Article

8

Posted on : Wednesday, October 21, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson to portray a teenager with Tourette Syndrome in Maalaala Mo Kaya
Julie Bonifacio ( ABS-CBN Interactive ) 10.21.09
Perfect choice si Gerald Anderson para gumanap sa isang mapaghamong role sa isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa ABS-CBN. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagampanan ni Gerald ang role ng isang may Tourette Syndrome (TS) sa una niyang paglabas sa longest and most awarded drama anthology on television. “Nung sinabi pa lang sa akin, na-excite na ako. Tapos nung binasa ko ‘yung script lalo ako’ng kinabahan. Pero alam mo sana lang magawa ko ito ng maayos at sana magustuhan ni Jerome (Concepcion, letter sender sa MMK na may (TS) ang gagawin ko’ng pagganap sa kanya at makapagbigay inspirasyon lalo na sa mga taong may TS,” bungad ni Gerald.

Personal na na-meet ni Gerald si Jerome sa isinagawang briefing ng staff ng “Maalaala Mo Kaya” na ginanap sa Bagoong Republic last Friday, Oktubre 16. Present doon ang direktor ng episode na si Ruel Bayani, scriptwriters ng MMK, si Jerome at ang kanyang ina na si Criselda Concepcion. Nandun din ang President ng Philippine Tourette Syndrome Association (PTSA) president na si Rowena Victorino at ang vice-president na si Marlon Barnuevo. Member ng bandang 3rd Avenue si Marlon na meron ding TS.

Para sa kaalaman ng iba, ang TS ay isang hereditary na sakit na may kombinasyon ng ADHD (attention-deficit hyperactivity disorder, obsessive-compulsiveness, at neuro-behavorial complex. Sa murang edad ay nagmamanifest agad ito sa pamamagitan ng tics (involuntary sounds or movements such as eye-poking, coughing, head-banging etc.) na mas lalong nagiging kapansin-pansin kung ang pasyente ay under stress. Ngunit kadalasan ay namimisinterpret lang ito na simpleng kakulitan ng bata kaya hindi agad nada-diagnose na TS.

“Nu’ng una, alam mo ‘yung…parang nakakakawa. Pero kapag nakita mo, kapag nakausap mo siya (Jerome), confident siya. Kumbaga, hindi naging sagabal ‘yung sakit niya sa kanya. Ganun si Jerome,” kwento ni Gerald. Ano ang na-feel niya nung nalaman niya na siya ang napili para gumanap sa katauhan ni Jerome sa MMK? “Iba,” diin ni Gerald. “Sobrang nakakataba pa rin ng puso. Nakaka-inspire dahil yun nga sa dinami-dami (ng artista) ako ang pinili. Ipagdadasal ko na lang na magawa ko ito ng mabuti.”

Very challenging kay Gerald ang character na gagampanan niya kaya talagang pag-aaralan daw niya ito ng maigi. “Sa internet papanoorin ko lang tapos sasabihin nila kung ano ang mga symptoms at kung bakit nangyayari ito. And yun nga, minsan nangyayari ‘yan umpisa pa lang sa bata. Pagdating mo ng 18 years old lumalala.” Sa initial na pagkikita pa lang ba nila ni Jerome naisip na ba niya kung paano niya aatakihin ang role? “Sampol? Hahaha! Naku, huwag muna sampol. Biglaan naman,” nakangiting sabi ni Gerald. “Basta alam ko ibang klaseng experience ito. Sobrang malaking tulong talaga sa akin na nakita ko siya ngayon ng personal, kung paano siyia gumagalaw, kung paano siya nagsasalita, kung paano siya nag-iisip, ‘yung mga sinasabi niya.”

Kahit na noon lang niya nakilala si Jerome at ang ina nito ay naramdaman daw ni Gerald ang labis na paghihirap na pinagdadaanan ng kanilang pamilya. “Hindi biro ang pinagdadaanan nila dahil yung isa pang kapatid ni Jerome may TS din. Pero nakikita ko na very supportive ang mommy niya sa kanya. Tanggap (ni Mommy Criselda) yung kahinaan ng anak niya at kahit ano’ng mangyari nandu’n pa rin siya.”

