Article

2

Posted on : Friday, January 22, 2010 | By : shapap | In :

Kim at Gerald grabeng maglaplapan
by Vinia Vivar ( Journal Online ) 01.22.10
Sa presscon ng Paano Na Kaya ay tinanong ang mga bidang sina Kim Chiu at Gerald Anderson kung may pagbabago ba sa mga kissing scenes nilang dalawa ngayon lalo pa nga’t four years na silang magkasama.

Ang direktor ng movie na si Ruel Bayani ang sumagot ng tanong at ibinuking niya ang magka-loveteam.

“Sobrang nakabuka na ’yung (lips)…’yung dati kasi, naka-close, ngayon kasi, ang lalim ng feelings nila sa isa’t isa both onscreen and offscreen, nakikita ko ’yung difference kasi, ilang beses ko na silang kinukunan ng kissing scenes, sa Tayong Dalawa, siguro mga 12, tapos dito sa Paano Na Kaya, mga ilang beses din. Kung gaano lumalalim ang feelings nila, nakikita ko ’yung quality ng kiss nila nag-i-improve,” say ni Direk Ruel.

Sa kuwenta nina Gerald at Kim, tila may tatlo silang kissing scenes dito sa Paano Na Kaya at lahat ng ’yun ay napakahalaga sa istorya.Hot

Para kay Kim, pinakagrabe raw ’yung huling kinunang kissing scene last week dahil sobrang tagal.

“’Yun ’yung first time naming nag-kiss na sobrang tagal at sobrang passionate. Tapos, maraming beses na maraming ikot, parang mga apat na ikot, apat na ulit, paulit-ulit, parang nagulat ako,” say ni Kim.

Pero masarap naman?

Napasigaw si Kim sa tanong at sagot niya, “wala namang lasa, eh.”

Nag-e-enjoy naman siya sa kissing scene nila ni Gerald?

Napahagikgik ulit si Kim na tila kinikilig.

“Sino ba naman ang hindi ’pag hahalikan ka?” say niya na parang kinilig ulit.

Abot-tenga naman ang ngiti ni Gerald na katabi ni Kim and for sure, masayang-masaya ang young actor sa narinig.

Anyway, showing na sa Jan. 27 ang Paano Na Kaya na opening salvo ng Star Cinema for 2010.

Comments (2)

kImerald are the Best loveteam of all time.
Mayet from
Australia

sobra akong tawa habang binabasa ko,salamat direct ruel... lola nz

Post a Comment