Posted on :
Tuesday, October 27, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Kim Chiu says "Kimerald movie" director keeps possible intimate scenes a secret
Rommel Placente ( PeP ) 10.27.09
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kim Chiu last Sunday, October 25, pagkatapos ng ASAP '09. Ikinuwento ng young actress na nakapagsimula na silang mag-shooting ng kanyang ka-loveteam na si Gerald Anderson para sa bago nilang pelikula mula sa Star Cinema.
"Kahapon nag-shoot na kami ni Gerald. Sa Breakwater kinunan yung eksena namin," balita ni Kim.
Wala pang napipiling title ang Star Cinema para sa bagong pelikulang ginagawa nina Kim at Gerald.
"Kimerald movie pa lang ang title. Sabi ko, 'Ano bang title nito?' 'Wala, Kimerald movie!" natatawang sabi ng young actress.
Ano ba ang role nila ni Gerald sa pelikula?
"Mag-best friends kami since bata pa hanggang sa maging twenties na kami, magkaibigan pa rin kami. Tapos parang kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Ako yung takbuhan niya pag may problema siya. Di ba, pag magkaibigan, pag mag-best friend, kailangan babae sa babae? Kami ni Gerald best friends, pero babae sa lalake. Doon tatakbo na yung kuwento. Una magaan, tapos padulo na nang padulo, pabigat na nang pabigat."
Magkakaroon ba sila ng love scene ni Gerald sa pelikula gaya nang ginawa nila sa defunct primetime series nilang Tayong Dalawa?
"Hindi pa po tapos yung script, e. So, paunti-unti lang yung tini-take namin. Kahapon, dalawa nga lang po ang kinunan sa amin," sabi ni Kim.
Pero hindi ba nasabi sa kanila kung may kissing scenes o love scene sila sa pelikula?
"Hindi pa. Siguro ginugulat nila kami. Siyempre si Direk Ruel [Bayani] yun, direktor namin sa Tayong Dalawa. Nanggugulat yun, e."
TAYONG DALAWA. Ang Tayong Dalawa ang huling teleserye na pinagsamahan nina Kim at Gerald. Maraming fans ng dalawa, lalo na ang Kimeralds, ang hindi nagustuhan ang ending ng nasabing serye dahil pinatay rito si Kim. Ano ang masasabi ni Kim dito?
"Siyempre ginawa nila ito para mas maging kakaiba yung ending. Malungkot man yung ending namin, nandun pa rin yung value," paliwanag niya.
Masasabi ni Kim na ang Tayong Dalawa ang the best, so far, na teleseryeng nagawa niya.
"Kasi nandun na lahat ng emotions ko. Binuhos ko na lahat. Swimming pool na yata na luha ang naibuhos ko dito! And worth it naman dahil ang daming pumasok na endorsements sa akin. Kaya thankful naman ako sa Tayong Dalawa," sabi ni Kim. Samantala, available na sa mga record bars ang DVDs ng Volumes 1-7 ng Tayong Dalawa.
Susunod na mapapanood sina Kim at Gerald sa telebisyon sa Kung Tayo'y Magkakalayo. Kasama nila rito si Kris Aquino.
really can't wait for this movie! sa SNN sneak peek kilig na ako pero sabi daw pabigat ng pabigat! i hope it's gonna be another sad ending......and can't wait for their next teleserye w/ kris....i really like kris right now because love na love nya talaga ang kimerald! sana may screening dito ng movie nila or at least ilabas yung DVD nung movie! wahhhh! can't wait na talaga! naloloka na ako sa kimerald!!!! kasi everytime you see them together you're alway smiling and kinikilig ka talaga...you really see their chemistry,on and off cam...hay paano pa kaya kung sila na?! wahhh!!!! extra sa saya and extra sa kilig!!!!! KIMERALD FOREVER!:D
KIM oh KIM, I can't blame Gerald to love & respect you very much. You're so admirable & kind. You're so nice inside & out.
KIM & GERALD, remain humble & true. Count on us, we're always here for you.
KIMERALD NO.1 TALAGA... KEEP IT UP GUYS...
WE'RE ALWAYS HERE TO SUPPORT AND PRAY.
KIM, TAKE CARE ALWAYS. AND GE PLEASE THANK YOU FOR ALL THE SUPPORT YOU'VE GIVEN FOR KIM...
GOODLUCK AND MORE SUCCESS.
LOVE YOU BOTH :)
_MJ_