martin (Tonyong Bayawak), at Jolo Revilla (Pepeng Agimat). Sila ang apat na kabataang lalaki na mag-iiba ang buhay sa oras na mabigyan ng isang diwata ng kapangyarihan sa pamamagitan ng mga kwentong ihahatid ng Agimat.

Sa apat, pinaka-pressured si Jolo dahil sinabihan siya ng kanyang amang si Sen. Bong na dapat galingan niya para hindi mapahiya ang lahi nila. Nasa Kapa­milya network ngayon si Jolo kahit kasalukuyan pang ipinalalabas ang seryeng Totoy Bato sa GMA 7 na kasama siya sa cast.

Katwiran niya, hindi siya nakatali sa isang kontrata sa Kapuso network kaya malaya siyang tumanggap ng proyekto sa alin mang istasyon ng TV sa bansa. Isa pa, ipinakiusap siya ng tiyahin niyang si Andrea na makasama sa serye para makumpleto ang tatlong henerasyon ng Revilla na mabibigyan ng Agimat.

Bukod kay Jolo, isa pa ring Revilla (Bautista), ang kasali sa Agimat, ang tiyuhin niya at isa ring mahusay na direktor ng pelikula na si Marlon Bautista bilang creative consultant.

Bagama’t isa ring popular na karakter at pelikula ang Nardong Putik, na binigyang buhay ni Ramon Revilla, Jr. sa kanyang peli­ku­la, hindi na ito isinali sa pilian dahil totoo ang istorya niya at baka tumutol ang pamilya niya na gawing serye ang buhay niya sa TV.

Pare-parehong naniniwala sa agimat ang apat na aktor na gaganap sa serye. Si Jake, may tatlong agimat sa kwarto niya na dinadasalan niya. Parehong ang Diyos naman ang tinuturing na mga agimat nina Coco at Jolo.

Wala namang agimat si Gerald pero gusto niya ng love potion (gayuma) dahil may kaunting problema siya sa kanyang lovelife.

May sari-sarili rin silang gustong makapareha. Si Jolo, sina Lovi Poe, Shaina Magdayao at Maja Salvador; si Coco, sina Ales­sandra de Rossi at Maja Salvador; si Gerald sina Kim Chiu, Bea Alonzo at Erich Gon­zales; at si Jake, sina Roxanne Guinoo, Melissa Ricks at Bea Alonzo.

Comments (9)

Bakit may tatlo pang pagpipilian si Gerald?? Si Kim, Bea at Erich.. Sana si Kim na lang..

i think the way the question went was; give 3 names of local female stars that you want to be paired with? so yan siguro binigay nya. pero si kim pa rin una. indicating that he wants kim first and foremost. :-) (just my opinion).

hnd nman nya cnabing gus2 nya c bea at erich! c jake ang nagsabe nun! well kimerald pren sana! para san pa ang 3 consecutive year na love team of the year kung ibe`break lng toh! kimerald! react nman jan!

Gerald, you said KIM will understand you, Maybe the role is not really good for her. TO Mr. M, please find a good project for KIM,palagi naman kami sumusuporta sa kanya kahit hindi na si GERALD ang partner niya anyway kung walang manood at walang ratings ang "AGIMAT" 3 months for a season is very long, kasi paano kung walang ratings. To all the " KIMERALD" suportahan natin ang mga projects ni KIM kahit mag-isa na siya. Mabait at very humble siya. Don't forget sa PBB Teen edition siya ang naging no. 1 dahil sa support natin. If they separate KIM from GERALD maybe ayaw ng producer kumita.

GERALD, Ikaw ba ang umayaw kay KIM ? we want to know bakit ganon? were surprised since from the beginning your tandem, everytime we are here to support all your projects pag magkasama kayo. Sayang kung wala si KIM di na KAMI MANOOD dahil it will not make us happy. That's why we watch TD since we want to relax and we want to see both of you pero pag wala si KIM, huwag na lang. Good luck for both of you. We will see kung paghiwalayin kayo sino ang sisikat. Basta kami kay KIM pa rin.

gerald,bkit ganun?akala q ba,'who else could there be who's better than her?'sabi mo yan sa starstudio mag july issue.tpos ano tong lmlabas na issue tungkol sa partner mo sa agimat?bkit klangan png may pgpplian,eh anjan na c kim. kng hnd rin lng c kim ang mgging partner mo sa agimat,wag nyo nlang yang i2loy!4 wat good is that,kng kming mga viewers ay hnd nasi2yahan sa pnapanood nmn?kmkita kau dhil sa mga viewers,kaya dpat lng na bgyan nyo kmi ng satisfaction sa pnapanood nmin!kimerald fans,lalaban tayo!gs2 nla ng gulo,cge,ipkita ntin kng gano kpowerful ang mga fans!

gerald,nw2lan yata kmi ng gana sau!kala q ba,"who else could there be who's better than her?"tpos ano 2ng mga issue nato 2ngkol sa mgging partner mo sa agimat?kng hnd rin lng c kim ang mgging partner mo,wag nlang yang i2loy!4 wat good is that,kng kming mga viewers ay hnd ngggs2han ang pnapnood nmn?kmikita kayo dhil sa mga viewers,kaya dpat lng na masatisfy kmi sa mga pnonoorin nmn.gus2 nyo ng laban,cge!kimeralds,ipkita ntin kng gano kpwerful ang mga fans!

i think its much better na nga lang mag solo si kim.. suportahan kita than gerald! go go go!!!

yung team-up ng kimerald,pa2loy na sinusuportahan ng mga tao.kng bbigyan cla ng kni-knilang project na hnd ksama ang isa't isa,well abs-cbn,4 sure,bbagsak ang ratings nyo lalo na ang agimat na yan.isipin nyo rin nmn an mga tao,bago kayo mag-eksperimento!

Post a Comment