Article

4

Posted on : Tuesday, October 20, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu and Gerald Anderson willing to do love scenes for their next movie
Rommel Placente ( PeP ) 10.20.09
May bagong pelikulang gagawin sina Kim Chiu at Gerald Anderson para sa Star Cinema. Kung pinakilig nila ang kanilang fans sa unang pelikulang ginawa nila, I've Fallen For You (2007), sa bagong pelikula nila ay mas mature na ang kanilang gagampanan.

Sabay na na-interview ng Showbiz News Ngayon (SNN) sina Kim at Gerald kagabi, October 18. Ayon kay Kim, next week daw ay magsisimula na silang mag-shoot ni Gerald.

Ayon naman kay Gerald, "May workshop kami last Sunday para sa movie. Sobrang excited na kami dahil napakaganda."

Dagdag ni Kim, "Lahat ng emotions yata nandito na sa pelikulang yun. Pinaghahandaan namin, nagwo-workshop kami kay Mr. Pen Medina."

Super mature na ba talaga ang role nila ni Gerald sa bago nilang pelikula?

"Hindi naman super mature, pero mga twenties na kami rito," sagot ni Kim.

Sa katatapos lang na serye na pinagbidahan nina Kim at Gerald, Tayong Dalawa, ay nagkaroon sila ng love scenes dahil naging mag-asawa sila roon. Sa pelikulang gagawin ng dalawa ay hindi pa sila sigurado kung magkakaroon sila ng maiinit na eksena. Pero ayon kina Kim at Gerald, kung magkakaroon man daw ay handa silang gawin yun.

"Ginawa na namin yun, so bakit naman namin tatanggihan, di ba?" natatawang sabi ni Gerald.

Ayon naman kay Kim, "Oo naman, para naman ito sa mga Kimeralds, sa lahat-lahat ng mga sumusuporta sa aming dalawa. Regalo namin ito sa kanila."

Samantala, ayaw munang bigyang pansin nina Kim at Gerald ang lumabas na balita na diumano'y bubuwagin na ang loveteam nila.

"Sa ngayon, wala pa naman kaming nababalitaan. Sa ngayon, nagpo-focus muna kami sa movie," sambit ni Kim.

"Dito muna kami sa movie nagpo-focus," sabi rin ni Gerald.

Comments (4)

PAPAANO NIYAN GERALD AND KIM ANG DAMI DAMI NINYONG COMPETITION SA MOVIE NANDIYAN ANG JOHN ANG BEA ALONZO LOVETEAM NG 2010 NEXT YEAR AT SINASABI NA VERY MATURE ROMNCE ROLE SILA LIKE SIMILAR NG MOVIE NINYO ANG MGA ITONG MATAGAL NA SA SHOWBIZ LIKE QEENN AND KING OFFICIAL BOX OFFICE AT MARAMING MGA TWIST ANG DRAMA NILA GOD HELP YOU GUYS NA SANA HIGITAN PA NINYO ANG KAALAMAN NILA PARA NG SAGANOON TULOY TULOY ANG MGA PROJECT NINYO HINDI SA COMPETITION ITO PERO GUYS NASA SHOWBIZ KAYO KAYA HABANG BATA AT SARIWA SA PUBLIC MAS GALINGAN NINYO PA KAYSA KANILA

gerald and kim congratulations sa inyong dalawa at sana ang tiwala ninyo sa isa't -isa ay huwag magbabago dahil ngayong kumikislap ang tambalan ninyo marami ang magiintriga at marami ang magkukunyaring mga fans ninyo. Alam kong matatag kayo dahil sa kaiba ninyong punagsamahan at pinagmulan. We cannot wait for your new movie and teleserye. Kaming mga tunay na fans ninyo wala kaming pakialam sa mga kasabay ninyo dahil we are here for you handang ipaglaban at ipagtanggol kayo. Your loveteam is so real, rare and so unique that kahit kapwa ninyo artista naiinggit sa inyong dalawa. You have each other strength and love kaya wala kayong dapat ipagalala plus kaming mga tagahanga ninyo not just in the Philippines but herein the USA kasama na ako. They should know better that we your fans here are so excited and ready to fight . Go,go,go Kimerald tira, tira. Your the hottest and no.1 loveteam and we love you so much. God bless you both always.

Ate Buding from NYC

kimerald kayaa niyo yan basat lagi lang kaming nandito na mga supporters niyo we love you kimerald tira tira God bless kimerald

hello po im ms. andoy a preschool teacher here in iligan.... i want to be a kimerald fan please help me naman how to get connected...infact im planning to be in manila this dec. to meet my husband and to watch kim and gerld in person... hope you help me .. heres my number 09214705160

Post a Comment