Article

2

Posted on : Saturday, September 12, 2009 | By : shapap | In :

Gerald Anderson named sexiest bachelor
Arniel Serato ( ABS-CBN Interactive ) 09.12.09
Isa sa sobrang tinilian sa isang rampahan ng mga nagga-guwapuhang lalaki sa NBC Tent ay si Gerald Anderson. Napuno ng sigawan at tilian ang nasabing venue nang rumampa na ang Prince of Primetime. Finale si Gerald kaya naman inaabangan ng mga manunuod ang kanyang paglabas mula sa backstage. Litaw ang kakisigan ng binata at ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Kaya naman nung makausap ng ABS-CBN.com si Gerald, agad naming inusisa kung ano ang nararamdaman niya sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanya.

“Of course happy, talagang masaya, tsaka napaka-overwhelming dahil nung mga ginagawa ng mga tao natilian, sumigaw at talagang isinisigaw nila ang pangalan ko, para sa akin napaka-overwhelming.”

Ano kaya ang feeling na topless siyang naglalakad sa rampa habang binabasa ng mga water gun at nakatutok ang lahat ng mga camera sa kanya? “Nakakahiya pero masaya. Nakakataba ng puso na ang daming tumitili.” Tuloy na tuloy na kaya pagpapa-sexy niya? “Hahaha. Sexy pero wholesome. Andun pa rin yung cuteness.”

Ngayong ilang gabi na lamang ang nalalabi para sa Tayong Dalawa, naitanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa pagwawakas nito. “Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumusuporta at sumusubaybay sa amin. Sa hindi nila pagbitaw gabi-gabi sa Tayong Dalawa. Nagbunga ang lahat ng paghihirap naming. Salamat talaga.”

Comments (2)

Gerald is one of the young actors who has this killer smile. Bukos sa talagang guwapo pero pag ngumiti pa siya it's oozing with sex appeal, boyish charm, cuteness and wholesomeness. Congrats Gerald and I hope you and Kim will will be together forever on and off the screen. I love you and God bless you both.

gerald has a very wholesome personality. one of the traits i admire most in him is his being a gentleman di lang kay Kim ,but with anybody for that matter. be it with a lady (lalo na kay Kim)or anyone he is with ma-babae or ma-lalaki, matanda o bata. coupled with the "IT" factor he and Kim are destined to go places. hope you both remain humble and grounded. God bless!

Post a Comment