Article

1

Posted on : Monday, June 01, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu, ayaw humiwalay kay Gerald Anderson!
Rey Pumaloy ( Abante Online ) 06.01.09

Dahil sa tagumpay ng Tayong Dalawa, Primetime Princess na ang bansag kay Kim Chiu, at magkaribal naman sina Gerald Anderson at Jake Cuenca sa titulong Primetime Prince.

“Nagulat nga ako dahil ‘yun ang tawag sa akin. Hindi ako makapaniwala sa title na binigay nila sa akin. Siyempre, wala naman akong puwedeng sabihin kundi ‘thank you’ sa management ng ABS at sa mga kasama ko sa show, pati sa mga taong sumusu­baybay sa amin,” masa­yang kuwento ni Kim.

“Ang dami namang magagaling sa ABS. Lahat naman nag-i-effort. ‘Yung mga shows naman nila nagri-rate. Kaya gulat na gulat ako nu’ng tawagin nila akong Primetime Princess. Lalo tuloy akong kinaba­han,” dugtong pa ni Kim.

Anyway, dahil sa tagumpay ng Tayong Dala­wa, mas lalo raw lumabo ang tsismis na paghihiwalayin na sina Kim at Gerald.

“Kahit po kami ni Ge­rald, hangga’t maaari
ayaw muna naming maghiwalay. Kasi kawawa naman ‘yung mga Kime­rald fans. Baka magtampo o malungkot sila.

“Pero, ang management lang naman ang nakakaalam kung ano ang ma­kabubuti para sa amin,” sabi pa ni Kim.

Hiling ni Kim nga­yon na gawing pelikula ang Tayong Dalawa.
Dahil pa rin sa tagum­pay ng Tayong Dalawa, lalong nawalan ng panahon si Kim sa love life.

“Naku, ‘yang love life-love life na ‘yan, huwag muna! Marami pa namang time para diyan. At saka, nandiyan naman si Gerald, eh!” say lang ni Kim.

***

Siyanga pala, tinanong din namin ang cast ng Ta­yong Dalawa, kung ano ang pinaka-memorable na eksenang ginawa nila, na habang nabubuhay sila ay hindi nila malilimutan.

ANITA LINDA: “Mahirap sa akin ang sasabunutan si Kim. Sasampalin ko siya. Sisipain. Ayaw ko siyang saktan. Pero ayaw pumayag ni direk na hindi ko gawin ‘yon!”

HELEN GAMBOA: “Parang lahat mahirap, lahat maganda. Pinagbuhusan lahat ng panahon. When you watch it on TV, parang madali ‘yung mga eksena pero talagang mahirap ‘yon. Unang-una sa akin ‘yung pagtataray ko. First taping pa lang namin, in-advice na ako ni Deo (Endrinal) na mas mataray pa raw. Hindi naman kasi ako ganun. But I’m glad na nagagawa ko ‘yung cha­racter ko!”

GINA PARENO: “Kapag ang kaeksena ko ay si Ms. Helen Gamboa, hirap na hirap ako, dahil mahal na mahal ko siyang kaibigan at vibes na vibes kami. Hirap na hirap akong itulak siya sa swimming pool. Hirap na hirap ako pag may eksena ka­ming awayan. Kaya nga pag cut na, nagsu-sorry kami sa isa’t isa at nagyayakapan!”

AGOT ISIDRO
: “Tama si mommy (Helen Gamboa). Lahat mahirap, walang madaling eksena. ‘Yung mga eksena namin ni mommy at ni Dave (Jake) mahirap. ‘Yung mga eksena namin ni Cherry Pie, ‘yung mga away namin hindi madali ‘yon.”

JAKE CUENCA: “Mahirap lahat. Kailangang isipin. Kapag family ang eksena, mahirap para sa akin. May mga eksena ako na talagang nag-breakdown ako at nagtuloy-tuloy ang breakdown ko.”

GERALD ANDERSON: “Lahat ng mga scenes na kasama ko sila are all hard. Alam ni Coco (Martin) ‘yan na pinag-aaralan ko talaga lahat ng lines ko. May hawak akong script, nasa tabi lang ako, talking to myself.”

CHERRY PIE PICACHE: “Totoong walang madaling eksena lalo na sa character ko na lagi akong iyak nang iyak. Pero ang favorite scene ko ay ‘yung revelation na buhay pala ang anak ko. Tapos nakilala ko ang anak ko na pinalaki ng ibang nanay.”

ALESSANDRA DE ROSSI: “Wala akong maisip! Lahat memorable. Wala namang patapon na eksena. ‘Yung love scene lang namin (Coco Martin),hindi memorable sa akin. Gusto ko siyang ibaon sa limot! Ha! Ha! Ha! Ha!”

COCO MARTIN: “‘Yung confrontation scene namin ni Jake na talagang akala mo totoo. Akala nga nila nag-aaway na talaga kami. May isang scene na binugbog ako nasu­gatan ako sa mukha ko. Tapos nu’ng afternoon naman, binugbog naman ako ni Jake. Ang malas ko naman,

isang buong araw akong nabugbog. Nagtataka lang ako kung bakit ako naging kontrabida, samantalang ang liit-liit ko, tapos ang amo-amo ng mukha ko. He! He! He! He!”

Comments (1)

kim,dapat lang na hindi matutuloy ang hiwalayan,thanks god.dapat gawin nyo yong teleserye na ang pamagat ay[MINSAN LANG KITANG IIBIGIN].TIYAK NA MAGING NUMBER ONE NA NAMAN KAYO at malaki ang ratings ng ABS-CBN pag nagkataon.bye and good luck to make more projects with gerald,i love you both.

Post a Comment