Article

2

Posted on : Thursday, October 08, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu is not surprised by Gerald Anderson's heroic act
Melba Llanera ( PeP ) 10.08.09
www.kimerald.co.nr www.kimerald.tkAfter Tayong Dalawa, marami sa mga Kimerald fans—tawag sa mga tagahanga nina Kim Chiu at Gerald Anderson—ang sobrang nag-aalala na baka ito na ang hudyat ng pagtatapos ng tambalan nila. Pero masayang ibinalita ni Kim sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may kasunod na silang project ni Gerald.

"Movie, mag-movie muna kami under Star Cinema," banggit ng young actress. "Excited kami na magkakasama kami uli ni Gereald sa trabaho after Tayong Dalawa. Minsan-minsan na lang kaming nagkakasama sa dami ng sked niya. Ako, nagsu-shoting din ako ng movie with Angelica [Panganiban]. Parang hindi nagtutugma ang sked namin, hindi na kami nagkakasamm, minsan na lang. But, open naman ang communication through text."

Aminado si Kim na mas kinakabahan siya sa magiging pagtanggap ng mga tao sa pelikula nila ni Gerald.

Paliwanag niya, "Kasi dun ka huhusgahan ng maraming tao. Dun mo mapi-feel ang suporta ng tao sa 'yo, lalo magbabayad na sila para lang panoorin kayo."

After their love scene in Tayong Dalawa, marami ang nagulat sa sexy production number nila ni Gerald sa ASAP '09 last Sunday, October 4. Nangangahulugan kaya ito na tuluy-tuloy na talaga ang pagtanggap ni Kim ng daring and matured roles?

"Siyempre, hindi naman forever pa-cute, forever pa-tweetums. May kaunting level up, pero kaunti lang. Kumbaga, wholesome pa rin."

AUDREY'S DEATH. Sa pagkamatay ng karakter ng Kim bilang Audrey sa Tayong Dalawa, marami ang nagreklamo at nagbigay ng komento na hindi sila kuntento sa pagtatapos ng soap opera na kanilang inabangan at sinuportahan.

Pero para kay Kim, masaya siya na nakita niya kung gaano naapektuhan ang tao sa karakter na kanyang ginampanan.

Aniya, "Natutuwa ako na ang daming nalungkot. Pag naglalakad nga ako, 'Uy, bakit ka pinatay sa istorya?' May pagdaramdam din sila, affected din sila sa role ko. So, maraming salamat talaga.

"Para sa akin, kakaibang ending yun. Sa lahat-lahat ng teleserye sa ABS, parang ngayon lang pumatay ng bida. Kakaiba yun, hindi siya yung normal, typical teleserye na hapy ending sa huli. Happy ending naman sa huli, pero more on family kasi ang mga Filipino, family-oriented silang lahat. So, parang naiintindihan din naman nila ang pinagdaanan ko."

GERALD'S HEROIC ACT. Hinangaan ang kabayanihang ginawa ni Gerald noong nakaraang hagupit ng bagyong Ondoy, kung saan lakas-loob nitong sinuong ang lagpas taong baha para lang mailigtas ang mga kapitbahay sa subdivision nila. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi rito ni Kim?

"Hindi na ako nagulat na nagligtas siya ng mga tao," sabi ni Kim. "Talagang nasa kanya na yun, talagang matulungin siyang tao. Kahit di mo na sabihin na tulungan ka niyang magbuhat ng ganito o tulungan ka niya sa isang bagay, alam niya pag nangangailangan ka. Masasabi ko na napakabait talaga ni Gerald, at isa yun sa rason kung bakit malapit siya sa puso ko."

Comments (2)

talaga Kim? Yun naman pala eh, di kayo na? But then everyone observes your special relationship together and hopefully, that relationship will blossomed into a deeper feeling and endless happiness for both of you. God bless.

Gerald and Kim are looking out for each other. Trust and only listen to each other. People tend to make up stuff and misinterpret things - just stay strong and keep communication line open for each other. I know you both love each other but needed to prioritize your career. Hope someday you both end up with each other arms. Good Luck!!

Post a Comment