Article

3

Posted on : Tuesday, October 27, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu and Gerald Anderson star in their third film together under Star Cinema
Mell T. Navarro ( PeP ) 10.27.09
Kamakailan lang ay pormal nang nagsimula ang shooting ng sikat na young stars na sina Gerald Anderson at Kim Chiu ng kanilang comeback movie para sa Star Cinema, na siguradong ikatutuwa ng kanilang napakaraming fans.

Kung ang past Kimerald films ay mga pa-cute pa at pa-sweet dahil sa kanilang murang edad, sinasabing magiging "mas daring" na ang balik-tambalan nila sa big screen. Ito ay pagkatapos ng matagumpay na teleserye nilang Tayong Dalawa.

Ayon kina Kim at Gerald, since successful nga ang last teleserye nila at tumatak ito sa fans, doble pressure daw ngayon ang kanilang nararamdaman para sa kanilang movie.

"Nakakapanibago, pero gagawin namin ang lahat dito sa first day namin," bungad ni Gerald sa panayam sa kanila ng SNN.

Sa Tayong Dalawa, unti-unti nang ipinakilala sina Gerald at Kim sa mature roles.

Mahigitan kaya ng kanilang yet untitled movie ang pagiging "daring" nila sa Tayong Dalawa kung saan may kissing scenes na sila?

Sagot ni Kim, "Ini-internalize pa namin yung characters namin, kasi di pa siya mag-sink in, dahil from Tayong Dalawa na sobrang bigat, 'eto naman, magaan lang."

Nagbalik-tanaw naman si Gerald sa kanilang past two films together under Star Cinema, at naikumpara sa pinakabago nilang handog na movie for their fans. Although, gumawa rin sila ng isang pelikula under Regal Films, ang "Class Picture" episode ng Shake, Rattle & Roll X.

"Yung first movie naming First Day High, title pa lang, parang pambata talaga!" tawa ni Gerald. "Tapos, I've Fallen For You, solo namin ni Kim 'yon, medyo ano yun, e, medyo tweetums, sobrang saya, nakakakilig na movie. Eto, dito naman sa movie na ito, sobrang nakakakilig, pero 'andun pa rin yung drama."

Dagdag ni Kim, "May drama pa rin sa dulong part. At first, mae-excite sila, tapos sa dulo ang drama."

Sabi naman ni Gerald, "At first, sobrang saya, nakakakilig din. Kaya maganda ito sa amin, yung kumbinasyon!"

Umaasa si Kim na sa magandang chemistry at working relationship nila ni Gerald bilang magka-loveteam ay magtagumpay sila sa anumang expectation ng Kimerald fans.

"Sana, ma-achieve namin yun and sana magustuhan ng mga tao kaya inaayos naming lahat. Kung may mali man, uulitin," saad ng young actress.

Tungkol naman sa intrigang paghihiwalayin na sila at maipareha sa ibang artista, makahulugan ang tugon ni Gerald. Aniya, "Basta, ito po yung movie namin ni Kim, hindi po namin alam in the near future. Basta, dito po namin ibinubuhos yung focus namin. Dito na muna. First day pa lang namin, marami pang exciting na mangyayari dito sa movie na ito."

Last Sunday, October 25, kasama sina Gerald at Kim sa mga Bench endorsers na rumampa sa Philippine Fashion Week sa SM Mall of Asia. Sila ang nagkamit ng isa sa pinakamalakas na tilian sa lahat ng mga artistang rumampa.

Bukod sa shooting, abala rin ang popular loveteam, kasama ang iba pang talents ng Star Magic, para sa November 13 big concert nila sa Araneta Coliseum, Star Magic World Concert Tour in Manila. Nauna nang namayagpag sa iba't ibang panig ng mundo ang nasabing concert. Sinasabing ang talent fees ng Star Magic talents for this benefit concert ay mapupunta sa mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad.

Sa TV naman, susunod na mapapanood sina Kim at Gerald sa primetime series na Kung Tayo'y Magkakalayo.

Comments (3)

TO ALL KIMERALD, we will do our best to support our LOVE-TEAM, ABS/SC had given our wishes, since so many of us love this tandem from ABCD etc. viewers, please now is the time to support them. They had done their best especially after TD, so many fans are added to them. We pray together that this coming movie will be a big success. Were so excited to see them in big Screen. KIM & GERALD we love you, stay humble and always pray. All your fans around the world will be always here for you. We hope the story is good and also the promotion and do your best. God Bless !!!!!!

Ngayon pa lang excited na ang lahat na nagmamahal sa inyo Gerald and Kim sa bago ninyong movie at teleserye sa wakas lalung-lalo na ang KIMERALDS at isa na ako doon. I'm from New York at sana ang wish namin dito sa Amerika na magkaroon nang International Screening. Thank you ABS-CBN/SC sa movie at teleserye nang paborito naming No.1 loveteam.You just don't know how happy and greatful we are for this because it's been a long time coming. Gerald and Kim bring so much joy and happines in my life and I'm sure their millions of fans agrees with me . Just seeing and watching them together makes my heart go a flutter at kinikilig parang teenager. They make you feel young at heart and makes you believe and see that love and being in love is a beautiful thing and the two of them together it's just pure magic. Ke may love scene sila they still exudes purity, innocense, sweetness and wholesomeness. Their loveteam is so real in a sense that they complement each other, hindi sila nagsasapawan and as if they are one and knew each other since birth. No other loveteam of today can compare to what these two beautiful couple has and that is they're natural, refreshing at walang kaplastikan o kaekekan sa katawan. Gaya nga nang sabi ni Gerald "what you see is what you get". Kaya Ge and Kim can't wait for the movie & teleserye at sana ang ABS-CBN/SC ay bigyan pa kayo nang maraming proyekto na kayo ang magkasama at huwag buwagin ang loveteam ninyo. God bless you both with more successes in your careers. Goooooooooooo KimGe!!!!

yehey!! this is it... can't wait na talaga ako sa movie nila..

adik na adik ako sa KIMERALD, ma friendster and twitter background ko sila.. and always searching them for the updates...

Iba ang tandem na to! kakaiba....

i'm so excited to watch their movie..

Kim and Ge i'll keep buying ng mga iniendorse nyo...

God bless and take care.. We're always here to support and keep praying..

I LOVE KIMERALD SUPER!!

_MJ_

Post a Comment