Article

0

Posted on : Monday, June 01, 2009 | By : shapap | In :

Fans umaalma sa nalalapit na ‘paghihiwalay’ nina Kim at Gerald
Chan-Chan Torres ( Journal Online ) 06.01.09

Nagkaroon ng ‘pa-sasalamat’ ang cast and staff ng Tayong Dalawa last Friday night kung sa-an dumalo ang main stars ng teleserye.

Nakausap namin si Kim Chiu that night at nag-reminisce ang dalaga sa lahat ng hirap at pa-god na pinagdaanan niya para mapaganda ang ba-wat pagganap sa karakter niya bilang Audrey. Sabi ni Kim, dahil sa mainit na pagtanggap ng mano-nood sa programa, sulit ang luha at sakit ng kata-wang kanyang inabot sa kanilang tapings.

Sinagot din ni Kim ang patuloy na intriga sa kani-la ni Gerald na diumano’y ipapareha na ang aktor kay Sarah Geronimo. Dahil sa chikang ito, hayun, nagkaroon ng iba’t ibang opinyon ang fans, at hindi rin maganda ang reak-syon ng mga ito sa posi-bilidad na hindi muna magsasama for a while si-na Kim at Gerald. In fact, nagkaroon ng violent reaction ang mga fans.

“Wala pa pong sinasabi sa amin na ipapareha si Gerald kay Sarah, o sa susunod na project ay hindi na kami mag-kasama. Wala pa naman sinasabing ganu’n. Pero kung ako ang tatanu-ngin, gusto ko matagal pa ang pagsasamahan na-min ni Gerald. Sana, ma-kagawa rin kami ng peli-kula.”

Matagal-tagal na rin ang pinagsamahan nina Kim at Gerald. Sa PBB house sila nagsimula, kung ating maaalaala bilang teen housemates. Para na nga silang mag-kasintahan sa tamis ng kanilang samahan sa loob ng Bahay ni Kuya. Mula roon, marami nang sumu-porta sa tandem nina Kim at Gerald. Pero, to this day, wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawa kung magnobyo na sila o hindi pa. Kumusta na nga ba sila ngayon ni Gerald?

“Hindi na nga po ka-mi masyadong nagkikita ni Gerald. Kasi bihi-ra na lang kaming mag-kasama sa eksena. Iba ang unit namin. Pero last week, inilipat ako sa unit nila, so nagkaroon kami ng time na magkasama ulit. May time din naman na kasama ko siya, pero minsan lang ‘yon,” kuwento ni Kim na nami-miss si Gerald.

Tinanong din si Kim na pinapipili siya kung si-no sa dalawang David Garcia ang kanyang paka-kasalan sa Tayong Dalawa, sa totoong buhay na-man sino kina Jake at Ge-rald ang pipiliin niyang pakasalan sakaling mag-katotoo sa tunay na buhay ang pagiging magka-ribal ng dalawa?

“Mahirap yata ‘yan. Wala po akong pipiliin. Puwede bang magmadre na lang?”

Comments (0)

Post a Comment