Article

2

Posted on : Thursday, June 25, 2009 | By : shapap | In :

Kim ‘di totoong nagbababad sa bagong bahay ni Gerald
Chan-Chan Torres ( Journal Online ) 06.25.09

Iniintriga ngayon si Kim Chiu tungkol sa madalas umanong pagbababad niya sa bagong bahay ni Gerald Anderson.

Lagi raw kasing nakikita roon ang dalaga.

Siyempre, unfair naman ito kay Kim, na agad itinuwid ang malisyosong balita.

Ayon kay Kim totoong nagpupunta siya sa bahay ni Gerald pero dahil iniimbitahan daw siya ng pamilya ng ka-loveteam.

Pumupunta raw si Kim ‘pag may handaan, tulad ng ng house blessing at ’pag may gathering of friends sa bahay ng binata.

Wala naman kasing masama kung magpunta si Kim sa bahay ni Gerald, dahil magka-loveteam naman sila.

Kahit pa hindi niya aminin nang deretsahan, may espesyal ding namamagitan sa kanila ni Gerald.

Noong huli naming makausap si Kim, ayaw niyang lagyan ng label ang relasyon nila ni Gerald.

Para sa dalaga, masaya siya na kasama ang binata kahit hindi pa selyado ang kanilang relasyon, as in no commitment.

Sa tanong kung puwede pang manligaw si Gerald ng ibang girls kahit nakikita silang madalas na magkasama on and off screen?

“Nasa sa kanya naman po ‘yun, eh.”

No doubt na no. 1 ang tambalang Kim at Gerald, patunay nito ang mataas na rating ng kanilang teleserye.

Sa puso kaya ni Gerald, number one rin si Kim?

Comments (2)

Siempre, no.1 si Kim. How many times na sinasabi ni Gerald na faithful siya kay Kim dahil siya lang ang babae para sa kanya and I know Kim knows that.What they have is so rare and special.BIhira sa loveteam ang ganito ang pagpapahalaga sa isa't isa.Makikita nang lahat kahit hindi sila magsalita. Gerald is so protective of Kim and vice versa ang alala ni Kim. For us fans they don't have to say/shout it coz we can feel it too. Kimerald forever.....

Basta we all support you Kim and Gerald. You guys are so great. Kayo na talaga ang no. 1.

Post a Comment