Article

2

Posted on : Monday, September 14, 2009 | By : shapap | In :

Kim, napaiyak sa farewell party ng ‘Tayong Dalawa’
Leo Bukas ( Journal Online ) 09.14.09

Hindi napigilan ni Kim Chiu ang maging emosyonal sa farewell party para sa cast ng Tayong Dalawa na ginanap kahapon ng tanghali sa ASAP ’09. Sa VTR pa lang habang kinakanta ni Gary Valenciano ang theme song ng serye, napaiyak na agad si Kim.

Naging emosyonal din ang ibang member of the cast like Ms. Helen Gamboa nang pasalamat niya ang televiewers at ang production staff ng Tayong Dalawa. Ani Tita Helen, napamahal na sa kanya ang cast at hindi niya malilimutang nakatrabaho ang mga ito.

Very thankful naman si Gina Pareño sa bagong tawag sa kanya ngayon ng publiko bilang Lola Gets.

“Dahil sa Tayong Dalawa, may bago na akong pangalan. Salamat sa inyo,” sambit pa niya.

Malaki ang nagawa ng serye para sa career ni Gerald Anderson at Jake Cuenca. Dito nila naipakita ang husay nila bilang aktor. Si Coco Martin, Cherry Pie Picache, Alessandra de Rossi, Agot Isidro ay very thankful din na napasama sila sa cast.

Nang turn na ni Kim para magpasalamat, hindi ito agad nakapagsalita. “Naiiyak na naman ako... Hindi ko alam ang sasabihin ko. Basta, maraming salamat po sa inyong lahat.”

Ten days na lang ang itatagal ng Tayong Dalawa. Matatapos na ito sa September 26.

Comments (2)

Conratulattions to all the cast of Tayong Dalawa. They've showed their versatility. Coco Martin is great.
Hopefully they will be another Kimerald telesreye & cant hardly wait.
mayet from,
Australia

Yes, all of us cnnot forget this TD teleserye, especially the experience for KIMERALD, more mature roles for them. We feel the same way as KIM, were very sad, for 9 months yon lang inaabangan namin every night, now it will end. Anyway ABS, please, in the next teleserye for KIM & GERALD sana mga ganitong casting pa rin, they give their best, sobra ! hindi na sila mga bata, looking back at their PBB days. KIM don't worry, GERALD will always there for you, no matter what, magkasama o hindi sa isang project, nandito kami to support both of you. GE, mahalin mo palagi si KIM, bawat kilos mo binabantayan namin, weird ano ??? sobra pa magselos kay KIM, dahil siya lang ang gusto namin para sa yo. To both of you - always do your best in all your coming projects. Very sweet talaga ni KIM, ang ganda-ganda bagay talaga kayo, kahit sa MALL show hirap kami makapasok sa dami ng tao pero makita lang namin kayo, masaya na kami. God bless you both !

Post a Comment