Article

1

Posted on : Saturday, October 10, 2009 | By : shapap | In :

Vinia Vivar ( Journal Online ) 10.10.09

Naka-recover na si Gerald Anderson mula sa injury na tinamo sa isang minor accident habang nagti-taping siya ng Tiagong Akyat kamakailan.

Na-sprain ang paa ni Gerald matapos siyang matalisod while doing a crucial scene in Tiagong Akyat. Agad siyang isinugod sa ospital and luckily, wala namang grabeng pinsalang nangyari sa paa ng young actor.

Sa mga susunod na episodes ng Tiagong Akyat na napapanood every Saturday pagkatapos ng Cinema FPJ, isang engkwentro ang hahantong sa pagka-aresto ni Red (Daniel Fernando) at kanyang pagkadiskubre sa agimat ni Tiago (Gerad).

Dahil sa kumalat na ito sa buong Cavite, napilitan si Tiago na aminin sa kanyang mga kaibigan na mayroon siyang agimat. Samantala, ibinigay ni Red ang lahat ng kanyang yaman kay Vincent (Jason Abalos) upang siya’y matulungan nito. Lingid sa kanyang kaalaman, hindi niya pala ito mapagkakatiwalaan.

Comments (1)

checkout: tvpolice.blogspot.com

tvpolice.blogspot.com

tvpolice.blogspot.com

siguradong matutuwa kayo! pramis!

Post a Comment