Article

5

Posted on : Thursday, October 22, 2009 | By : shapap | In :

Liza Endaya ( Bulgar ) 10.22.09

Aminado si Gerald Anderson na ang magagandang pangyayari sa buhay niya ngayon ang dahilan ng kanyang pagbu-bloom, not only as an actor but also as a person. Lalo kasing gumuguwapo at young looking pa ngayon ang young actor.

"Masaya lang ako dahil sa dami ng blessings na dumarating sa buhay ko, sa mga pagkakataong dumarating sa akin, sa aking career.

"Ibang klase kaya talagang nagpapasalamat ako sa mga nagtitiwala at patuloy na sumusuporta sa akin," naging pahayag ng young actor nang makausap namin recently.

Totoo rin daw na mas naging close sila ni Kim Chiu sa isa't-isa ngayon.

"Actually, wala namang pagbabago, close pa rin kami sa isa't-isa ngayon.

Lagi rin kasi kaming magkasama, kaya masaya, di ba? Mas maganda si Kim ngayon? Naman!" nakangiting pa-totoo ni Gerald.

Very excited na ang aktor sa gagawin nilang pelikula ni Kim na magiging unang handog ng Star Cinema sa 2010.

"Nagpapasalamat nga kami sa trust nila sa amin ni Kim. Actually nakaka-pressure na kami kumbaga 'yung pang-open next year, 'yung movie project namin. Kaya naman gagalingan namin ni Kim. We'll give our best for the project na ipinagkatiwala sa amin ng Star Cinema."

Hindi pa raw sure si Gerald kung magkakaroon sila ni Kim ng kissing scene at bed scenes sa kanilang movie na gagawin. Basta sigurado raw ay mature roles na ang gagampanan nila sa movie.

"Kung merong kissing at bed scenes, nagawa na nga namin 'yun sa Tayong Dalawa, 'di ba? So kung meron, okey lang naman. Mas maganda nga , e," natatawang sabi pa ng aktor.

Pero paano kung sa ibang leading man-actor na maki-pag-kissing scene si Kim?

"Siyempre, masakit na masakit. Pero alam mo 'yun, okey lang kung ako lagi ang makaka-kissing scene niya.

"Pero trabaho namin ito, eh, kaya kasama rin 'yun. One day, kung hindi man kami, may mga ibang actors din kaming makakasama at makaka-partner sa pelikula, paliwanag at pang-uunawa pa ni Gerald.

Korek! At least naman, naiintindihan na ng young actor na darating at darating ang pagkakataong 'yun. At mukhang ready naman siya.

Comments (5)

HALATANG PATI ITONG NAGSULAT NANG ARTICLE GUSTO NIYANG PUMAREHA SA IBA SI BISOY ANO? EWAN KO BA BAKIT DI NILA MAGETS KAHIT SI GERALD NA MISMO SI KIM LANG ANG LAMAN NANG PUSO NIYA AT SIYA LANG ANG NAKIKITA NANG KANYANG MGA MATA. AMINADO SIYA PAG MAY IBANG HAHALIK KAY KIM MASASAKTAN SIYA. TALAGANG HALATANG ANG DAMING PUMAPAPEL PARA INTRIGAHIN ANG TAMBALANG ITO. KAYA KIMERALD FANS HUMANDA NA TAYP SA LABANAN PARA SA ATING MGA MAHAL NA IDOL ANO. LET'S PROVE AND SHOW THEM THAT KIMERALD ARE THE HOTTEST NO. 1 LOVETEAM AT SILA LANG WALA NANG IBA. KIM AND GERALD WE LOVE YOU AND GOD BLESS YOU BOTH ALWAYS.

I agreeeeeee... march on KIMERALDS, we've made them # 1 in all fronts. My family & I are willing to pull our resources for KIM & GERALD's first movie. Yahoooo.

Keep the love burning GERALD. We're here for both of you. We love you. Take care.

basta go go mga kimeralds,we will make their movie a phenomenal hit

kayang kaya natin to....

kimerald lang talaga for always!!!!!

walang sawsaw at epal plsss.....

yes mga kimerald kayang kaya natin to...we will make their movie a phenomenal hit para may kasunod uli di ba.....kimerald go...go...go

kimerald are the best, talagang totoong tao itong si gerald same kay kim totoo naman ang sinabi ni gerald na masasaktan siya pag may naka kissing scene na iba si kim sino ba naman hindi masasaktan lalu na ang babaeng pinaka mamahal mo may umahalik na iba pero alam naman namen na meron silang tiwala sa pagmamahal nila para sa isat isa,wish ko na mging successful ang kimerald movie we love you kimerald may God always continue to bless both of you

Post a Comment