Article

1

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Nitz Miralles ( PhilStar ) 10.22.09

Nilinaw ni Kris na hindi talaga siya ang host ng Pilipinas Got Talent dahil it was never offered to her at ang maging resident judge lang ang ini-offer sa kanya. Makakasama niyang judge si Mr. Freddie Garcia at isa pang hindi napi­pili. Sina Billy Crawford at Luis Manzano ang mga hosts ng talent show.

Sa Nov. 16, magsisimulang mag-taping si Kris ng bago niyang soap sa ABS-CBN entitled Kung Tayo’y Magkakalayo, to be directed by Erick Salud and Trina Dayrit, the same team behind Tayong Dalawa. Gaganap siyang ina ni Kim Chiu at sa tanong kung bakit siya pumayag maging ina ni Kim, ang sagot ni Kris ay “because Kim and Gerald (Anderson) are the number one young stars of their age bracket.”

Kundi Jan. 25, 2010 ay sa February ang airing ng soap, kung saan big male star ang makakapareha ni Kris.

Comments (1)

Palagay ko ang title nito ay more sa kay Kris and her leading man, dahil mabubuntis siya at age 16 and for sure hindi sila magkakatuluyan agad ng kanyang mahal kaya ganon. If it is true that Binoe is the leading man, mukhang sasabak si Binoe sa drama at may matching comeday and action. For sure this will be another teleserye to watch. Ang tagal naman ng airing, next year pa. I can't wait.

Post a Comment