Article

0

Posted on : Tuesday, June 30, 2009 | By : shapap | In :

( Abante Online ) 06.30.09

Kung awards din lang ang pag-uusapan, hindi naman pahuhuli riyan sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Katunayan, naka-strike 3 na sila bilang pinakamainit na love team ngayon.

Sila nga ang nagwagi bilang Most Popular Love Team for Movies and TV ng Box Office Entertainment awards na inorganisa ng the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Hindi lang sa award humahataw ngayon sina Kim at Gerald. Pati nga sa pagtangkilik ng mga manonood ay bonggang-bongga rin sila.

Aba, waging-wagi sa ratings ang Tayong Dalawa nila sa ABS CBN.

“Mas marami pa silang dapat abangan sa Tayong Dalawa, dahil mas maiinit pa ang mga ginawa naming mga eksena,” sabi ni Kim.

Comments (0)

Post a Comment