Article

0

Posted on : Monday, December 21, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu unleashes her dark side as a rebellious daughter in I Love You Goodbye
by Melba Llanera ( PeP ) 12.21.09
As her first offbeat role, aminado si Kim Chui na naging mahirap para sa kanya na gampanan ang role niya bilang rebeldeng anak sa 2009 Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema, ang I Love You Goodbye.

"Siyempre, bagong role siya for me. Hindi ko alam kung tatanggapin siya ng tao the way na umarte ako dito. Dito, masama siya hindi dahil masama siya. Masama siya dahil may rason at isa ito sa aabangan nila sa movie kung bakit siya nagkaganun. Mahirap siyang i-imbibe sa akin dahil palatawa akong tao. Dun, bawal tumawa, lagi kang seryoso, dapat laging nakadilat ang mga mata mo. Mahirap, kaya dapat lagi kang naka-concentrate," sabi ni Kim sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

According to Kim, hindi biro ang preparations na ginawa niya para sa I Love You Goodbye.

"Bago ako maligo, bago ako pumunta sa set, tumitingin ako sa salamin para maging masungit ako. Nanood din ako ng mga kontrabida roles. Tinuruan naman ako ni Direk Laurice [Guillen], 'Isipin mo galit ka, galit ka.' Inisip ko na sobrang galit ako sa sarili ko and nangyari naman, lumabas naman. Sobrang nagalit ako sa sarili ko dahil hindi ako marunong magalit!" tawa niya.

Kahit na bubbly, laging nakangiti, at approachable ang tingin ng tao sa kanya, sinabi ni Kim na tulad ng normal na tao, marunong din siyang mainis at magalit.

"Oo naman, hindi naman tayo santo," sabi niya. "Pag puyat, pag walang tulog, pag pagod, tapos pag walang dalang ganito, ganyan, pag nakalimutan yung kailangang damit... Yun ang big deal sa amin, kasi siyempre ayaw mong mag-cause ng anumang delay. Parang iinit ang ulo mo sa kasama mo dahil dun."

Tinanong din ng PEP si Kim kung puwede ba siyang ma-in love sa isang bad guy na tila kabaligtaran ng kapareha niyang si Gerald Anderson.

"Ako, personally, hindi ko type ang bad boy," saad ni Kim. "Gusto ko mabait lang, pero huwag naman yung sobrang bait. Ayoko ng sobrang masama na papunta na sa addict-addict, ayoko ng may bisyo. Siyempre, iba-iba naman ang paningin ng ibang tao sa gusto nila. Pero ako kasi, ayoko ng sobrang bad boy and ayoko rin naman ng sobrang mabait. Kumbaga, yung nasa gitna lang."

LOVETEAM WITH GERALD. Sa ngayon ay abala si Kim sa taping ng upcoming ABS-CBN teleserye na Kung Tayo'y Magkakalayo at sa shooting ng upcoming movie na Paano Na Kaya? under Star Cinema. Si Gerald ang leading man ni Kim sa parehong proyekto.

"Naka-ilang taping days na kami Kung Tayong Magkakalayo, so medyo nakabangko na. Tapos nagsu-shoot na kami ng movie namin ni Gerald for 2010, yung Paano Na Kaya?. Marami-rami na rin kaming naipon. Sana suportahan siya ng tao," asam ni Kim.

Ang Kimerald, pinagsanib na fans nina Kim at Gerald, ang isa sa fans club na kilalang loyal talaga at nakikipaglaban para sa kanilang idolo. Aminado si Kim na kinakabahan siya minsan sa maaaring sabihin ng mga tagahanga, pero nandun ang pasasalamat at pagpapahalaga niya sa walang salang pagtangkilik ng mga ito sa tambalan nila ni Gerald.

"Oo, minsan may worries ako kasi hindi ko naman control kung ano ang sasabihin nila, hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila. Pero naiintindihan ko naman na kaya sila ganun ay dahil mahal lang nila talaga kami ni Gerald. Basta, salamat na lang sa lahat, sa lahat ng text votes, sa SNN poll questions, sa ASAP, sa magazines, laging ang taas-taas ng scores namin dahil sa kanila.

"Super mega todo salamat sa kanila dahil kahit ano, mapa-good issue o bad issue man, lagi silang nandiyan and sila ang nagre-react para sa amin. Ipinagtatanggol nila kami. Nire-rescue nila kami sa mga lumalait sa amin, sa mga umaaway sa amin. Ang sarap sa pakiramdam na may ganun kang fans na ipaglalaban ka. So, thank you, thank you talaga sa kanila."

Comments (0)

Post a Comment