Article

0

Posted on : Saturday, December 19, 2009 | By : shapap | In :

by Vinia Vivar ( Journal Online ) 12.19.09

Proud na proud ang Star Cinema people sa ipinakitang acting ni Kim Chiu sa filmfest entry nilang I Love You… Goodbye dahil talagang nakaya raw ng young actress ang bigat ng role.

Nang i-offer nga raw nila kay Kim ang movie, nagdalawang-isip ang young actress na tanggapin ito dahil natatakot itong baka hindi makayang gampanan ang ganu’n ka-mature na role since nasa stage pa siya na hindi pa tumutodo sa mabibigat na role.

Kumbaga, dahan-dahan pa lang na papunta sa mature roles.

Bandang huli, napapayag na rin si Kim dahil say nga ng mga Star Cinema, wala silang ibang artistang maisip na babagay sa role na anak ni Gabby Concepcion.

It turned out na tama ang desisyon ni Kim dahil talaga namang puring-puri siya ng direktor na si Laurice Guillen at maging ng co-star niyang si Angelica Panganiban.

Masaya si Kim na tinanggap niya ang movie dahil say nga niya, for a change, sa pagsasara ng taon ay isang bonggang project at kakaibang Kim ang makikita sa kanya.

Wish lang ng mga Star Cinema, manalo si Kim ng award dahil talaga raw napakahusay ng portrayal ng young actress.

Magsisimula na ang showing ng I Love You...Goodbye sa Dec. 25 bilang isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival.

Kasama rin dito si Derek Ramsay bilang ka-triangle nina Gabby at Angelica at must-see ang love scene ng real-life sweethearts sa beach dahil talagang grabe!

Comments (0)

Post a Comment