Article

0

Posted on : Monday, June 29, 2009 | By : shapap | In :

Vinia Vivar ( Journal Online ) 06.29.09

Hindi lang si Sarah ang nagniningning sa nakaraang GMMSF Box Office Entertainment Award kungdi maging si Kim Chiu. Kasama ang kanyang kaparehang si Gerald Anderson, tumanggap ang magka-loveteam ng Most Popular Love Team for Movies and TV na tatlong taon na rin nilang nasusungkit.

Tatlong taon na rin sa showbiz ang magkapareha. Matapos sumali sa PBB Teen Edition at magwagi si Kim, naging magka-loveteam na ang dalawa na tinangkilik agad ng mga tao.

Sa bawat taon ay mas nadadagdagan ang popularidad ng magkapareha kaya naman taon-taon ay sila ang nahihirang ng Guillermo para sa nasabing award.

Ngayon ay mas lalo pang naging mainit ang dalawa sa tambalan nila sa Tayong Dalawa dahil as we all know, kasalukuyan itong umaani ng napakataas na ratings.

Samantala, last week sa Tayong Dalawa ay nakatakas na nga si JR (Gerald) sa kulungan at sumama sa mga rebelde. Nagkaroon ng insidente na nagkita sila ni Ramon at dito nakumpirma ni JR na totoo palang nagbebenta ng baril ang kapatid.

Sa kabilang dako, wala pa ring tigil si Ingrid (Agot Isidro) sa pagplano ng masama. Gagawa ng paraan si Ingrid para magpakita at lumabas si JR. Idadawit ni Ingrid si Audrey (Kim Chiu) sa kanyang masamang plano .

Kung ano ang planong ’yun, abangan this week sa Tayong Dalawa.

Comments (0)

Post a Comment