Article

0

Posted on : Wednesday, January 27, 2010 | By : shapap | In :

Kim nagbantang bubuhusan ng asido si Gerald kapag...
by Jun Nardo ( Abante Online ) 01.27.10
Walang sawa factor sa isa’t isa sina Kim Chui at Ge­rald Anderson sa apat na taon nilang magka-loveteam.

“Everyday kasi, there’s something new! Kumbaga, there’s different day na iba ang ugali ni Kim. One day, sobrang saya.

After twelve midnight, malungkot na siya. Med­yo pagod na kasi. Iba ang reaction niya everytime I make her happy.

Everyday is a new day with her for me,” pahayag ni Ge­rald.

“Siyempre, nag-iiba rin naman ang tao. Si Ge­rald, ‘yung kakulitan niya hindi nagbabago. Ganoon pa rin siya sa akin.

Kanina, inaantok ako. Parang nali-lip synch siya kasi may pinapatunog si direk (Ruel Bayani). Sumasa­yaw-sayaw siya sa harap ko, tapos, nagli-lip synch siya,” sabi naman ni Kim.

‘Pag meron silang misunderstanding, ano ang ginagawa nila sa isa’t isa?

“Ahh, hindi naman kami nagkakagalit. Hindi lang kami nag-uusap. ‘Pag araw-araw kaming nagkikita, medyo hindi na kami nagpapansi­nan. Tapos, pagka-hapon, nagpapansinan ulit kami! Ha! Ha! Ha!

“‘Pag medyo nagtampo or something, medyo hindi kami nag-uusap. But after a while, lalapitan ko siya o lalapitan niya ko, okey na!” tugon ni Gerald.

May excitement pa ba kapag nagkikita sila?

“Oo naman. Gaya nang sinabi ko kanina, every day is a new day for me. Excited ako ‘pag nagkikita kami. Ahh, mas masaya ang araw ko,” sey ni Gerald.

Guwapo ba si Gerald para kay Kim?

“Ano ba ‘yun tanong? Ha! Ha! Ha! Oo naman! Ang daming nagkakagusto sa kanya, eh!” ani Kim.

Ano ang reaksiyon niya kapag may nagkaka­gusto kay Gerald?

“Wala. Ganyan na talaga ang hitsura niya,” sambit niya.

Nagseselos ba siya sa ibang nagkakagusto kay Gerald?

“Kapag sinabuyan ko na siya ng muriatic acid, nagseselos na ako! Ha! Ha! Ha! Joke lang!” biro ni Kim.

Anyway, masusubukan sa takilya ang lakas ng tambalan nina Kim at Ge­rald sa pelikulang Paano Na Kaya? ng Star Cine­ma.

Comments (0)

Post a Comment