Posted on :
Saturday, October 24, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Vinia Vivar ( Journal Online ) 10.24.09
Samantala, tuloy na tuloy na ang gagawing teleserye ni Kris sa ABS-CBN.
Ang makakasama niya, one of the hottest loveteams in the country, sina Gerald Anderson at Kim Chiu.
Naka-schedule na silang magkaroon ng storycon next week at ang first taping day naman ay bandang November din.
Nakakatuwa ang kuwento ni Kris na ayaw daw sana ng asawang si James Yap na tanggapin niya ang soap, pero dahil daw ang mga kapatid niyang babae ay fans ng Kimerald loveteam, ang mga ito raw ang nagsabi sa basketbolista na payagan na ang wife dahil Kim and Gerald naman daw ang kasama.
Ang mga kapatid niya pala ay avid fan ng Tayong Dalawa nina Kim at Gerald at talagang gabi-gabi ay pinapanood ng mga ito ang nasabing serye, lalo na raw si Viel, na from beginning to end, nasubaybayan ang show.
Ang title ng soap ay Kung Tayo’y Magkakalayo at gagampanan ni Kris ang ina ni Kim.
Natanong si Kris kung bakit niya tinanggap ang mother role kay Kim at walang kagatul-gatol niyang sabi, “because she’s number one!”
Sa bracket daw kasi ng young stars aged 18-20, no doubt na si Kim talaga ang number 1.
Ibang category naman daw sina Anne Curtis, Bea Alonzo at Marian Rivera.
* * *
Hinahanap-hanap ng katawan ni Gerald Anderson ang daring stunts na ginawa niya kamakailan sa Agimat, gaya ng pag-akyat at pagsabit sa matataas na gusali.
Nag-last taping day na kasi ang Hulihin si Tiagong Akyat at aminado ang young actor na hindi lang ang nasabing proyekto ang napamahal sa kanya kundi pati na rin ang parkour, a unique sports which involves extreme climbing and jumping.
“Sobrang mami-miss ko ang Agimat team, lalo na ang parkour trainors ko. This sport has really challenged my endurance. I have realized na sobrang masarap siyang gawin. If ever I’ll be given a chance to train again, I’ll grab it.”
Samantala, masayang-masaya rin ang young actor na siya ang napili ng FAMAS ng German Moreno Lifetime Achievement award para sa kanilang loveteam ni Kim.
Hindi man personal na natanggap ng binatang aktor ang award dahil sa hectic schedule, lubos pa rin siyang nagpapasalamat sa pagkilalang tinamo.
“Nakakapanghinayang nga dahil hindi namin personally natanggap ’yung award, kaya po humihingi po ako ng sorry kay Kuya Germs.
“Sobrang malaking karangalan talaga ang makatanggap ng isang prestigious award tulad nito. Nagpapasalamat kami kay Kuya Germs for choosing us.”
Sa pagpapatuloy ng Agimat ngayong Sabado, ang buhay ni Tiagong Akyat (Gerald) ay unti-unti nang magiging mabuti at matiwasay. Sa wakas, magkakaroon na rin siya ng pagkakataon na ipagtapat ang kanyang pag-ibig kay Norma (Max) na agad namang tatanggapin ito.
Comments (0)
Post a Comment