Article

0

Posted on : Tuesday, June 02, 2009 | By : shapap | In :

Kim can’t tell who is the better kisser between Jake and Gerald
Napoleon Quintos ( ABS-CBN Interactive ) 06.02.09
Patuloy na nangunguna sa nationwide ratings ang ABS-CBN teleseryeng Tayong Dalawa. Bukod sa mga magagandang eksena at award-winning na mga artista ay higit na pinag-uusapan ang love triangle nina Gerald Anderson, Kim Chiu, at Jake Cuenca. Sa thanksgiving press conference ng Tayong Dalawa noong May 29 ay tinanong ng ABS-CBN.com si Kim kung sa tunay na buhay ba ay naranasan na niyang pag-agawan ng dalawang binatang kasing gwapo nina Gerald at Jake. “Wala pa nga e (laughs). Ang haba ng buhok ko. Minsan nga parang gusto kong ako na lang si Audrey for life. Pero syempre hindi naman mangyayari ‘yun.”

Sa story ng Tayong Dalawa ay mas naunang naging boyfriend ni Kim si Jake, kaya mas naunang nagkaroon ng kissing scene si Kim dito kaysa kay Gerald. Pero si Gerald pa rin ang unang nakahalikan on screen ni Kim dahil bilang magka-love team ay ilang shows na ang kanilang pinagtambalan. Natawa na lang si Kim nang tanungin siya ng ABS-CBN.com kung sino para sa kanya ang better kisser, si Gerald ba o si Jake? “Aaayyyy! (laughs). Hindi ko alam ang taste [ng lips nila], ayoko. Hindi ko naman tinitikman kasi hindi ko naman nilalabas ‘yung dila ko (laughs). Nilalabas ko lang ‘yung lips ko tapos sila na ‘yung ki-kiss sa akin (laughs),” sagot ng teen actress.

Pero dahil marami na silang ginawang kissing scenes sa mga dati nilang TV dramas ay mukhang mas lamang kay Kim si Gerald kay Jake. “Nag-kiss na kami ni Gerald dati sa Sana Maulit Muli at sa My Girl. Si Gerald talaga ang first kissing scene ko. Kaya unforgettable nung nakipaghalikan ako kay Jake kasi hindi pa nga kami gaanong magkakilala tapos magki-kiss na kami. Mas nauna pa ‘yung kiss ko sa kanya kaysa kay Gerald. Pero ginawa ko na rin para sa show. Kay Jake naka-limang take ‘ata ‘yung kiss namin kasi iba-ibang angle dapat.” Kuwento naman ni Kim ay thankful siya dahil parehong maalaga ang dalawang young actors tuwing may kissing scene siya sa isa sa kanila. “Pareho naman nila akong inaalagaan. Pareho din nilang inaalagaan ‘yung lips ko, charing!”

Nagulat ang maraming manonood ng Tayong Dalawa nang biglang nagpakasal ang character ni Kim na si Audrey sa character ni Jake na si Dave. Matapos manganib ang buhay, malalaman ng character ni Gerald na si JR na wala na pala ang kanyang minamahal. Dahil na rin sa story na ito ay mas madalas na kasama ni Kim sa taping si Jake kaysa kay Gerald. “Ngayon kasi sa taping hindi na kami madalas magkasama kasi nga sa story kasal na ako kay Jake. Si Jake talaga ang kasama ko, si Gerald minsan ko na lang makita kasi nga magkaiba kami ng unit. Nakaka-miss din si Gerald pero special friends talaga kami.”

Dahil na rin sa tagumpay ng Tayong Dalawa ay may mga TV networks sa ilang kalapit na Asian countries ang nagpapahiwatig sa ABS-CBN ng kanilang interes na ipalabas ng locally dubbed version ng Tayong Dalawa sa kani-kanilang bansa. Ilang teleserye na rin ng ABS-CBN ang naipalabas na sa ibang bansa tulad ng Sana Maulit Muli nina Kim at Gerald na sumikat nang husto sa Taiwan. Lubos ang kasiyahan ni Kim na maaaring muli na naman siyang mapanood sa ibang bansa dahil sa Tayong Dalawa. Pero kung aalukin siya ng acting project sa ibang bansa ay malabong tanggapin ito ni Kim dahil mas gusto pa rin niya magtrabaho sa Pilipinas at malapit sa kanyang mga Filipino fans. “Natatakot ako. Mahal ko pa rin ang mgaPilipinong sumusuporta sa akin. Siyempre hindi ko iiwan ang ABS-CBN kasi sila ang nagbigay ng break sa akin.”
www.kimerald.co.nr

Comments (0)

Post a Comment