Article

2

Posted on : Tuesday, October 06, 2009 | By : shapap | In :

Piolo, KC, Sam, Jake, Gerald at Kim, trinabaho ni Kris para kay Noynoy
Rose Garcia ( Abante Online ) 10..09

May nakapagbalita sa amin na natuloy na rin pala ang pinaplano ni Kris Aquino noon na ipakausap ang kapatid na si Noynoy Aquino sa mga Star Magic Artists.

For the past elections, hindi halos ina-allow ang mga artists ng Star Magic na mag-endorse ng kahit sinong pulitiko.

Pero nagpahayag nga si Kris na she’s planning na ipa­kausap ang kapatid na si Noynoy sa mga taga-Star Magic artists at pakinggan lang muna ng mga ito ang mga pinaplano or posibleng maging programa ni Noynoy sa bansa, once na ma-elect siya bilang President of the country.

Noong Linggo ng gabi sa mismong Times St. home ng mga Aquino naganap ang meeting ni Noynoy with some of the Aquino siblings.

Ayon sa nakarating sa aming balita, ilan sa mga artista ng Star Magic na present sa naturang meeting ay sina Piolo Pascual, KC Concepcion, Sam Milby, Jake Cuenca, Gerald Anderson, Kim Chiu, John Prats, Shaina Magdayao at Coco Martin.

And it seems, for the first time, mabi-break ang stand ng Star Magic not to endorse any politician dahil base sa impormasyon na nakarating sa amin, ini-accept daw ng mga Star Magic artists ang pag-kampanya kay Noynoy.

Bago rin ito for Piolo dahil sa gagawin niyang pag-i-endorse ng isang politician. Dati kasi, mismong ang sariling ina raw niya ay hindi siya ina-allow na gumawa ng mga ganitong endorsement.

Comments (2)

All I can say is...........
"OMG!!!~~"

GO GO GO KRIS. WE WILL SUPPORT NOYNOY.

Post a Comment