Article

5

Posted on : Thursday, June 25, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson and Kim Chiu, gumigimik nga lang ba?
Ivan Cruz ( ABS-CBN Interactive ) 06.25.09
Hindi na mapigilan ang pagsikat nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Sa ikatlong pagkakataon, ginawaran ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. ng parangal na Most Popular Loveteam of Movies and Television sina Kim at Gerald. Tuloy-tuloy din ang pagtaas ng ratings ng kanilang show sa Primetime Bida na Tayong Dalawa sa Metro Manila man o Nationwide.

Kasabay nito, hindi rin mapigilan ang mga detractors nila at sinasabing gimik lamang daw ang lahat ng ito. Nakausap ng ABS-CBN.com si Gerald sa pictorial ng kanyang bagong show na Agimat at nilinaw niya ang mga issues. Kamakailan kasi ay ni-reveal ni Willie Revillame sa noontime show niyang Wowowee na nasaksihan niya mismo ang pagbibigay ng flowers ng binata kay Kim sa Wowoweelympics na ginanap sa Araneta Coliseum. Nasulat na 'orchestrated' at 'rehearsed' daw ang pangyayaring ito. 'Nung nagpapraktis pa lang sila Kim, nagdala ako ng flowers. Galing kasi si Kim sa Bangkok at tatlong araw na kaming hindi nagkikita. Hindi ko alam na naduon pala si Willie. Tapos, nakiusap sa kin si Willie lumapit siya sa akin sabi niya can you do this sa Wowoweelympics? so ayun', paliwanag ni Gerald.

Ang mga Kimerald (tawag sa mga tagahanga nina Kim at Gerald) naman, na-aalarma na at patuloy ang mga tanong sa kanilang websites kung magsasama ba muli sila sa susunod na project ni Gerald na Agimat...Mga Alamat ni Ramon Revilla. Gaganap si Gerald bilang 'Tiyagong Akyat', isang siga na may angking liksi at tapang na papasahan ng agimat kaya't magiging 'bullet proof' at 'knife proof'. 'Gusto ko sana si Kim talaga ang leading lady ko dito.Siguro if hindi bagay yung role kay Kim or if its not for Kim, tatanggapin ko na lang and I'll still do my best,' hiling ni Gerald. Ngunit niliwanag ni Gerald na hanggang ngayon ay wala pang definite na gaganap na leading lady niya para sa serye. Handa na nga ba siyang maghiwalay sila ni Kim sa trabaho? 'Well see excited din ako pero in a way nakakalungkot kasi sa taping hindi ko makakasama si Kim. I am sure Kim's gonna do something na mag-isa lang siya o may ibang kasama' Gusto ko sana mas marami pa kaming projects na magkasama kami', sagot ni Gerald.

Sa isyu naman na hindi raw talaga sila mag-m.u. at gumigimik lang, eto na lang ang nasabi ni Gerald,'You guys believe it or not, it's up to you.'

Comments (5)

di na baling di sila mag M.U.-basta ako,kami,sila,tayong lahat always kimerald palage'go go go kimerald'.

Hay naku ano ba naman itong mahihilig mag-intriga no? Ewan ko kung bulag kayo o walang pakiramdam. Action speaks louder than words. They do not have to say anything. We fans around the world could see and feel kung ano talaga sila.They are doing the right thing kasi pag inamin dios mio panay intriga tapos gustong paghiwalayin. So Kim and Gerald alam namin na mahal nyo ang isat't isa kaya sige lang sa mga gustong aswangin ang loveteam ninyo. Yours is proven at matatag. Just be in love forever and that will be our fondest hope . We love you to death, sobra!!!

whoever wrote this article about gumigimik lang si Kim, and Gerald is so damn stupid incldg the source. they wrote that Kim and Gerald rehearsed this giving of flowers. Are they crazy that they'll be rehearsing in running around to give the flowers. Gerald said that Willie asked him to give flowers to Kim bec. he saw Gerald that he was giving flowers to Kim when she was practicing volleyball. This doesn't mean that they're gumimik during the olympics. Mr. writer your brain is so distorted. You just want to make money out of it by being stupid.

KIMERALD TANDEM ARE THE BEST OF ALL THE BEST!

dedmahin nyu nalang yang mga wlang mgawa sa buhay

Post a Comment