Article

0

Posted on : Sunday, December 20, 2009 | By : shapap | In :

by Leo M. Bukas ( Journal Online ) 12.20.09

Kakaibang Kim Chiu raw ang mapapanood ng mga tao sa pelikulang I Love You Goodbye ng Star Cinema na ipalalabas sa Pasko. May pagka-offbeat daw ang role ng dalaga sa movie, pero hindi ito natakot mag-take ng risk.

“Matapang siya. Bilib ako sa kanya dahil tinanggap niya ’yung role sa movie kahit alam niyang hindi ito pa-cute,” kuwento agad ni Direk Laurice Guillen kahapon sa kanyang solo presscon.

“Nakita rin daw ni Direk Laurice kung gaano ka-mahal ni Kim ang kanyang propesyon. “Malayo ang mararating niya. Iba ’yung presence niya sa screen. ’Tsaka sabi ko nga, ’di siya natatakot mag-take ng risk,” dagdag pa ng di-rektor.

Hindi pa namin naka-kausap si Kim para kunin ang kanyang reaksyon sa mga papuri sa kanya ni Direk Laurice, pero I’m sure, super flattered siya rito.

Base sa kuwento sa amin ng ilang nakapanood na ng rushes ng pelikula, malaking rebelasyon daw talaga si Kim sa movie.

Comments (0)

Post a Comment