Sa huli ay nagbigay na lang ng mensahe si Gerald sa mga avid viewers ng MMK. “Sana sa episode na ‘yun ma-inspire ko ang mga tao kahit yung walang TS na wag bibitiw sa kanilang mga pangarap kahit ano pang hadlang ang dumating sa kanilang buhay,” tapos ni Gerald.

Comments (8)

KAYA MO IYAN GERALD NAGAYA MO ANG ACTING NI JAKE AT COCO NOON NAGBIBIROAN KAYO SA CEBU FANS DAY MAGALING KANG MANGGAYA UMARTE WALA KAYONG PAG KAKAIBA NI JEROME NA MAY [TS] ANG KALAHATI AY NA SA'YO [ IYAN ANG NAPAPASIN NAMIN SA IYO ] MEDYO MINSAN PAGSASALITA KA INUULIT MO AT HINDI KA STAYABLE 'YUNG ULO NA MO PARA BANG MAYHINAHANAP KA HA...HA...HA... KAYA HINDI KA NA MAHIHIRAPAN SA ROLE NA ITO BASTA PA GALINGAN MO NA LANG AT DAGDAGAN MO NA LANG SA ACTING PARA MATAAS ANG RATING NG MMK ' BIRO LANG IDOL HUWAG KANG MAGAGALIT SA AKIN '

ALAM KONG MAHIRAP ANG ROLE NA ITO PARA SA IYO KUNG AKO IKAW PUMUNTA KA SA MGA LUGAR NA MAY SAKIT NA GANYAN [ TS ] OR LOOK TO INTERNET HOW YOU STUDY THEM AT GAYAHIN I'M SURE YOU 100 % PERCENT NA MAGAGAYA MO ANG ACTING NILA SAKA AYAW MO 'YAN PANIBAGONG CHALLENGE NAMAN SA CARREER MO ITO BASTA BA GALINGAN MO LANG AT NANDIYAN NAMAN SI DIRECT RAUL ABAYANI HE WILL GUIDE YOU KAYA GOOD LUCK LOVER BOY PARA NG SAGANOON MARANING PANG BLESSING COMING AT NANDITO RIN KAMING MGA FAS MO NA SUSUPORTAHAN KA NAMIN OK

GO GO GO GERALD KAYA MO 'YAN I HOPE MORE PROJECT SOON GOD BLESS

ALAM MO GERALD NAPAKABAIT MO PATI NA SA NANAY NI JEROME NA AWA KA TALAGANG MAY GOLDEN HEART KA MGA TAO KATULAD NILA , WELL GERALD GALINGAN MO NA LANG SA MMK OK PARA MARAMI PANG BLESSING DUMATING SA'YO GOOD LUCK

ANG GWAPO TALAGA NI GERALD AT SEXIE PA GO IDOL YOUR THE BEST

Congrats Gerald at kahit hindi ka pa nagsisimula we your fans believe in you at lalo na ang No. 1 mong fan, si Kim. You have come along way after Tayong Dalawa. Dahil dito bigatin ka na as an actor. I wish you all the best and I know you'll do Jerome's character with justice and I'm so proud of you. God is showering you and Kim his endless blessings cause you both are desrving dahil you are dedicated and hard workers at higit sa lahat may busilak kayong mga puso at hindi kayo nakakalimot sa kanya at sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa inyo ang inyong mga fans all over the world. Goodluck and God bless you both always.

MGA KIMERALD FANS SABI NI KRIS AQUINO MAG START NA DAW SILA MAG TAPING NG TELESERYE BY NOVENBER 16 ANG TITTLE NG TELESERYE AY KUNG TAYONG MAGKAKALAYO EXICITING DI BA !! KAYA LANG NEXT YEAR NA RIN IT.

congratulations Ge! With Kim as your inspiration! I'm pretty sure you canmake it with flying colors!

Post a Comment