Article

0

Posted on : Tuesday, September 15, 2009 | By : shapap | In :

Fans of Gerald Anderson, Kim Chiu and Jake Cuenca clamor for more of Tayong Dalawa
MJ Felipe ( ABS-CBN Interactive ) 09.15.09
Jam-packed talaga ang SM City North Edsa Skydome noong Linggo ng hapon kung saan, literal na libo-libong mga fans nila Kim, Gerald at Jake ang sumugod para sa promo mall show ng kanilang teleseryeng nalalapit nang magtapos, ang Tayong Dalawa. Full force ang cast pero mas full force ang mga fans dahil hindi talaga nila pinalampas ang naturang event para masilayan ang kanilang mga idolo. Sa nalalapit na pagtatapos ng naturang teleserye, minabuti ng mga cast at staff ng show na magpasalamat sa mga televiewers at mga fans na walang tigil ang suporta sa kanila at consistent na mataas na ratings kahit ilang buwan pa itong na-extend. Humaba na nga ang kuwento at nagka-sanga-sanga na. Kadalasan, sa mga nangyayaring ganito, nasusuya na ang mga televiewers. Pero sa kaso ng Tayong Dalawa, mas natatakam pa ang lahat at mas naaeexcite sa tindi ng mga eksena.

Nakachika namin ang ilan sa mga tauhan'g namamahala sa pagpapasok ng mga tao sa Skydome at grabe daw talaga ang buhos ng tao. Puno na ang loob ng venue, ay may nakapila pa daw sa labas at hanggang sa mga baba na daw ang dulo ng mga tao. Naubos na nga daw ang mga Star Studio magazine na binebenta nila noong araw na yon. Pati daw ang DVD at VCD ng Tayong Dalawa ay limas na rin. Umabot na sa puntong, tumawag na ang bureau of fire protection sa namamahala ng mall show na ihinto na ang pagpasok ng mga tao dahil sobrang siksikan na sa loob. Baka daw kasi mag-over load ang mga tao sa loob at magkaloko-loko na pag nagka-disgrasya. Hindi na nila alintana kung mahinto ang pagbebenta ng mga sales people ng kanilang mga binebentang magazines, CDs at bags, ang importante daw ay mapangalagaan ang kalagayan ng mga fans.

Kaya naman hiling ng mga fans na nakasalubong namin sa labas ng venue, sana naman daw ay mapagbigyan sila na magkaroon pa ng series of mall shows ang Tayong Dalawa cast sa mga susunod na araw. Dahil nga daw sa patapos na ang teleserye, hiling nilang makita'ng magkakasama sina Kim, Gerald, Jake pati na ang iba pang cast members, sa huling pagkakataon na live. Sana daw makakuha pa sila ng mas malaking venue para ma-accomodate ang lahat.

Comments (0)

Post a Comment