Posted on :
Thursday, October 22, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
Pinutakti
Vinia Vivar ( Journal Online ) 10.22.09
Tuwang-tuwa at impressed na impressed si Kris Aquino sa mga artistang nakasama recently sa isang get-together dinner na inorganisa niya para sa kapatid at 2010 presidentiable Sen. Noynoy Aquino, dahil napakaganda raw ng mga katanungang ibinato ng mga ito sa open forum.
Sa nasabing get-together dinner ay dumating ang Kapamilya stars kasama ang Star Magic heads na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto.
May mga dumating din from the Kapuso Network, kaya naman super thankful si Kris sa lahat ng dumalo.
Ang nasabing get-together dinner ay in-organize niya para naman daw makilala nang husto ng mga artistang ito ang kanyang kapatid.
“Kasi nga, as you said, ’pag tinatanong ang ibang artista, why will you vote for Noy, the worst thing you can hear from an artista is, ‘kasi, close ko si Ate Kris.’ Ang pangit, ’di ba? Although it’s so touching for me, kailangan namang gustuhin n’yo ang kapatid ko for him. So, I asked them for a date, if they were all okay, I asked Noy for a date, and then, ’yun, open forum, question and answer,” say ni Kris.
Humanga raw siya sa mga tanong ng ilang artista tulad ni Bea Alonzo, who asked about taxation.
“Sabi niya, ‘tanggap namin na ang laki-laki ng ibinabayad namin, 32 percent, but dito sa income tax bracket namin, is it too much to ask po na malaman naman namin kung saan napupunta?’ That made a lot of sense, ’di ba?”
Ang concern daw ni Coco Martin ay tungkol sa mga pelikula nating nakikipag-compete sa international filmfests.
Sabi raw ni Coco, “We bring a lot of glory for the country when we compete abroad and yet there’s no funding.”
Sina Mr. M at Sen. Noy, iisa ang point of view doon. Sabi ni Noy, iisa lamang ang puwede naming ibigay sa inyo, tax break, but once we start funding you, that means we’ll start dictating upon you.
“Art and government should never mix.”
Sabi ni Mr. M (kay Noy), “I totally agree with you, hindi talaga ’yan tama, separation talaga dapat.”
Sina Jake Cuenca at Gerald Anderson naman daw, nagsabing nakita nila ang sitwasyon ng mga sundalo habang nagti-taping ng Tayong Dalawa.
“Sa PMA (Philippine Military Academy), they saw na kahit paano, okay. Pero sa (Camp) Capinpin (sa Tanay, Rizal), na sila ang unang sumasabak, they have one uniform a year, and then, tinatanong nila what are you planning to do to improve the situation?”
Dumating din daw si KC Concepcion, who had a very good question about education.
“She asked about voucher system sa education. Sa U.S. kasi, there’s such a thing. Voucher system, ’yung babayaran mo ang private schools for the kids based on the pondo of gobyerno, and in essence, nataas mo ’yung kalibre rather than gagastos ka ng millions sa infrastructure.
“So, ’yun ang tinatanong ni KC, ‘what do you think about the voucher system?’ So, parang mararamdaman mo nga talaga na she did her research, she did her homework na talagang nakaka-impress,” proud na kuwento pa ni Kris.
Edukasyon din daw ang concern ni Diet, na nagsabing nang pumunta siya minsan sa isang liblib na lugar at nakitang apat na oras ang lalakarin ng mga bata bago makarating ng school, pati ang libro ng mga ito, si Presidente Ramos pa ang nakalagay.
“’Yung nakita mo na ’yung effort ng mga bata, and yet hindi napopondohan nang tama.”
Humanga rin siya kay Piolo Pascual, na nagsabing “wasn’t it that in the Constitution, the biggest allocation should go to education, so, bakit ganu’n?
“So, sabi ko, ‘wow, nagbabasa, in fairness,’” say ni Kris.
Pero ang pinakamaganda raw question for her that night came from Anne Curtis.
“Sabi niya, I already told Ate Kris na I’m supporting you but I don’t want my support to end after you take your oath of office. I want to be involved in the next six years because I put a stake in you. So, what is it that we can do? Doon ako na-impress,” kuwento ni Kris.
“It’s a new generation, mapi-feel mo talaga na ano… malaking bagay na rin siguro ang Internet, Facebook, Twitter, na mababasa mo talaga. Ang dali na ring mag-Google sa Internet.”
Thankful din ang TV host-actress kay Kim Chiu, na dumalo rin and after ng dinner, nag-text ito sa kanya na dati ay dinededma niya ang pagboto, pero this time, magpaparehistro na siya para makaboto and at the same time, makaengganyo rin ng mga kabataan para magparehistro at bumoto.
I hope Kris that if Noy becomes President, our country will improve. I am not expecting a miracle, but we expect to move on and be at par with our asian counterparts. In that way, few Filipinos like me, will rather serve the country than migrate abroad. Kim is still young and she may not have a question about governance but she is now awakened and involved. Carry on Kimerald, show the youth that they are indeed the hope of this motherland of ours.