Article

7

Posted on : Tuesday, September 22, 2009 | By : shapap | In :

Kim Chiu agrees to do love scene with Gerald Anderson for the first time in Tayong Dalawa
Melba Llanera ( PeP ) 09.22.09
Sa nalalapit na pagtatapos ng ABS-CBN primetime series na Tayong Dalawa, pinag-uusapan ngayon ang love scene nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na napanood sa ganitong kasensitibong eksena ang magka-loveteam na nadiskubre sa Pinoy Big Brother Teen Edition.

Simula na ba ito ng pagtanggap ni Kim ng mature at daring roles, lalo't marami na sa mga kapanabayan niya ang gumagawa na rin ng ganitong klaseng roles?

"Kaunti, kasi hindi naman puwede na puro pa-cute. I also need to grow as an actress. Three years na rin ako sa showbiz. Kumbaga, para maiba naman. Open ako, pero hindi lagi kasi baka naman maging sexy star na ako! Basta maganda yung kuwento, maganda yung kapupuntahan. Tingnan natin basta papayag si Mr. M [Johnny Manahan, head of Star Magic]," sabi ni Kim nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal)

Aminado si Kim na sobra siyang kinabahan at matagal-tagal din munang pangungumbinsi ang ginawa sa kanya ng production staff bago siya napapayag na gawin ang love scene nila ni Gerald sa Tayong Dalawa.

"Nung una kasi, parang nagho-hold back ako. Sabi sa akin, 'Kim, halata.' So inulit namin. Gawin ko raw na suwabe. Mag-asawa kami dito, hindi naman ako rereypin ni Gerald.

Bago gawin itong eksenang ito, sabi ko sa direktor namin [Ruel Bayani], 'Paano ko gagawin ito na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko? Paano ba yun?' May pinapanood siya sa aking movie, ganun lang daw, hindi naman masyadong X-rated. Sabi ko nga, 'Hindi ko pinangarap maging X-rated, 'no!' Sabi ni Direk [Ruel], huwag daw akong mag-alala, tutulungan daw niya ako," lahad ng 19-year-old actress.

Sa ilang gabi na lang na nalalabi para sa Tayong Dalawa at sa consistent na mataas na ratings nito, nagpahayag si Kim ng sobra-sobrang pasasalamat sa mga sumuporta at nanonood ng kanilang teleserye.

"Kahit papaano, naiisip na rin namin, kasi ang mga Filipino, very family-oriented tayo. At ang kuwento ng Tayong Dalawa ay very pampamilya. Isa pa, marami siyang kuwento—pamilya, pag-ibig, action... Lahat-lahat nandiyan na, so wala na silang hahanapin pa.

"Maraming salamat sa lahat ng mga tumangkilik at sumuporta sa amin. Sana abangan nila ang mga susunod pang araw, kasi mas maraming mga mangyayari na hindi nila inaasahan na mangyayari."

Kumusta naman ang relasyon nila ni Gerald ngayon?

"Okey naman kami," sagot ni Kim. "Medyo busy lang siya lagi, nagte-taping siya ng Tiagong Akyat. Minsan hindi kami nakakapag-usap, hindi na kami nagte-text. Pero pag nagkita at nagkasama naman kami sa set, nagkukuwentuhan naman kami."

Kinumpirma rin ni Kim sa PEP na isang pelikula na pagsasamahan nila ni Gerald ang niluluto ngayon ng Star Cinema.

"Soon, soon... Sana mangyari yun. Pinag-uusapan pa, pero sana matuloy," asam ni Kim.

Comments (7)

good jOb kim :)

Hahayz..!! Dpat ksi si Kim nlng and partner ni Gerald dyan s Agimat eh.. Ksi mas bgay sla.. eh pinartner nmn kay Gerald s agimat hindi bgay s knya yung isa mukha nyang ate yung isa naman mukha nyang tiya buti pah kung si Kim nlng mukha nya pang ASAWA.. KIMERALD lng noh!!

agree ako sayo "anonymous posted 5:40 PM" dapat nga si kim and partner ni Gerald sa Agimat. I don't watch Agimat because hindi ni Gerald ka partner si Kim.
sana namn meron silang next teleserye again and a movie together! :D

GO KIMERALD!

a ganoon ba,hindi na kasi ako nanunuod ng agimat,wala na akong time. e di sana si Kim na ang kapartner nya kung ganoon namanl ang.

e ganoon na nga. Ako rin hindi nakakapanuod ng Agimat. Kailan ba yan magtatapos?

Pasensiya niya, hindi sa ayaw ko silang mag-grow individually, pero hindi ganuon kasidhi ang aking pakiramdam kung wala si KIM. Sorry talaga, but I love them both.

Hininhintay ko na nga ang pelikula ni KIM kasama sina Angelica Panganiban, Derek & Gabby.
Sana magka-award siya. She is gradually honing her craft so well. Right material, rt directors, ang good casting make KIM & GERALD the best.

mas okey pa rin talaga kung silang dalawa lang ang loveteam!kimerald gogogo!!! maraming loveteam ang pilit na binubuo,itong sa kimerald buong-buo na bakit ba pinaghihiwalay? i can't get it..!basta kami dito, kimerald lang!

I think Kim did not get the part from Agimat bec. Erich died in that movie. Who knows maybe Maxine's part is very daring and it doesn't go with Kim's wholesomeness. The story is about vigilante.

Post a Comment