Article

0

Posted on : Sunday, June 28, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu, hangad ang award!
( Abante Online ) 06.28.09

Isang thanksgivin­g party ang handog ng StarStudio Magazine kay Kim Chiu, na ginanap sa The Manor Superclub, Pasig City.

Sabi ni Kim, marami siyang dapat na ipagpa­salamat sa kanyang mga fans dahil naging in-demand ang kanyang career. Pink at black ang disenyo ng venue at dress code ng party ni Kim. Isang wishing tree ang bumungad sa entrance ng party kung saan pwedeng magsulat ng mensahe para kay Kim. May photo booth din na kumpleto ng mga accessories na naglabas ng mga ngiti at iba’t ibang pose ng mga guest na game na game namang humarap sa kamera para sa guest book ni Kim.

Siyempre, dumalo sa party na `yon si Geral­d Anderson, at marami pang iba.

“I am very thankful for everything that I have, lalo na sa suporta ng fans ko. But I hope na makakuha rin ako someday ng award kaya mas pinagbubuti ko pa ang trabaho ko nga­yon,” sabi ni Kim.

Makikita ang iba pang detalye at kuwento ng buhay ni Kim sa July issue ng StarStudio magazine.

Comments (0)

Post a Comment