Article

7

Posted on : Sunday, October 11, 2009 | By : shapap | In :

Gerald at Kim, excited sa book 2 ng ‘Tayong Dalawa’
Vinia Vivar ( Journal Online ) 10.11.09

Nagkaroon na ng story conference ang pelikulang pagsasamahan nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa Star Cinema kaya makakahinga na nang maluwag ang Kimerald fans dahil hindi totoo ang balitang paghihiwalayin ang dalawa.

May naka-lineup din na teleserye sa magka-love-team pero wala pang detalye kung kailan ito gagawin dahil magko-concentrate muna sila sa pelikula.

Dahil sa success ng Tayong Dalawa, marami sa mga loyal followers ng serye, lalo na nga ang Kimerald, ang nag-e-expect na magkakaroon ito ng part 2 lalo pa nga’t open ang ending nito kung saan ay pumasok ang mga karakter nina Rosanna Roces at Enchong Dee.

Wala pang maisagot ang management kung magkakaroon ng book 2 ang Tayong Dalawa pero nagpahayag na sina Kim and Gerald ng excitement kung sakaling matuloy ito.

Pero ang balitang nasagap namin, ang next teleserye ng dalawa sa ABS-CBN ay isang matinding love story na sila lang ang bida kaya abangan na lang natin ang mga kaganapan. Kung sakali, baka next year na ito maaasikaso.

Comments (7)

dapat tuloy-tuloy ang pagdating ng teleserye nila,kasi kung hindi namin mapanood parang may kulang kaya hinahanap namin kung saan sila mag-guest sa mga ibang show's.pagkatapos sana ng movies nila di ba mayroon pa silang teleserye na "BAGETS,DETECTIVE,HANA KIMI,THE BASTARD BOYS ETC.kaya alam namin na marami pa silang projects.kung sila ang mag show masaya kaming lahat dito sa states;so please dont let this two couples separating it's not gonna work,there miss to each others.

if the tayong dalawa ay magkakaroon ng part 2 hindi maganda kung wala si kim[audrey]maganda ang story kung ang dalawang nagmamahalan ay parehong magkasama[kim and gerald]gaganda ang teleserye.kung wala iyong isa walang manonood;magiging boring lang lalo na kung ang mga dumating e puro kontrabida hindi maganda.kung meron silang dalawa walang problema.

hey, just dropped by to say they both STINK! they are not cool and gerald anderson really doesn't know how to act, he's so OA. (walang kwenta talaga) and KIM, look at how she screams, it looks like pinipigil niya, especially dun sa scene nila nung sumisigaw si KIm at pinapapili niya si gerald between her and their baby. OH SO LAME! they are not that good, i swear! Just get off the stage (peace no harm intended).

dapat sunod sunod ang ibigay na project ng abs cbn kina kim at gerald na silang dalawa ang magkasama

dapat sina kim at gerald parin ang mag kapartner kung sakaling may book 2 ang tayong dalawa kase boring pag wala si kim

I agree with 10:21 pweding gawan ng kwento na kunyari c Audrey ay may kakambal din o di kaya ang papel ni Kim dyan ay kunwari magkahawig lang talaga sila ni Audrey... oh di ba mga kimerald? Btw I'm a secret avid fan of kimerald her n Norway.

Hello to all kimerald fans how are you you know matagal na akong nagbabasa ng mga comment nyo at isa rin akong nag subaybay kina Kim & Gerald simula palang sa pbbteens..and I'm a secret avid fanatic of Kim & Gerald.. I'm a filipino at dito ako nakatira sa Norway with my 2 kids & a Norwagian hobby... go go go kimerald & I love u both.

Post a Comment