Posted on :
Monday, December 21, 2009
| By :
shapap
| In :
Article
by Veronica R. Samio ( PhilStar ) 12.21.09
After Santa Santita, nagkaroon muli ng pagkakataon si Angelica Panganiban na magbida sa I Love You Goodbye at makatrabaho si Laurice Guillen, isang pelikula para sa MMFF ’09. Seventeen lamang ang aktres nang gawin nila ni Direk Laurice ang launching movie ng aktres.
“Mas nag-grown siya ngayon. Kailangan lamang niyang i-prioritize ang pagiging aktres niya dahil maraming magagaling ngayon,” ani Direk Laurice na kinabukasan makaraang mailibing ang asawang si Johnny Delgado ay sumabak na agad sa trabaho niya sa pelikula.
“Tapos na, wala na siya. Wala na kaming babantayan ng mga anak ko. Mahirap if he was dying and I was not there. But now, even Johnny would feel na dapat ituloy ko na ang trabaho ko.”
It’s Laurice’s second time to direct a love drama. Dati kasi puro drama lamang ang ginagawa niya. Second love story niya ito after her first directorial film, Kasal which she did in the early 80’s.
Nagpapasalamat siya dahil magagaling ang mga artista niya. Si Angelica, she actually had to force her na mag-mature agad sa film dahil siya ang carrier ng pelikula. Si Gabby Concepcion naman four times na niyang nakasama kaya alam na niya ang working habit nito, kung paano ito umarte.
Kina Derek Ramsay at Kim Chiu siya medyo nag-alanganin.
“Si Kim Chiu who’s a big star now has got star quality. She has presence. I’m happy to find out na artista rin siya, at gusto niyang maging artista. Her role is not the usual Kim Chiu role, and I’m surprised na siya pa ang humihingi ng take two. She’s got a long way to go as an actress.
“I didn’t expect much from Derek Ramsay. Culturally hindi siya lumaki rito. I’ve never met or worked with him. Sa mga workshops ko lang siya nakikita. Pero mature ang mind niya at mahusay siya sa mga linya niya.
“May lovescenes si Angel with both Gabby and Derek. With Gabby, they are very sensual and mature. Passionate naman yung lovescene nila ni Derek. Yung una parang may wall pa na nakapagitan sa kanila. But their beach scene is really something! It is hot! Hindi sila naghubad pero marami silang nalunok na buhangin. No nudity pero kita mo ang passion sa rawness ng kanilang feelings and emotions. I shot this scene in a virgin beach in San Juan, Batangas.
“Sa shower scene naman ni Angel, she took off her clothes para daw maging comfortable siya pero wala kang makikita sa kanya. That shower scene is very important. Hindi lang yon inilagay para lang magkaroon ng sexy scene. Naligo kasi siya right after iniwan siya ng isang lover niya,” sabi ni Laurice who won’t reveal kung bakit I Love You Goodbye ang title ng kanyang pelikula. Meron daw maggu-goodbye sa movie but she won’t say who.
Comments (0)
Post a Comment