Article

1

Posted on : Sunday, June 07, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu spends too much time at Gerald’s new house?
Eddie Littlefield ( Pinoy Parazzi ) 06.07.09
Pawang papuri ngayon ang natatanggap ni Kim Chiu dahil sa madamdamin niyang pagganap sa Tayong Dalawa with Jake Cuenca at Gerald Anderson. Pinatunayan ng Primetime Princess na puwede siyang maging dramatic actress ng bagong henerasyon. Hindi rin siya nagpahuli sa husay at galing sa pag-arte nina Jodi Sta. Maria, Alessandra De Rossi, Coco Martin at Jiro Manio.

Kung naging epektibo ang papel ni Kim sa nasabing soap, ‘yun ay sa mga karanasang pinagdaanan niya sa buhay. Bukod sa top rating show ang Tayong Dalawa, ipalalabas pa ito sa Asia.

“Ang sarap ng feeling kasi dalawang teleserye ko na ang mapapanood sa ibang bansa. After Sana Maulit Muli, pupunta na naman sa Asia itong soap namin. Baka pagpunta ko roon, maraming magbigay sa akin ng regalo. Charing!” Pabirong sambit ni Kim.

Alam natin may mutual understanding na sina Kim at Gerald. “Minsan lang kami nagkikita ni Gerald, kasi nasa Unit 2 siya, ako naman nasa Unit 1, parang hiwalay ‘yung lugar namin. Nasa Parañaque ako, nasa The Fort siya, ganu’n. Minsan lang kaming nagkakasama kaya nakaka-miss din siya,” pa-sweet na wika ni Kim.

Kahit hindi nagkikita ang dalawa madalas naman tumawag si Gerald kay Kim para kamustahin ito. Nakailang ulit na palang pumasyal ang dalaga sa bagong bahay ng binata kasama sina Direk Ruel Bayani, Direk Trina Dayrit at ibang cast.

“Yung refrigerator ang ibinigay ko sa kanya. Maarte ‘yun, gusto niya, siya lang ang maglalagay na kahit ano sa bahay niya. Gusto niya siya lang, kahit mommy niya, ayaw niya. Kung ano ‘yung gusto niya, ‘yun ang nilalagay niya sa house niya. Pero ‘yung extra-extrang upuan, pinapipili niya ako, pipiliin ko bibilhin niya,” say ni Kim.

Nang unang makipag-kissing scene si Kim kay Jake Cuenca atubili siya, parang naiilang sa eksenang kukunan. “‘Yun nga, napagalitan ako dahil sa kanya, kasi nakakahiya. Parang hindi pa nga tayo magkakilala maghahalikan na tayo. Parang hindi naman ako ‘yun, ginawa ko na lang para sa show. ‘Yung past si Gerald, ‘yung ngayon si Jake.”

Nag-react pala ang pamilya ni Kim nang mapanood ang kissing scene nila ni Jake. “‘Yung ate ko at saka ‘yung lola ko. Sabi nila, ikaw ha?! Nakikipag-kissing scene ka ng marami kay Jake, ganyan, ganyan, ‘yun. Sabi ko, kailangan kasi sa eksena kaya ginawa ko.”

Mga eksena nila ni Gerald na nakatatak sa isipan niya?’Yung kay Gerald siguro ‘yung sinasaktan ko siya,sinasampal ko siya. Kasi hindi na normal sa lagi naming ginagawa. Lagi kasi naming ginagawa, pa-sweet, ganyan, ganyan. Parang lagi ko siyang sinasaktan, sinusuntok, pinaparusahan, pinagsasalitaan ng masama.”

Sa set nga raw alagang-alaga si Kim nina Gerald at Jake. Wala ngang itulak-kabigin ang dalaga sa kanilang dalawa. “Pareho naman silang inaalagaan ako, pareho naman nilang inaalagan ‘yung lips ko. Charing! Hahaha!” Nakakaaliw na sabi ni Kim.

Masarap bang humalik si Gerald? “Ah… hindi ko naman tinitikman kasi hindi naman lumalabas ‘yung dila ko. Hindi ko alam kung ano ‘yung lasa. Kini-kiss lang nila ako, hindi ko naman nilalabas ‘yung laway para tikman. Kay Jake, mga lima ‘yata ‘yung kissing scenes namin, iba’t ibang shot lang.” Bigla kaming natawa sa naging pahayag ni Kim Chiu.

Comments (1)

so what if kim make babad sa house nang babe gerald nya,,whats wrong with that???sus???inggit lang kayo,,,why gus2 nyo kayo magbabaad sa house ni gerald??at least si babe kimmy nya ang nasa house nya not iba...mga inggitero talaga dyos ko.dont listen to them kimerald.

Post a Comment